Part 32 (Heaven & Maymay's talk)

449 18 8
                                    

Nagulat si Maymay ng mapagbuksan n'ya ng pinto si Heaven.

Heaven: Good morning ate May! where's..

Maymay: Edward!? natutulog pa.

Putol n'ya sa sasabihin ni Heaven.

Heaven: ahh, ipinagluto ko kasi s'ya ng Miso soup. Tamang tama pag-gising n'ya.

Maymay: nag-luto rin ng sopas si Ate Cora.

Heaven: really? pwedi ba akong pumasok muna mainit pa kasi ito tsaka medyo mabigat baka matapon.

Maymay: matapunan ka sana.

Halos pabulong ng sabi ni Maymay.

Heaven: yes ate May?

Maymay: w-wala! sabi ko gigisingin ko muna si Edward. Pumasok kana at baka nga matapunan ka.

Saka tumalikod na si Maymay at tinungo ang Boy's room.

Buhat sa kusina ay tinungo naman ni Cora ang sala upang manood ng TV habang may dala s'yang isang bowl ng sopas at tinapay. Natigilan s'ya ng nakita n'ya si Heaven dahil naalala n'ya ang videos na nakita n'ya kamakailan lang. Hindi n'ya alam kung matatawa ba s'ya sa inasal na iyon ni Heaven or what. Pero mas pinili pa rin nyang pakitungohan ng maayos si Heaven.

Cora: oh it's you again Heaven! sinong tao dito?

Heaven: ahh, si ate Maymay po! ginising n'ya pa si Edward.

Cora: Mukha atang may dala ka sa kanya ahh.

Heaven: yes ate Cora, Miso soup po.

Cora: wow naman! napapadalas na ata ang pagpunta mo dito kadadala ng pagkain kay Edong ah.

Heaven: Hindi naman po, pag sinisipag lang ako magluto.

Cora: Hindi kaya ikaw na itong mukhang nanliligaw sa kanya?

Prangkang sabi ni Cora. Natigilan naman si Heaven at iniangat n'ya ang paningin kay Cora. Napansin naman  ni Cora na mukhang napahiya si Heaven kaya agad naman nyang binawi ang sinabi.

Cora: biro lang! Hindi ko kasi nakikitang ipinagluluto ka ni Edward.

Heaven: OK lang po yun! masaya naman ako sa ginagawa ko.

Palihim namang napa ismid si Cora.

Sa boy's room naman ay kanina pa hinihila ni Maymay ang kumot na nakapulopot kay Edward.

Maymay: bahala ka dyan uii! sabi ngang nandyan ang Heaven mo!

Edward: I'm sleepy..

Napagod na sa kagigising kay Edward si Maymay kaya naupo s'ya sa gilid ng Kama kung saan nakahiga si Edward at doon nakaharap.

Maymay: Ayaw mo talagang gumising ah!

At isang silent bomb ang pinakawalan ni Maymay. Nakita nyang dahan-dahang nag-mulat ng mata si Edward at tila hinahanap ang amoy kung saan galing, ng magtama ang mata nila ay isang napaka sarap na ngiti ang binigay na Maymay kay Edward. Mabilis na napa balikwas mula sa pagkakahiga si Edward.

Edward: I kill you Maymay!

Pasigaw na sabi n'ya kay Maymay saka dumistansya kay Maymay.

D' Big Four •MayWard💑KissYong•Where stories live. Discover now