Sabado, walang pasok si Maymay kaya naisipan nyang maglaba ng mga dumihin nilang mag Uncle. Wala syang plano na umalis ng bahay pagkatapos ng gawain nya at mas pinili nyang magkulong sa bahay at mag aral na lamang. Pupuntang Panggasinan ang Uncle Barney nya at sabi mag o'over night daw eto doon at bukas pa ng gabi ang balik dahil may importanteng kliyenteng kakausapin kasama ang ama ni Kisses.
Habang nakahilatang mag-isa sa kanyang silid si Maymay e biglang nag ring ang cellphone nya..
Kisses: Hello ate May, busy kaba? Samahan mo naman ako oh! May pictorial kasi ako ngayong hapon, ako ng bahala sayo sagot kita please!?
Maymay: Pictorial saan? Luh, mag e study sana ako ngayon be.
Kisses: Ate May please? Please?
Wala namang nagawa si Maymay at pumayag nalang sya sa pangugulit ng kaibigan.
Andami namang naiisipan netong si Kisses, nakuu talaga! Pag anak mayaman lahat talaga ng gustong gawin e nagagawa nya.Tamang katatapos lang din mag prepare ni Maymay e dumating na rin si Kisses kasama ang driver nila. Agad namang lumabas ng bahay si Maymay at lumapit na sa naghihintay na si Kisses. Agad na hinalikan sa pisngi ni Kisses si Maymay ng nasa loob na sila ng sasakyan.
Kisses: love you ate May, di mo talaga ako matiis. (At niyakap ng mahigpit si Maymay)
Maymay: Saan nanaman ba kasi ang lakad mo? Tsaka pictorial ng alin ang tinutukoy mo?
Kisses: Ate Maymay, ano kaba? Model ako, madalas din akong sumali sa mga fashion show. Yun ang pinaka sideline ko habang nag-aaral ako, ayoko kasi na hingi ako ng hingi ng pera sa mga magulang ko pambili ng mga luho ko.
Maymay: (Napatakip ng bibig si Maymay) Hala totoo? Nakaka believe ka naman Kisses. Solong anak ka pero ganyan ka mag isip, napaka swerte ng magulang mo sayo!
Kisses: (Napayakap si Kisses kay Maymay) Thank you ate May na appreciate mo ako. Most of my friends sinasabi maarte ako, kaya ayaw ng halos karamihan sa akin. Spoiled brat daw ako masyado and honestly hindi ako ganon.
Maymay: Sus, hayaan mo sila! Naiinggit lang sila sayo kaya andami nilang sinasabi tungkol sayo. Wala kang dapat patunayan sa kanila dahil di ka nila totoong kilala.
Kisses: Thank you again ate May!
At isa nanamang halik sa pisngi ang binigay ni Kisses kay Maymay. Kotang-kota na sa kaka nakaw halik si Kisses kay Maymay, minsan naiisip ni Maymay na T'bird siguro 'to si Kisses. Pero hindi eh, Kikay na kikay talaga, ganon lang talaga sya ka huggable at sobrang sweet. Dahil sa solong anak si Kisses kaya medyo excited syang magkaron ng kapatid kaya ganon ang trato nya kay Maymay na itinuturing na rin nyang parang tunay na kapatid.
Gabi na ng matapos ang pictorial ni Kisses para sa fashion show na darating sa susunod na Buwan. Hangang hanga si Maymay sa kaibigan kaya walang sawang papuri si Kisses ngayon sa kanya.
Maymay: Hala hindi talaga ako maka get over bai! 1st time sa buong buhay ko kasi makapanood ng ganon ba na live! Yung as in ganon talaga, nakaka proud ka talaga Kisses!
Kisses: ate Maymay napaka bolera mo talaga, halika na nga! Baka nagugutom kana, anong gusto mong kainin?
Maymay: ay buti nagtanong ka, gusto kong kumain sa mga turo-turo! Masarap dun pramis!
Kisses: what? You mean as in street foods?
Maymay: oo! Bakit?
Kisses: I'm sorry to disappoint you te May, pero hindi ako kumakain nun. But, kung yun talaga ang gusto mo e sasamahan kita!
At sinamahan nga ni Kisses si Maymay sa mga turo-turo. Sarap na sarap si Maymay habang kumakain ng isaw at kwek-kwek. Mukhang nainggit si Kisses kaya na curious sya kung anong lasa ng kinakain ni Maymay. Inabutan sya ng isang stick ni Maymay ng isaw at dahan dahang tinikman.
Sarap!!
Naubos ni Kisses ang isang stick hanggang sa maka lima sya, enjoy na enjoy ang dalawa sa pagkain ng tumawag bigla ang mommy ni Kisses.Mommy: Dito na kayo maghapunan ni Maymay sa bahay para naman may kasabay ako sa pagkain.
Kisses: ok po mommy! Pauwi na rin kami may dinaanan lang saglit.
Nakahain na ang hapunan ng dumating sina Kisses at Maymay sa bahay nila.Masayang nag salo-salo ang tatlo sa hapunan at tuwang tuwang naikwento ni Kisses sa mommy nya na nag food trip sila sa turo turo ni Maymay.
Mommy: nakakatuwa ka naman Maymay, pag uuwi ka sa inyo sa Cagayan dalhin mo naman doon sa probinsya nyo etong si Kisses para mas marami pa syang makilalang pagkaing bukid doon.
Kisses : Good idea mommy! Gusto ko po yun, kahit di pa planado na e'excite na ako.
Maymay: walang problema Tita! Turuan ko pa syang maghila ng kalabaw bai.
Natahimik si Kisses at tinatanya kong seryuso o nagbibiro lang ang kaibigan. Sabay na napatawa ang mommy ni Kisses at si Maymay sa naging reaction ni Kisses.
Mommy: maiba tayo ng usapan, Maymay laging nababanggit ng Uncle Barney mo sa amin na palagi karaw na l'late sa unang subject mo? Nahihirapan kaba mag commute?
Maymay: ay sobra tita! Alam mo yun, na kahit anong adjust ko sa oras lagi akong nahuhuli. Ganoong oras kasi yung maraming pumapasok din sa trabaho kaya talagang punoan talaga masyado.
Mommy: baka gusto mong dun ka nalang umuwi sa apartment namin malapit sa University nyo? Actually apartment yun, pero bedspacer lang pinapa upahan namin dun. Walking distance lang yun, as in malapit lang talaga sa University. Hindi ba anak? Dun kay tita Darling mo?
Kisses: yess ate May! Maganda doon, isa pa makakasama mo don yung kinakapatid ko na school mate din natin.
Maymay: hala gusto ko po yun tita, kaso baka di ako payagan ng Uncle ko. Dobleng gastos pa kasi kung mag uupa ako, aadjust'an ko nalang po siguro ang oras ko.
Mommy: ano kaba Maymay? Wala kang gastos doon, as if naman na pagbayarin pa kita ng upa doon? Hayaan mo kakausapin ko ang Uncle mo..
Maymay: Hala tita, ang bait bait nyo po sobra!
Mommy: maliit na bagay Maymay! Pasaan pa e malaki lang talaga ang utang na loob namin sa Uncle Barney mo, pati sayo na di kana iba sa amin.
Maymay: thank you in advance po talaga tita!
Ng matapos ng maghapunan ang tatlo ay hindi na pinayagang umuwi ng Mommy ni Kisses si Maymay dahil gabi na, doon nalang muna matutulog si Maymay total naman ay wala syang kasama sa bahay at wala namang pasok bukas. Di naman nagdalawang isip si Maymay. Tumawag sya sa kanyang Uncle Barney na hindi sya nakauwi at doon na muna matutulog kila Kisses at agad namang pumayag ito.
YOU ARE READING
D' Big Four •MayWard💑KissYong•
Fanfiction"If you're a real MayWard💑KissYong supporters, I dare you guys to read this outside PBBhouse version". Hope y'all like this😉 It's me 👸MissAmayna the Author Kindly tap d' ★ for voting. 😘😘😘