Part VII (Yes! Holiday)

367 16 0
                                    

Walang pasok ngayong araw dahil Holiday daw ngayon, kaya tinanghali ng gising si Maymay. Naabutan nyang nag uumpokan sa sala ang mga house mate's kasama si Kisses at may isang lalaki rin na katabi ni Aizan. Bagong mukha ang lalaki kaya parang nahiya syang dumiretso agad sa mga kasama.

Edward: Sadaku is Awake!

Maagang pang aasar ni Edward kay Maymay, inirapan nya lang si Edward at bago pa man makapag salita si Maymay ay lumapit na si Kisses sa kanya at agad syang niyakap neto.

Kisses: I missed you ate May! May surprise akong sasabihin sayo.

Nanlaki ang mga mata ni Maymay at na excite sa ibabalita ni Kisses kaya patakbo nyang tinungo ang lababo at agad na nag mumog. Agad nyang binalikan ang nag-aantay na si Kisses.

Maymay: ano yun be?

Kisses: Te May,mag-mula ngayon dito na ako tititara sa apartment!!

Sa sobrang tuwa ng dalawa ay napatalon silang pareho na parang mga bata sa tuwa at nagyakapan.

Maymay: Hala, pano nangyari? Buti pinayagan ka?

Kisses: Papuntang New York si Mommy mamaya, si Daddy alam mo naman pareho lang sila ni Tito Barney. Kaya nag request muna ako sa kanila na dito muna ako, ma b'bored lang kasi ako pag sa bahay lang ako kasama ng mga old maids namin. Buti nalang talaga pumayag sila. Ang saya ko!!

Tita Darling: Hoy, kayong dalawa jan! Gusto nyo bang sumama sa amin?

Yong: Te May, sama na kayo! Mag o'over night kami sa Pampangga.

Tita Darling: Mag n'ninang kasi ako sa kaibigan ko na ikakasal bukas. Syempre pag ganyang probinsya may sayawan yan for sure mamayang gabi. Eto namang mga kapatid nyo e gustong ma experience yun kaya sasama sila.

Maymay: hala! Sasama ako..

Kisses: ako rin!

Tita Darling: oh sige ipagpapaalam ko kayong dalawa. Sige sabay sabay na tayong lahat kumain at ng makapag handa na para sakto alas dos magb'byahe na tayo. Marco, ok lang ba na ikaw mag drive nung Van?

Marco: Sure Tita Darling! No problem, magpapalitan kami ni Edward sa pagmamaneho. Diba bro?

Edward: yes, sure!

Excited ang lahat kaya mabilis nilang tinapos ang pagkain at kanya kanyang ligpitan na sila ng kanilang dadalhing gamit. Napaka sulit ng 2days holiday nila.

D' Big Four •MayWard💑KissYong•Where stories live. Discover now