Special ch. 1: When she saw the Future

638 15 0
                                    

"Kyaah! Andyan na sila!"

"Nandyan na?"

"Oo, nakita na daw sila sa gate ng school."

"Girl, ayos na ba ang lipstick ko?"

"Girl, mukha kang shokoy. Baka matakot lang sila sa 'yo niyan."

"Gaga."

"Kyaah! Andito na sila!"

Seven men walked inside the campus, making all the women scream.

"Ivan! Pakasalan mo na 'ko!"

"RJ, mas bagay tayo!"

"Paul, my loves!"

"Jovie, napanaginipan kita kagabi!"

"Martin, ang hot mo talaga!"

"Jb, akin ka na lang--"

"Gaga, di pwede si Jb. May Ms. Snow na 'yan."

"Maka-takip naman 'to sa bibig. Bawal magfangirl? Knows ko naman na 'yun. Crush ko lang talaga si fafa Jb."

"Kyaah! Ms. Snow!" sigawan rin nila nang matanaw nila ang dalaga na naglalakad habang itinatali ang puti niyang buhok.

Snow white and the seven hunks. Nice name right?

But actually, It was Ivan's idea...not the author's.

"Rinne, bilisan mo namang maglakad, male-late na tayo sa first class," sigaw pa ni Martin sa kanya.

"Excited ka? Kayo kayang maubusan ng parking space? Sapakin kita diyan, e," sagot naman ng dalaga sa kanya.

"Oy, tama na 'yan. Magsisimula na naman kayo, e." Hinawakan na ni Jb ang kamay ng dalaga at iniiwas kay Martin.

"Ms. Snow! Pa-autograph!" sigaw pa ng ilan.

"Sino ba si Ms. Snow? Ikaw ba 'yun, Ivan?"

"Baliw 'to, ginawa pa 'kong Ms. Ikaw lang naman ang babae sa 'tin. Tinatanong mo pa?"

"Aba, malay ko ba kung gusto mo ring maging Miss?"

"Tara na nga at baka, malate na talaga tayo."

Agad na silang tumakbo upang pumasok sa klase.

At dahil nga sa ayaw nilang magkahiwa-hiwalay, pare-pareho na rin silang nag-enroll sa iisang course - Ang Engineering.

"Eli, nagtext si Sharmz. Yung P.E. Uniform niya daw makidala mo sa Court, may activity daw sila."

"Ang ulyanin talaga ng babaeng 'yun. Sinabi ko ng h'wag niyang iwan yung pam-p.e, iniwan pa rin."

"Anong sabi mo, ulyanin ako ha?" tanong ng kadarating lang na dalaga.

"A-a... Babe, i-ito na nga, o. Dala ko na,"

At ang dating aso't pusang sila Eli at Sharmaine...Ayun, aso't pusa pa rin.

"H'wag mo kong matawag-tawag na babe!"

"A, pre. Una na kami sa 'yo," saad ni Paul at iniwan na ang kanilang kaibigan kasama ang kanyang kasintahan.

---------

"Shia. Tignan mo 'to. Bagay ba?"

"Maganda naman."

"Ano ba 'yan? Panay naman maganda lang sagot mo. Ano nga kasi?"

"Mia, maganda naman kasi ang suot mo. At isa pa, kahit basahan pa yang suot mo, walang pake si Sunshine do'n."

"Sure ka ha? Maganda 'to?"

"Oo nga."

"Siya nga pala, Shia. May bagong dating na bata," saad ni Mia habang inaayos ang suot nito.

"Sino?"

"Hindi ko pa nakilala, kaninang umaga lang daw dumating. And you know what?"

"What?"

"She's a seer," saad nito kaya napabangon ang kanyang kakambal mula sa kama.

"She's lola's succesor?"

"Yup."

At dahil namatay na ang host na si Miranda, lumipat na sa iba ang gift.

Shia and Mia were born with gifts. But a person, not born with a gift, can be a succesor if the gift chooses him or her to be its new host.

"Nice," komento niya.

"Uuwi na nga pala 'ko."

"Bakit uuwi ka na?"

"May klase pa 'ko bukas. 'Di ako pwedeng magpagabi."

"Sus. Sabihin mo hahanapin ka lang ni Jb."

"Ganun na rin yun," aniya at tumayo na mula sa higaan.

"Uwi na 'ko. Goodluck sa date niyo."

"Ingat sa pag-uwi." Kumaway lang siya at lumabas na ng kwarto.

"Magandang gabi po, Superior Ross," bati niya nang makasalubong ito.

"O, pauwi ka na ba?"

"Opo. Kayo po, aalis po ba kayo?"

"A, hindi. Kadarating ko lang. Kasal kasi ngayon ng kapatid ko."

"A, ganun po ba. Sige po, mauna na po ako, Superior."

"Siya nga pala. Kailangan mong sumama sa Council meeting kasama ang Head sa sabado," aniya kaya napabuntong-hininga na lamang ang dalaga.

"Kailangan ho ba talaga ko dun, Superior?"

"Oo naman. Isa ka ng Marshall ngayon, Shia. Kasama na responsibilidad mo ang pagpunta sa mga ganoong pagpupulong."

"Okay... Sige, pupunta po ako," aniya at yumuko.

Naglakad na siya paalis upang umuwi.

Mula naman sa 'di kalayuan.

Isang bata ang tumatakbo paakyat sa quarters kaya't hindi nito napansin ang kaharap.

"Aww!" daing ng bata nang mapaupo siya sa sahig.

"Naku, sorry! Ayos kalang ba?" tanong ni Shia nang mabangga ang bata.

"A-ayos lang po."

"Halika, tulungan na kita." At inalalayan niyang makatayo ang bata.

"Pasensya na. Ayos ka lang ba?"

"Opo, sorry rin po."

"Teka, bago ka ba? Ngayon lang kita nakita dito."

"Opo, kadarating ko lang po kanina."

"Kaya pala. Anyways, welcome to Dark Cabal. Ako si Shia," anito at inalahad ang palad niya.

"Neri po," sagot ng bata at tinanggap ang kamay ni Shia.

"Aww!" Agad na napabitaw si Shia nang makaramdam nang sakit sa kanyang palad nang hawakan ang kamay ng bata.

Nagulat naman siya nang matumba ang bata at nawalan ng malay.

"Neri! Hala. Neri! Gumising ka!"

"Tulong po!"

"Neri!" tinapik-tapik pa nito ang pisngi ng bata.

Mayamaya'y, muling nagmulat ang bata at nagsalita.

"Walong taon mula ngayon."

"Ha?"

Kakaiba ang kanyang naging itsura. Namuti ang kanyang mga mata at umilaw ang kanyang mga kamay.

"Walong taon mula ngayon. Magsisimula ang malaking pagbabago."

"Magkakagulo ang lahat. Masisira ang mga alyansa. Maguguho, Mawawasak."

"Maghanda... Maghanda ang lahat, pagka't sa pagdating ng araw na yaon... Itatakwil tayo ng lahat."

The little girl fainted after saying those words.

"Walong taon...P-pagkawasak?"

"I-ikaw ang bagong seer?"

A new seer has arrived...

And a new prophecy has been told.

******

When she Fell on my Roof (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon