*JB
"Wala siya." ani Ivan pagpasok pa lamang niya sa apartment ko.
Where is she?
Lumipas na ang dalamput-apat na oras pero wala pa ring balita kay Arinne, kahit si Mia hindi alam kung nasaan ba siya.
"Wala na ba tayong ibang pwedeng pagtanungan? Baka may nakaligtaan lang tayo." saad ko.
Wala siya kila Sharmaine o kahit sinong maaaring samahan niya. Isa pang ikinababahala ko ay ang gulo sa loob ng bahay niya.
"Hindi na 'to maganda. Baka napano na si Rinne." sabi ni Paul
"Sino ba kasi ang pwedeng gumawa sa kaniya no'n? Wala naman akong natatandaang nakaaway ni Rinne eh. Well, maliban na lang sa stalker ni Ivan." ani Martin.
"Wait guys, there's someone I know." biglang saad ni Jovie.
"Ha?"
"Someone who has a grudge on Rinne or maybe too much obsession."
.
.
.
.
"Si Santi." sabay-sabay naming saad."Tama. Baka si Santi nga!"
"We have to make sure." pwedeng may plano na naman siya kay Arinne kaya nawawala ito.
"Let's go to Mondragon."
---
Pagkarating pa lamang namin sa hide-out nila ay walang anu-ano'y sinipa ni Rj ang pintuan at saka na kami pumasok.
"Where's Santi?" tanong niya
Naabutan namin ang ilan sa mga myembro nila na nakaupo lamang sa sofa, ang ilan ay naglalaro ng baraha. Magulo ang lugar pero parang wala lang ito sa kanila.
"Nasaan si Santi?!" sinipa pa ni Rj ang isang monoblock, kaya't natumba ang lalakeng nakaupo rito.
"Wala kaming oras sa mga ka******n niyo, sabihin niyo na kung nasaan niya!" ani Jovie. Lahat kami ay hindi maikaka-ilang galit at naiinis sa pagkawala ni Arinne. Ngayon ko lang nakitang ganito ang mga kasama ko at nagmura pa si Jovie.
"W-wala siya rito." sagot ng lalake nakaupo kanina sa sinipang bangkuan ni Rj
"H-hindi na kaniya ang lugar na ito. Hindi na rin kami myembro ng Mondragon Gang." sagot pa ng isa sa kanila.
"Ano?"
"May nakalabang grupo si Boss Santi, pinilit niyang agawin ang teritoryo nila. Natalo siya kaya't itong buong pamumuno sa Gang ang naging kapalit." paliwanag pa niya.
"Sino ang kinalaban niya?"
"Red Claws."
"Ano namang katangahan ang naisip ng Santi na 'yon at kinalaban niya ang Red Claws? Nasaan siya ngayon?"
"Nasa ospital, marami siyang natamong sugat. Pinahirapan siya ng Leader ng Red Claws, mabuti nga at binuhay pa siya."
"Kung gano'n, Nasaan si Arinne?" tanong sa kanila, nagbabaka-sakaling alam nila kung nasaan siya.
"A-ang alam ko, pinagpustahan nila ang lahat ng meron sa grupo ng maglaban sila, maging ang mga myembro ng bawat gang. Kaya nga tauhan na kami ngayon ng Red Claws."
Ibig-sabihin...
"Let's go." Agad na anunsyo ni Rj kaya't umalis na kami roon at nagsisakay sa motor na aming dala.
Kung gano'n ang naging pustahan nila. Maaaring naroon nga si Arinne.
Naunang pinaharurot ni Rj ang kaniyang sasakyan at sumunod na lamang ako sa kanila. Lumipas ag ilang minuto ay nakapasok na kami sa isnag madilim sa kanto. Isang pumupundit na ilaw ang sumalubong saamin. Bumaba na kami at naglakad papasok ng isang malaking gate.
BINABASA MO ANG
When she Fell on my Roof (Completed)
Fantasy'We met in the weirdest way, But I'm glad you fell on my roof.' Dark Cabal Series: One