Ch. 40: The Returning One

569 17 1
                                    

'You don't just have to die for the people you love. You must live for them too.'

~~~~

*MIA GRACE*

"Hi, twin!" I greeted her.

"Kamusta ka? Nagdala ko ng prutas at mayamaya lang nandito na ang boyfriend mo."

"So, how was your day?" I asked and sat on a chair.

"Ako. Natapos ko na ang pagtanggap ko sa gift ko. It took me five hours para humingi ng tawad sa katana ko bago niya ko payagang makipag-kontrata ulit sa kanya."

"At alam mo ba? Carl, asked me on a date. He told me that he liked me, the first time he saw me. Ang haba ng hair ko no." I smiled.

"Pero mas mahaba ang buhok mo. Nakakamatay sa kilig 'yang boyfriend mo. Araw-arawin ba naman ang pagpunta rito."

"Shia... Two months na."

"Two months na pero...tulog ka pa rin diyan."

I held her hand and squeezed it lightly.

"Hanggang kailan mo ba siya paghihintayin sa paggising mo? Hanggang kailan kami maghihintay?"

"Ano 'yun, sleeping beauty lang peg mo gano'n?"

Two months had passed since then.

That night was the most frightening moment of my life.

Nang ianunsyo nilang wala na si Shia, parang naguho ang mundo ko.

But not until her match told them, that she's still alive.

Walang gustong maniwala sa kanya noon na buhay pa si Shia, dahil tumigil na raw sa pagtibok ang puso niya. Pero that statement, Jb said gave all the hopes I needed.

"I am her Match. And I know if she's still with me or not. And right now, she is with me."

Syempre nagulat ako sa sinabi niya, pero binigyan niya ko ng pag-asa na makakasama ko pa ulit si Shia.

Hindi na tumitibok ang puso ni Shia. Hindi na, kahit minsan. Pero ang katawan niya, gano'n parin ang itsura, walang pagbabago at parang natutulog lang. Iyon ang tanging senyales ko para maniwalang may pag-asa pa, na pilit pa rin siyang lumalaban para mabuhay.

"Shia. Gising ka na, o. Tignan mo 'yang buhok mo. Parang lola na." Hindi na nagpalit ng kulay ang buhok ni Shia. Sa nakalipas na dalawang buwan ay unti-unting pumuti ang buhok niya hanggang sa wala ng itim na natira.

Walang nakakaalam kung anong nangyayare kay Shia. Kahit ang mga cabal doctors hindi alam kung anong gagawin sa kanya, kaya hinayaan na lang siyang nakaratay muna rito sa infirmary. Yung healer nga, hindi magawang magamot si Shia. Walang kahit anong aparato na nakakabit sa kanya. Maging si Royana, hindi maramdaman ang gift ni Shia.
Sabi niya imposibleng mawala na lang basta ang gift ni Shia nang hindi niya nararamdaman.

So I hope, buhay pa rin ang gift niya.

"Mia."

"O, Jb. Dumiretso ka na galing school?" Nakita ko si Jb na pumasok at ipinatong ang dala niyang bulaklak sa paso.

"Opo," sagot niya at tumabi sa kama ni Shia.

"Hi, Arinne," saad ni JB at hinalikan pa sa noo ang kapatid ko.

I saw how he looked at my sister lovingly, and that made me smiled.

"Labas muna ko ha," saad ko at tumango na lang siya.

Pagkalabas ko ay agad akong sumandal sa pinto at napabuntong-hininga.

Please come back, Shia.

------------

When she Fell on my Roof (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon