Part 13 (Modeling bai!)

395 15 0
                                    

Magsisimula na ang show kaya pinalabas na ng dressing room ang mga models para sa paghahanda pag tinawag na sila. Paglabas ng mga modelo ay andun na sa backstage nag aantay sa mga kasama si Maymay, naayusan narin sya at nakapag bihis narin ng gown. Napanganga si Kisses ng makita si Maymay, alanganin syang lumapit dahil di nya sigurado kung si Maymay nga eto dahil naka make up! Baka kahawig lang, patingin tingin naman si Maymay sa mga kasama at kinikilala rin si Kisses. Ng mag tama ang mga mata nila ay na confirm nga ni Kisses na si Maymay yun at agad nya itong nilapitan.

Kisses: ate Maymay is that you?

Maymay: luh, sorry! Mahabang kwento be. Mamaya na tayo mag usap pwedi?

Kisses: ate May gusto kong sabihin sayo na napaka proud akong makita kang ganyan promise! Galingan mo 'te May (at niyakap si Maymay)

Manager: go back to your position girls! We will start.. In 1, 2,3..

Mabilis na naghiwalay ang dalawa at sa huli pumwesto si Maymay dahil sya ang pinaka highlight I mean yung gown nya :)
Nag uumpisa na ang show kaya nagtataka si Marco kung bakit hindi parin nakakabalik si Maymay samantalang nauna pang bumalik si Tita Darling.

Tita Darling: Marco ayan na si Kisses!! Tignan mo ang ganda ganda nya oh, bagay na bagay yung gown sa kanya..

Marco: wow Tita! She's like an angel wearing that gown..

Di makapaniwala si Marco ng makita nya si Kisses sa ganong ayos. Maganda si Kisses lalo na pag wala etong make up, napaka inosente ng mukha nya. Pero mas lalong gumanda si Kisses ng naka ayos sya ng ganon dahil napaka glamorosang tignan ni Kisses, ng dumako na sa pinaka huling modelo na rarampa ay napatayo si Tita Darling sa kinauupoan.

Marco: (natatawa) look Tita Darling, Goddes Version ni ate Maymay..

Tita Darling: Marco, shut up! Si Maymay nga yan..

Marco: what!??

Tita Darling: stay here babalik ako ng backstage!

Parehong di makapaniwala ang dalawa ng makitang si Maymay ang rumarampa. Agad na pinuntahan ni Tita Darling sa likod si Maymay ngunit di na pinayagang magpapasok ng ibang tao maliban sa mga staff kaya di nya nakausap si Maymay.
Madali namang natapos ang fashion show at nasundan nalang ng mga speeches ang program kaya inimbitahan muna ang lahat ng modelo para sa isang social hour. Habang kumakain ang mga modelo ay nagkaroon na ng tyempo si Kisses na kausapin si Maymay. Agad namang nagkwento si Maymay, tuwang tuwa naman si Kisses.

Kisses: ate May eto na yung pangarap mo! Maniwala ka sa akin masusundan pa yan..

Maymay: hindi na. Pagmalaman talaga 'to nila mama naku, papagalitan talaga ako!

Kisses: no ate May! Kung nakikita ka lang nila ngayon dobleng proud pa ang nararamdaman nila, akalain mo yun! Ang galing galing mo kahit walang practice, natural mong aura ang nilabas mo! Ang ganda ganda mo pa, bagay na bagay sayo tong pag m'modelo..

Maymay: sana ganyang ganyan din sasabihin sa akin ng mga magulang ko pag nalaman nila, pero alam ko na agad ehh! Naku patay na bai!

D' Big Four •MayWard💑KissYong•Where stories live. Discover now