PART I (Mary Dale)

1.2K 25 1
                                    

Malapit nanaman ang pasokan kaya two weeks before magsimula ang pasokan ay lumuwas ng Manila si Mary Dale para makapag adjust naman daw sya sa makabagong buhay na haharapin nya. Mag f'1st year college palang sya at mag-aaral ng AB Communication para kumuha ng Flight Attendant Course after graduate. Pansamantala syang titira sa kanyang uncle na matandang binata, magkasundo sila dahil pareho silang KALOG!!
Maagang sinundo ni Uncle Barney si Mary Dale sa airport, samantalang eto namang si Mary Dale e palabas palang agaw atensyon na sa mga tao.

MaryDale: Uncle Barney! Ay abaw,          naka shades pa sya ui!!

Napakamot sa ulo si Uncle Barney sabay napatingin sa mga taong naagaw ni Mary Dale ang atensyon, nakuha naman agad ni Mary Dale ibig sabihin nun, ganon lang kasi talaga sya pag excited/tuwang tuwa talagang wala syang paki alam sa mga nakapaligid sa kanya basta sya nag e'express ng gusto nyang sabihin. Agad syang nilapitan ni Uncle Barney at pareho nalang silang natawa sa ganon lagay at madaling sumakay ng Taxi pauwi.
Agad namang pinaghanda ng makakakain ni Uncle Barney pagdating sa bahay neto  si Mary Dale dahil alam nyang napagod ang pamangkin sa byahe.

Uncle Barney: oh buti May-May di umiyak si Mama doon pag alis mo satin sa Cagayan?

May-May: Umiyak Uncle e, nag drama pa kami bago ako umalis bai. Sabi ko nga sa kanya naku Mama Lo itigil mo na yang iyak mo kay kung buhay lang si Papa Lo ayaw nanaman nyang nakikita kang umiiyak.

Napangiti si Mama Lo, sa sinabing yun ni Maymay. "Mama Lo" means mama lola, same with "Papa Lo" means papa lolo.

Mama Lo: Hayy, Oo na! Ayaw pnaman ng Papa Lo mo na nalulungkot ako.

Maymay: Hindi yun Mama Lo, sasabihin nanaman nya itigil mo na yang kakaiyak mo para nanamang pwet ng manok ang mukha mo pag umiiyak ka.

Isang malakas na kurot ang natikman ni Maymay sa tagiliran bago sya umakyat ng eroplano kanina dahil sa pang aasar sa Mama Lo nya. Ayaw ng drama ni Maymay kaya lahat ng bagay idinadaan nya sa kapilyohan nya.

Alas tres na ng hapon ng magising si Maymay, nakita nyang nakabihis ang Uncle Barney nya at halatang may lakad eto kaya naintriga naman si Maymay.

Maymay: Uncle maliban sa pagkamatanda, saan ka pa pupunta?

Uncle Barney: oh, gising kana pala! Pupunta sana ako sa bahay ng boss ko, birthday kasi ng unica ija nya, e debut daw. Nakakahiya naman kung tatanggihan ko e pareho silang mababait sa akin. Mag-lock ka nalang ng pinto, tsaka may pagkain jan sa ref, di naman ako magpapagabi basta pag may kumatok wag mong ipagbubukas agad kasi pag ako na ang nanjan tatawagin kita.ok!?

Maymay: Ang dami mong sinabi Uncle, sa lagay na yun wala ka talagang plano isama ako?

Natahimik si Uncle Barney at maya maya ay napangiti eto.

Uncle Barney: Oh sya, magbihis kana at aantayin kita! Akala ko naman kasi e pag inaya kita e tatanggihan mo ako at idadahilan mong pagod ka.

Mary Dale: Akala mo lang yun Uncle, Sige give me 5 minute's to prepare.

At mabilis ngang natapos na nagbihis si Maymay, isang simpleng skinny jeans lang at fit white t'shirt lang ang suot nya. Slim si Maymay kaya kahit simple lang sya manamit e attractive din ang hubog ng katawan nya lalo nat mahilig sya sa fit na pang itaas na kumokorte sa curve ng kanyang katawan. Mala pang modeling ang katawan ni maymay lalo na at malaki ang kanyang balakang pero hindi nga lang kaumbokan ang kanyang pwet pati na ang kanyang dibdib na pinaka insecurities nya sa sarili nya.

Mag aalas singko na ng hapon ng makarating ang mag Uncle sa pupuntahan nilang party dala na rin ng matinding traffic na isa sa dapat ipag adjust ni Maymay sa Manila. Pag dating nila doon ay marami ng tao at karamihan na dumalo ay mga kabataan na palagay nya ay ka edaran lang din nya. Halatang mga sosyal ang mga bisita at talagang pinaghandaan ng bawat pumunta ang kanilang kasuotan. Bagay na nakaramdam ng unting panliliit sa sarili si Maymay.

D' Big Four •MayWard💑KissYong•Where stories live. Discover now