Part 20 (Go Yong!)

357 15 2
                                    

Sa Bahay..

Gabi na ng matapos sa pag p'practice sina Yong at Kristine kaya nag-aya si Tita Darling na doon na maghapunan si Kristine. Nag-luluto ng mga oras na iyon si Tita Darling habang nagpapahinga naman sa sala ang dalawa.

Kristine: tingin mo mananalo tayo?

Yong: oo naman, tiwala lang sa sarili! Tsaka isa pa, maganda ka naman,gwapo ako pasaan pa at dun din ang punta natin?

Pagbibiro ni Yong, napasimangot naman si Kristine at pabagsak na isinandal ang likod sa couch.

Kristine: Seriously Yong, hindi mukha ang labanan sa pageant, it's all about brain. Physical appearance is an additional impact only.

Yong: nah patay na! Wala ako nun.

Kristine: Yong gusto kong manalo sa pageant, kaya please? Do your..I mean let's do our best?

Yong: paano kung Hindi tayo manalo? Paano kung magkamali ako pagdating sa question? Magagalit kaba sa akin.

Kristine: nope! Nasasayo naman yan kung gusto mong ipahiya ang sarili mo in front of them.

Hindi nakasagot si Yong sa sinabing yun ni Kristine kaya natahimik sya. Natawa si Kristine sa reaksyon na yun ni Yong kaya pinindot nya sa may bandang tagiliran si Yong kung kaya't Napa igtad ito.

Kristine: alam ko na ang kiliti mo!

Tukso ni Kristine habang natatawa, lumapit naman si Yong upang gantihan si Kristine ngunit mabilis na itinakip ni Kristine ang unan sa kanyang mukha.

Kristen: sige subokan mo Yong!

Yong: akala mo ah, ang daya mo!

Ayun, at nag-umpisa na silang mag-harutan, hampasan ng unan na para bang mga bata lang na naghaharutan. Ng mapagod na ang dalawa ay sabay silang napaupo paliyad sa couch. Sabay pa silang napalingon sa isa't-isa kaya napangiti nalang sila pareho, Hindi nagtagal si Kristine sa pagkakatitig kay Yong kaya mabilis nyang inalis ang paningin dito at ibinaling na lang kung saan,kunwa'y napa ubo s'ya.

Kristine: eherrm! Maiba nga pala ako, asan ang mga kasama mo?

Yong: hindi ko alam! May kanya-kanya silang lakad.

Kristen: edi,mag kasama malamang ngayon yung mag-syota?

Yong: sino?

Kristine: si Edward at Maymay?

Yong: sus! Pati ba naman ikaw?

Kristine: what's wrong with that?

Yong: Hindi naman kasi sila eh, talagang close lang yun sila. Tsaka kung hindi ako nagkakamali may ibang nililigawan si Edward.

Kristine: oh,really!? who's that lucky girl?

Yong: si Heaven! Nurse student din dyan sa University.

Kristine: talaga!? Yung Paralejo ba kamo?

Yong: oo yun nga! Bakit kilala mo?

Kristine: never mind!  Close ba kayo ni Edward?

Yong: oo! Lahat naman kami dito sa bahay, para na ngang magkakadugtong mga bituka namin eh.

Kristine: how sweet n'yo naman.

Yong: gusto mo dito ka nalang tumira! Masaya dito, total isa ka lang din naman sa apartment mo diba?

Kristine: Hindi OK lang ako! Mas gusto ko ang nag-iisa para nakakapag isip ako.

D' Big Four •MayWard💑KissYong•Where stories live. Discover now