Part 27 (Kisses on Struggle😣)

391 15 0
                                    

Humantong sa isang Coffee Shop malapit sa kanilang University sina Kisses at Yong, sa halip na pumasok na sa klase si Kisses ay pinili nitong lumiban na lang muna at pansamantalang sinamahan si Yong.

Magkaharap silang dalawa ni Yong sa isang maliit na mesa habang nag-aantay ng kanilang order, nananatili paring tahimik itong si Yong at bakas pa rin sa mukha ang pagkabigla sa mga pangyayari, ginagawa namang kausapin ni Kisses itong si Yong para naman makalimutan n'ya ang nangyari ngunit isang tanong at isang sagot naman si Yong kaya nung huli ay pinili na lang manahimik ni Kisses. Napansin naman ni Yong ang pananahimik ni Kisses kaya bumuntong hininga s'ya bago nagsalita.

Yong: sayo na 'tong mga bulaklak Kisses! sayang naman kung itatapon ko nalang ito eh.

At iniabot ni Yong ang bouquet ng rosas kay Kisses na sana ay ibibigay n'ya kay Kristine, napatingin sa kanya si Kisses kaya pinilit ngumiti ni Yong at napangiti naman si Kisses.

Kisses: kunwari ako si Kristine Yong, at ibibigay mo sa akin yang bulaklak.

Yong: ano ka ba? inuumpisahan ko na ngang kalimutan yun eh.

Kisses: Alam mo makatutulong 'to sayo, lahat ng gusto mong sabihin kay Kristine sabihin mo ngayon, isipin mong ako s'ya para mabawasan yang mga saloobin mo na hindi mo nailabas,dali na Yong! go!

Napa kamot naman sa batok itong si Yong at tumingin sa paligid saka tumayo sa kinauupuan at lumapit kay Kisses.

Yong: para sayo, a-alam mo matagal ko ng gustong sabihin sayo 'to na,na una pa lang kitang nakita e nagustohan na agad kita, alam kong malabong mangyari na magkakalapit tayo at mapapansin mo ako hanggang sa nalaman kong magiging magkaklase tayo, akala ko mag-titiis na lang akong tignan ka palagi, Hindi ko alam na makikilala pa kita lalo, makakasama at makakausap,kaya napamahal na tuloy ako sayo habang nakikilala kita. S-sana bigyan mo naman ako ng pagkakataon na ako naman itong makilala mo ng lubosan. W-will you be my girlfriend?

Sunod sunod na sabi ni Yong habang walang kurap na nakatingin kay Kisses habang inaabot dito ang bulaklak. Napatingin naman s'ya sa paligid at may mga iilang estudyante rin doon, kinikilig ang mga ito habang nakatingin sa dalawa. Agad namang kinuha ni Kisses ang bulaklak at napangiti ito kay Yong.

Kisses: maupo ka na Yong!

Pabulong na sabi ni Kisses kay Yong, at naupo naman si Yong.

Kisses: kumusta? naka tulong ba?

Yong: effective nga Kisses, pero gusto kong sumigaw!

Napa tayo sa kinauupoan si Kisses at hinila patayo si Yong.

Yong: t-teka, saan tayo pupunta?

Kisses: basta halika!

Nagpa-tianod na lang si Yong kay Kisses, patakbo nilang nilabas ang coffee shop hanggang sa nakarating sila sa isang oval na hindi kalayuan doon. Iilan lang ang tao doon ng mga oras na yun. Pahingal silang dalawa ng makarating sila doon.

Yong: anong gagawin natin dito?

Kisses: isigaw mo na!

Napatingin si Yong kay Kisses at tumango naman itong si Kisses. Kuyom ang mga kamao ni Yong saka sumigaw ng malakas para mawala ang sakit na nararamdaman nya.

Kisses: sige pa sumigaw ka lang hanggat kaya mo pa.

Sabi ni Kisses at naupo s'ya sa damuhan habang pinapanood itong si Yong na panay ang sigaw, wala silang paki alam sa mga taong napapatingin sa kanila. Hanggang sa napagod si Yong at pabagsak itong naupo sa tabi ni Kisses.

D' Big Four •MayWard💑KissYong•Where stories live. Discover now