Part V (Lipat-Bahay, Maymay)

426 24 0
                                    

Di na nagdalawang isip si Uncle Barney na payagang mag lipat bahay si Maymay dahil kahit sya ay naaawa kay Maymay na sa halip ay oras pa na itutulog nya ay gumigising ng maaga para lang hindi ma late pero ganon at ganon parin madalas. Isapa, lagi narin namang nag o'out of town si Uncle Barney at naiiwang mag isa si Maymay sa bahay nila kaya pumayag syang doon nalang muna si Maymay total ay may mga kasama naman sya doon at andun din nakatira ang caretaker ng apartment na yun na si Tita Darling kung tawagin nila, imagine nyo yung black version ni Darla! Ganon na ganon sya.. Hahaha
Inihatid ni Uncle Barney si Maymay sa apartment na paglilipatan neto, walang pasok ng araw na yun kaya pati si Kisses ay kasama na pumunta doon para narin kumustahin ang tita Darling nya na madalas chaperone nya pag may mga fashion show sya.

Tita Darling: welcome na welcome ka sa bahay na 'to Maymay! Actually dalawa lang kayong babae dito ni Vivoree, ay sorry! Tatlo pala tayo..

Ang tinutukoy netong si Vivoree ay ang kinakapatid ni Kisses na galing ding probinsya ng Bicol, hindi nya ka close ang kinakapatid pero kasundo naman sila. Criminology Student si Vivoree at halos kaedaran lang din nila. Actually matanda lang talaga ng isang taon si Maymay sa kanila.

Kisses: nasaan nga pala sya tita?

Tita Darling: umalis yun! Kasama nya yung kaklase nyang si Yong yung dito rin nakatira. May project daw na bibilihin.

Tito Barneyandito parin pala nakatira yung si Yong? Matinong bata yun, tuwang tuwa ako doon.

Tita Darling: ay oo! Kahit sila Marco dito parin pero nasa Italy pa sya ngayon umuwi kasi lastweek may emergency ata, Pati yung pasaway na si Aizan, nasa kwarto ata natutulog.

Tito Barney: bully lang masyado yung si Aizan pero mabait tsaka magalang yun ah..

Parehong hindi maka relate si Kisses at Maymay sa pinag uusapan ng dalawa kaya inaya ni Kisses si Maymay na pumuntang kwarto para matulongan na etong mag ligpit ng mga gamit nya. Kahit naka ilang beses ng pumupunta doon si Kisses ay hindi nya kabisado ang mga nakatira doon. Sa kalagitnaan ng pag uusap ng dalawa sa labas ay lumabas mula sa boys room ang isang mestisong lalaki.

Tito Barney: Mukhang may bago ata kayong kasama dito?

Tita Darling: From Germany, half blood yan sya. Andito kasi na assign yung ate nya sa Pinas kaya dito na rin sya nag aral para may kasama naman dito sa Pinas ang ate nya, parehong nasa Germany ang mga magulang. Yan si Edward, di masyadong maimik na bata. Pero mabait naman.

Tito Barney: tingin ko nga, oh sya! Di na ako magtatagal.May flight pa ako mamayang alas singko papuntang Batanes, etxt mo nalang ako kung may problema ha? Madaldal yang pamangkin ko tsaka marunong namang makisama, ikaw munang bahala sa kanya.

Tita Darling: No problem!

At nagpaalam na sa pamangkin si Uncle Barney, inaya narin netong umuwi si Kisses para may kasama etong pauwi. Nakaramdam naman ng gutom si Maymay kaya lumabas eto ng girl's room at tumungo sa Kusina para mag luto sana ng memeryendahin nya. Tahimik sa sala, ganon din sa kusina.

Nag s'siesta siguro ang mga tao dito..

Maya maya pa ay narinig nyang may paparating sa kusina kaya agad syang nag ayos ayos ng sarili at kunwari ay busy sa pagluluto ng pancit cantoon.

Yong: Nah, paktay na! Ikaw ba yung bagong lipat dito?

Maymay: ay! Hello, oo ako nga.. Ilang taon kana?

Yong: 18 palang ako, ako nga pala si Yong! (Sabay abot ng kamay kay Maymay)

Maymay: ate Maymay nalang itawag mo sa akin, nice to meet you Yong! Mag luluto kaba? Nakigamit muna ako netong lutoan nyo nagugutom kasi ako kaya naisipan kong mag luto ng pancit cantoon. Kumakain kaba neto? Maupo ka samahan mo ako sa pagkain.

Nah,paktay na! Mas madaldal pa ata sa akin etong babaeng eto, feeling close agad!? Naupo naman si Yong at pinanood si Maymay sa kanyang ginawa, maya maya pa ay masaya na silang dalawa habang kumakain. Madaling nagkasundo ang dalawa dahil parehas silang laking probinsya at may similarity rin ang pag uugali nila kaya madaling nag kasundo at kung ano-anong walang ka sense, sense na bagay na ang napaguusapan. Sa ganong lagay sila naabutan ni Vivoree, papunta sana etong banyo ngunit napansin nyang may katawanan si Yong kaya napadaan sya doon. Napatayo naman bigla sa kinauupoan si Maymay ng makitang palapit si Vivoree.

Maymay: Vivoree, tama ba ako?

Vivoree: yes! And you are Maymay right? Nabasa ko kasi doon sa bag tag mo na nakasabit sa maleta mo.

Sa sobrang excited na makilala si Vivoree ay agad nyang nilapitan si Vivoree at niyakap. Nabigla man sa ginawa ni Maymay ay gumanti rin ng hug si Vivoree tanda ng pag welcome nya kay Maymay. Wow, Maymay nahawa na kay
Kisses!?

At masayang nagsalo salo ang tatlo sa pagkain. Madaling nagkasundo ang tatlo, Lalo na si Vivoree at Maymay dahil pareho pala silang Bisaya.

D' Big Four •MayWard💑KissYong•Where stories live. Discover now