Part 16 (Wow Yong!)

338 14 0
                                    

Isang Linggo, bago dumating ang Christmas party nila sa buong University ay magkakaroon ng pageant para sa buong Criminolgy Student dahil nag-r'raise sila ng fund.  Isa sa napili ay si Yong, hindi alam ni Yong na isinali pala ang pangalan nya ng mga classmate nya sa list of contestant, kilala si Yong ng mga Criminology student dahil sa pagka makulit nito at walang pinipiling kaibiganin kaya marami syang kakilala. Ng inabutan na sya ng schedule of list ng kanyang practice ay laking gulat nya, hindi nya linya ang ganoong pageant at pinaka hate nya ang humarap sa maraming tao. Hindi na sya pweding umatras kahit ayaw nya dahil e s'suspend sya ng isang linggo. Wala syang nagawa kundi ang umayon na lang, pero laking tuwa naman nya ng mag bunotan ng pangalan ang mga contestant ng kanilang pareha sa pageant, si Kristine ang makakapareha nya!
Pagkatapos malaman ng bawat magka-pareha ay agad na nag usap si Kristine at Yong para sa pagpaplano na gagawin nila.

Kristine: Kailangan natin ng personal choreographer kahit na may mag t'train na sa ating lahat, look, kung ayaw mo sa pageant na 'to e mas doble naman ako! Kung hindi lang sa suspension na yan hinding hindi talaga ako sasali dito, kaya I hope maki cooperate ka naman. (Seryusong paliwanag ni Kristine)

Yong: (balisa) ah, ehh..s-sige!

Kristine: good to hear that! By the way, wala kabang kakilala na marunong mag handle ng ganito? Para sya ng bahala sa ating dalawa and mag b'bayad nalang tayo sa kanya.

Yong: yung caretaker ng apartment namin! Si Tita Darling siguro marunong yun, sya kasi yung personal Choreographer ni Kisses yung kasama namin sa apartment na Modelo.

Kristine: I know her! Taking a nursing course? Maraming kasama ko sa varsity ang humanga sa kanya eh. So, let's go! Puntahan muna natin yung sinasabi mong Tita Darling na yun baka sakaling pumayag..

Yong: w-wala akong service eh.

Kristine: may motor akong dala! Let's go, move! Time is gold.

At agad ngang sumunod si Yong kay Kristine. Ilang sandali pa ay nakarating na sila sa kanilang apartment at naabutan nilang nanonood ng Tv si Maymay at Tita Darling sa sala.

Kristine: magandang araw po!!

Tita Darling & Maymay: (napalingon)

Maymay: (napahiyaw) ohh my gosh Kristine!! (Lumapit kay Kristine) maganda ka pa sa araw na 'to! Hala, anong ginagawa mo dito? Bakit magkasama kayo ni Yong!? Yong may hindi ka ba sinasabi sa amin?

Yong:(napakamot sa batok)

Tita Darling: Yong, paupuin mong bisita mo! Kukuha muna ako ng makakain.

Yong: si ate Maymay kasi.upo ka muna Kristine.

Kristine: (naupo) andito ka rin pala nakatira?

Maymay: oo! Kami kami magkaka sama dito, pati yung kasama ko rin nagpa piktyur sayo naaalala mo ba? Wait tawagin ko muna ahh..

Mabilis na tinungo ni Maymay si Edward sa boy's room at agad nya itong hinila palabas ng sala. Takang taka naman si Edward kaya ng agad na mamukhaan si Kristine ay natigilan ito at napangiti na lang.

Edward: oh! Hello!

Kristine: (nagulat) andito ka rin pala?

Yong: magka kilala na pala kayo?

Maymay: oo! Diba yung araw na ga pasikat ka naka pa piktyur ka sa crush mo? Kami ring dalawa ni Edward uii..

Kristine: sino ang crush ni Yong?

Yong: (tinakpan ang bunganga ni Maymay) tumahimik ka na nga! W-wala. Nabubuang nanaman 'to.

Natawa  nalang si Kristine, agad namang ikwenento ni Kristine ang pakay nila ni Yong kay Tita Darling, di naman nag dalawang isip si Tita Darling dahil sa kanilang dalawa lang naman ni Yong sya mag f'focus. Di narin nag tagal ang dalawa at bumalik na ng University dahil pareho pa silang may last subject at babalik nalang sila ulit mamayang gabi pagkatapos ng klase nila para sa unang araw ng practice nila kay tita Darling.

D' Big Four •MayWard💑KissYong•Where stories live. Discover now