Part II (Maymay meet a new Friend)

570 20 0
                                    

Kapansin pansin ang biglang pananahimik ni Maymay ng kanyang Uncle Barney.

Uncle Barney: Ok ka lang Maymay? Tahimik ka ata?

Napangiti si Maymay sa Uncle nya..

Maymay: Ok lang ako Uncle ano kaba, naisip ko lang kasi. Ang swerte naman  ng birthday girl kasi talagang pinaghandaan ng mga magulang nya ng ganito ka bongga yung debut nya.

Agad namang naabot ng Uncle Barney nya ang ibig sabihin ni Maymay kaya inakbayan nya ang pamangkin at hinagkan sa ulo.

Uncle Barney: Sshh, bakit nung pag 18 mo hindi kaba masaya? Aba e kahit di naka rating ang mama mo galing Japan e pinadalhan ka naman ng panghanda at regalo ah?

Maymay: Hindi naman yun ang point ko, yung Papa ko ba Cle, na sana andyan sya diba-

Hindi na naituloy ni Maymay ang pag s'senti sa Uncle nya ng biglang tumayo ang Uncle Barney nya at agad na sinalubong ang isang lalaking mejo kaidaran din ng Uncle nya kasama neto ang isang magandang dalaga na mukhang inosente pero di maitatago ang ka artehan sa mukha nya at sa kanyang tantya ay eto ang may kaarawan dahil sa suot netong baby pink semi-gown na bagay na bagay sa dalaga.

Uncle Barney: ay Boss, isinama ko narin nga pala 'tong pamangkin ko, kararating lang kasi galing Cagayan kanina e walang kasama sa bahay. Maymay eto nga pala yung boss ko si Boss Gilbert, mabait to. Yun namang kasama nya si Kisses yung may Birthday. Happy Birthday nga pala Kisses!

Kisses: Thank you po tito Barney.

Sabay ngiti nya ng napaka charming kay Maymay at kumaway pa eto. Mukha namang mabait 'tong Kisses na eto eh. Muni muni ni Maymay sa sarili.

Daddy Gilbert: Eto yung na ek'kwento mo sa akin Barney na dito mag k'kolehiyo sa Manila? Oh, anak Kisses dalhin mo 'to si Maymay doon sa umpok nyong mga kabataan at ng maenjoy naman nya tong gabi.

Nakaramdam ng pagkainis si Maymay kay Kisses ng tignan sya neto mula ulo hanggang paa at napansin nyang may ibinulong si Kisses sa kanyang Daddy Gilbert. Tinapik naman sa balikat netong si Daddy Gilbert si Kisses sa balikat at tumingin sa kanyang relo.

Daddy Gilbert: Maaga pa naman anak, 6:30 pa start ng program mo hindi ba? Maano bang samahan mo sya doon at pahiramin ng mga dresses mo jan na mag f'fit sa kanya.

Uncle Barney: Naku boss, hwag na po! Nakakahiya, papaumpisahan lang naman namin saglit etong party e pagkatapos ay uuwi nadin kami agad. Salamat nalang sa abala.

Daddy Gilbert: Kilala mo ako Barney, tigilan mo ako! Kala mo papauwiin ko kayo kaagad? Hayaan mong mag enjoy ang pamangkin mo sa mga ka level nya, dahil tayo may sarili ring atin dun sa tabi. Hala Kisses go, enjoy the night Maymay.

At tinalikuran na ang dalawa ng mga kasama nila. Naiilang masyado si Maymay sa presensya ni Kisses dahil di pala kwentong bata si Kisses at feeling nya napaka arte neto na opposite naman nya. Parehas muna silang nagpakiramdaman, ibinaling ni Maymay ang tingin sa paligid dahil naiilang nanaman sya sa titig ni Kisses sa kanya. Napatingin sya kay Kisses ng bahagya etong napa palakpak habang titig na titig sa kanya.

Kisses: So, you don't mind if I request you to change your outfit?

Maymay: Bakit pa? Ok lang ako dito promise! Sige na nakaka abala na ako sayo Kisses.

Kisses: No, your not! Hindi ako papayag na maiiwan kang mag isa dito, ayokong makakaramdam ka ng pag ka OP dito. Welcome ka dito kaya halika na sumama kana sakin.

Masyadong makulit si Kisses at dahil mahigpit ang pagkakahawak ni Kisses sa kamay ni Maymay ay nagpatianod na sya sa dalaga hanggang sa makarating sya sa loob ng bahay neto. Napanganga sa laki ng bahay nila Kisses si Maymay at kung ano ano nanamang tumatakbo sa isip neto. Maya maya ay nasa silid na sila ni Kisses at isa isang inilapag ni Kisses ang mga Dresses nya sa kama.

Kisses: Ate May, pumili ka nalang jan nang mag f'fit sayo. Parang isang size lang naman lang tayo ng paa I think kasya sayo mga heels ko. Come on, time is gold! Ako ng mag aayos sayo, I really love putting make up kasi.

Natouch naman si Maymay sa inasal sa kanya ni Kisses. Shocks! Ang bait pala talaga nya at napaka sweet pa. Na kahit anak mayaman sya e wala syang pinipiling tao na kakaibiganin. Hehe pero andun parin talaga ang pagka maarte, anak mayaman kasi.

Ilang saglit pa ay natapos ng ayusan ni Kisses si Maymay, suot ni maymay ang pure white na fitted dress ni kisses na bumagay naman sa simpleng ayos ni Maymay. Napamangha sa sarili si Maymay pagkakita nya sa sarili sa salamin at agad na hinarap si Kisses.

Maymay: Ala be, Kisses! Salamat ah? Alam mo hindi ka lang maganda, mabait kapa promise!

Kisses: Nakakatuwa ka naman ate Maymay, ikaw nga dyan ang sexy2 mo eh! How I wish ganyan din ang katawan ko ka slim tulad sayo.

Maymay: Naku, wag mo ng pangarapin 'tong katawan ko! Sa lagay kong 'to na wala akong boobs, dinaig nalang ng bra kong makapal ang foam.

Natawa nalang sila pareho sa pinaguusapan nila at sabay na silang lumabas ng silid ni Kisses para pumunta sa may event dahil malapit narin mag umpisa ang program. Madaling nagkagaanan ang loob ng dalawa kaya nagkaron agad ng kaibigan si Maymay sa Manila na pareho naman nilang ikinatuwa dahil pareho pala sila ng University na papasokan. Hindi sila magkaklase dahil magka iba ang course nila pero pareho silang bagong salta sa University. 

D' Big Four •MayWard💑KissYong•Where stories live. Discover now