*ARINNE SHIA*
"Ready, Rinne?"
"Yup. Tara na." I held her hand amd lead her outside the house.
Sumakay na kami sa kotse niya at nagtungo sa mall.
"We're gonna have a date. Gonna have a date~" pakanta-kanta pa siya.
"Saya mo naman, Sharmz?"
"Syempre. Magkasama tayong dalawa. Bonding natin 'to, na tayo lang. And most importantly, hindi kasama ang mga ugok mong members."
"Bakit ba inis na inis ka sa kanila?"
"Dahil inagaw ka nila sa 'kin. Tayo ang original na magbestfriend, pero sila ang lagi mong kasama, sila yung lagi mong kausap. Baka nga mas marami pa silang alam tungkol sa 'yo, kaysa sa 'kin na bestfriend mo," mahabang litanya na.
Natamaan ako sa huli niyang sinabi. Niloloko ko pa rin siya hanggang ngayon dahil hindi ko parin sinasabi sa kanya ang totoo.
"Ah... Sharmz."
"Yes?"
"May kailangan kang malaman."
"Na ano?"
"I am a--"
"O, nandito na tayo. Mamaya mo na sabihin, Rinne," aniya nang tumigil ang sinasakyan namin.
"S-sige. Mamaya na lang."
Lumabas na kami pareho at naglakad papasok ng mall.
"So, where are we going?" I asked her.
"Hanap muna tayong dress para sa ball, then shoes and other accesories."
"Okay," saad ko at nagpatuloy na kami sa paglalakad. Tumigil kami sa isang botique at doon naghanap ng dress.
"Yieehh! So many beautiful choices!" tili pa ni Sharmaine.
Ini-assist kami ng mga staff papasok sa may gowns and dress section nila.
"Ano bang magandang kulay?" tanong ko pa.
"I think, bagay ho sainyo ang mga light colors. Mas titingkad ho kasi ang kutis niyo dahil maputi kayo," saad ng isang staff.
"Oo, Rinne. Bagay nga sa 'yo. Mga nude colors t'saka cream," dagdag pa ni Sharmaine.
"Oh. Okay. Kayo na ang bahala."
Wala nga pala akong alam sa mga ganyan.
"Ito. Rinne try mo 'to!" sabay pakita ni Sharmaine sa isang long gown.
"Wala bang medyo covered diyan. Litaw masyado ang dibdib ko diyan, e."
Mababa kasi ang cut sa harapan, parang hanggang pusod ko yata kita kapag sinuot ko ang gown na 'yun.
"Sabagay. Baka maglaway sila sa 'yo. Hindi ako papayag na manyakin ka ng mga lalake 'dun," aniya at ibinalik ang gown.
"Ay ito na lang," saad niya at ipinakita ang isang Straight gown...na may mahabang slit.
"Hanggang Bewang yat ang slit niyan, Sharmz."
"Ayaw mo nito?" At umiling ako.
Marami pa silang ipinakita at sa huli napagdesisyunan nilang 'yung cream mermaid style gown na lang ang suotin ko.
Pinapasok nila ako sa fitting room.
"Sharmz, patulong naman, o. Di ko masara yung zipper," saad ko pa sa loob ng fitting room.
"Ay h'wag ako, Rinne. Ayokong makita, kailangan surprise paglabas mo. Miss, ikaw na lang yung tumulong sa bestfriend ko," aniya pa.
"Sige po." At pumasok naman sa loob ng fitting room yunv babae at tinulungan ako sa suot ko.
BINABASA MO ANG
When she Fell on my Roof (Completed)
Fantasy'We met in the weirdest way, But I'm glad you fell on my roof.' Dark Cabal Series: One