Part VI (D' Ghost)

433 16 0
                                    

Nasanay si Maymay sa pagising ng maaga kaya bumangon sya kaagad at nag luto ng almusal, Ngunit pag tungo nya sa kusina ay nandoon na pala at nauna ng nagluto ng agahan ang tita Darling nila.

Tita Darling: good morning Maymay! Ang aga mo namang gumising alas siete pa ang 1st subject mo diba? Di ka naman siguro mat'traffic jan sa paglalakad..

Maymay: Nasanay na ako tita Darling ba na gumising ng ganitong alas quatro! Ano pa po bang maitutulong ko dyan?

Tita Darling: actually eto nalang sinangag niluluto ko, nakapag prito na ako jan ng itlog at tapa. Maaga talaga akong gumigising para maghanda ng almusal para pag bangon ninyo kanya-kanyang kain nalang kayo total iba iba naman sched. Nyo kasi, para ako libre ng matulog ulit importante napaghanda ko na kayo.

Maymay: alam nyo po, pagpapalain kayo! Napaka bait nyo sobra, buti po nagttyaga kayo sa amin kahit di nyo kami ka ano-ano..

Tita Daringhoy! Correction Maymay, mga anak ko kayo. Alam mo kasi, pag gusto mo talaga ang ginagawa mo kahit ano pa yan e sa doon ako masaya kaya pinangangatawanan ko. Isa pa, ulila na ako! Kaya lahat ng tumitira dito pinahahalagahan ko kasi yun na ang pinaka pamilya ko.

Hindi na nagsalita pa si Maymay, natutuwa naman sya dahil nakatagpo sya ng katulad ng Tita Darling nila.
Ikaw na talaga Tita Darling!!
Tumungo nalang sa sala si Maymay at nagwalis muna doon para pagpawisan muna sya bago kumain. Busy-busyhan masyado si Maymay sa pagwawalis habang nakikinig ng music sa earphone nya ng biglang bumukas ang pinto. Hindi nya napansin na may dumating dahil malakas masyado ang music sa earphone nya at saktong nakatalikod din sya. Natigilan naman ang kararating lang at nagulat pa ata sa naabutan sa sala.

Edward: Gosh (hawak ang dibdib) I thought Sadaku is real! Hey miss, what's up!?

Ngunit hindi sya nilingon ng tinatawag nya, nakaramdam ng pananayo ng balahibo si Edward kaya dahan dahan syang dumaan sa likod ni Maymay at ng makadaan ay patakbong tinungo na nya ang boy's room. Nakaramdam naman ng ibang presensya si Maymay kaya napalingon sya, ngunit pag lingon nya ay wala namang tao. Tumungo sya sa kusina at naabutan nyang nagmamadali sa pagliligpit ng mga ginamit si Tita Darling.

Tita Darling: tapos na ako, kumain kana habang mainit pa eto at ako namay matutulog na ulit. Hala bahala kana jan!

Maymay: tita dumaan po ba kayo sa likoran ko kanina habang nagwawalis ako?

Tita Darling: sa sala ba kamo? Wala, nagmamadali ako dito sa ginagawa ko bakit ba?

Maymay: ahh wala naman po! Sige po salamat nalang.

Ng pumasok na ng kwarto si Tita Darling ay mabilis na tinapos ni Maymay ang pagkain dahil isa nalang sya sa kusina. Malakas talaga ang pakiramdam nya na may taong dumaan sa bandang likoran nya. Ng matapos na sya sa pag kain ay nagpasya na syang maligo dahil baka antok lang ang nararamdaman nyang yun. Sa kalagitnaan ng pagliligo ni Maymay ay napansin nyang may pumipihit ng door knob sa labas at pinipilit buksan ang pinto. Sa sobrang takot ay hindi nagawang makapagsalita ni Maymay, nanatili sya sa isang sulok ng banyo at kahit di pa nakakapag banlaw ay nagtapis na agad sya ng tuwalya. Inantay nyang pipihit ulit ang door knob ngunit maya maya pa ay may pumipihit nanaman neto sa labas. Nagtataka sya kung bakit walang tumatawag sa labas kung isa sa mga kasambahay iyon. Nangibabaw na ang takot sa kanya at naalala nya bigla yung naramdaman nya habang nagwawalis sya kanina.
Sinusundan ata ako neto!! Lord, help me!

Nilakasan nalang ni Maymay ang loob nya, ayaw nyang sumigaw as long na wala syang nakikita dahil makakalikha lang sya ng matinding ingay sa mga natutulog na kasama. Kumuha sya ng isang tabong tubig, wala na syang ibang maisipan. Itatapon nya yun sa kung sino mang nananakot sa kanya.Samantala, si Edward naman na nasa labas ay kanina pa iritang irita. Kusa kasing nagsasara minsan ang banyo sa loob pag malakas ang pagkakasara kaya nag a'automatic lock ito sa loob. Wala naman syang naririnig na kung ano sa loob kaya di nya naisip na may tao sa loob ng banyo. Isa pa, sya lang naman ang laging unang naliligo ng ganon oras dahil maaga ang 1st subject nya. Pipihitin na sanang muli ni Edward ang door knob ng maramdaman nyang may kasabay syang pumihit sa loob kaya bigla syang napaatras at naalala ang babaeng mala sadaku na nakatalikod at nakayuko kanina sa may sala. Biglang bumukas ang pintuan ng banyo at agad na tumambad sa mukha ni Edward ang isang tabo ng tubig, pareho silang sabay na napasigaw sa pagkagulat pero mas naunang natigilan si Maymay habang titig na titig kay Edward kaya hindi agad ito nakapagsalita.

Edward: oh shit! What th--,what are you doing here!?

Maymay: ako ang dapat magtanong nyan sayo! FYI dito na ako nakatira!

Edward: me too!! Excuse me!

Hinawakan sa braso ni Edward si Maymay at hinila palabas ng banyo, agad na pumalag si Maymay at humarang pa eto sa pintuan ng banyo.

Maymay: don't you see, I have a lot of bubbles in my body?

Edward: I don't care, what do you want me to do? Don't tell me I will be the one who..

Maymay: shut up! Umalis ka jan at magbabanlaw lang ako.

Padabog na pinagsarhan ni Maymay ng pinto si Edward. Sinadya pang tagalan ni Maymay sa loob ng CR kaya mas lalong nainis sa kanya si Edward. Tuwang tuwa naman si Maymay sa loob dahil naririnig nyang nagmamaktol na sa labas si Edward.
Hmm! Akala mo, pag di ka pa umalis jan sa may pinto mas lalo kung babagalan dito! Akala mo..

Makalipas ang halos kalahating oras ay natapos narin sa wakas si Maymay. Naabutan nyang naka upo sa may dinning table isa sa mga upuan dun si Edward at tila nakatulog sa kaaantay kay Maymay. Nilapitan nya si Edward upang gisingin sana pero mas natuwa syang titigan ang binata habang nakapikit.. Biglang rumehistro sa isip ni Maymay ang kanyang idolo na si Enrique Gil.
Gosh! May hawig sila ng mahal ko..
At biglang bumukas ang mata ni Edward, isang masakit na tingin ang ipinukol nya kay Maymay na sya namang ikinagulat ni Maymay.

Edward: happy now? Next time you should better to make 1hour if you take a bath uh?

Maymay: Muta mo! Namumuo oh..

Sabay pindot ng isang daliri ni Maymay banda sa mata ni Edward at tinalikuran na sya..

Edward: Hell Maymay!

D' Big Four •MayWard💑KissYong•Where stories live. Discover now