Mataas na ang araw ng lumabas ng kwarto si Maymay dahil nakatulog s'yang muli kaninang pag-labas ni Edward ng kanyang kwarto.
Nagtatawanan ang lahat kasama si Edward ng madatnan ni Maymay na masaya silang nag-aagahan sa kusina.
Mama Lo: oh! natanghali ka ata ng gising ngayon Maymay?
Bati ng lola ni Maymay ng makita s'yang palapit sa mesa.
Maymay: ahh..ehh. N-nag Facebook po kasi ako, oo nag Facebook nga ako, kaya antok na antok ako.
Nauutal na paliwanang ni Maymay habang pasulyap-sulyap kay Edward na wala namang ekspresyon ang mukha habang nakatingin sa kanya.
Mama Lo: hay naku! yang pisbok pisbok na yan e kahit kailan abala lang! oh s'ya maupo kana at sumabay deni sa amin.
Naupo naman si Maymay sa bakanteng upoan na katapat ni Edward kung kaya't mag-kaharap sila. Nakita ni Maymay na nginitian s'ya ni Edward ng naka upo na s'ya ngunit hindi n'ya iyon pinansin at nag-sandok na lamang s'ya ng sinangag sa kanyang Plato.
Jimboy: s'ya nga pala Edward, kumusta naman ang tulog mo? Hindi ka rin ba pinutakti ng lamok?
Natatawang tanong ng isa pang kuya ni Maymay.
Mama Lo: anong lamok ang pinagsasabi mo dyan eh malamig ang panahon ngayon kaya walang lamok sa gabi. Hindi ba Edward?
Bago sumagot si Edward ay napasulyap muna s'ya kay Maymay na abala naman sa pag-subo ng pagkain.
Edward: Don't worry I'm very comfortable last night.
At muling sinulyapan ni Edward si Maymay, isang maka hulogang tingin ang nakita ni Maymay sa mga sulyap na yun ni Edward. Palihim na sinipa naman ni Maymay buhat sa ilalim ng mesa ang paa ni Edward kung kaya't nanlaki ang mga mata ni Edward.
Mama Lo: eherrm! may problema ba? Parang may kakaiba sa inyong dalawa Maymay at Edward?
Sabay na nag katinginang muli ang dalawa at nag-palitan sila ng matatamis na ngiti.
Maymay: wala Mama Lo! OK kami ah, uii kain ka ng madami Edward oh!
At saka nilagyan pa ni Maymay ng maraming sinangag ang plato ni Edward.
Maymay: yan ubosin mo ah? mag-pakabusog ka dito! Feel at home.
Edward: Maymay I don't eat too much rice.
Neneng: kuya Edward, hindi po ba kayo marunong mag-tagalog? Dili ko kaintindi sang ginahambal mo uii..
Naka-labing tanong ng limang taong gulang na isa sa pinaka batang pinsan ni Maymay na kasama n'ya ring nakatira sa bahay ng Mama Lo nila.
Napangiti si Edward sa madaldal na bata at saka napatingin kay May-May dahil hindi n'ya naintindihan ang huling sinabi ni Nene.
Maymay: Hindi n'ya raw maintindihan ang sinasabi mo pag nag-sasalita ka.
Edward: ohh! sorry little girl Nene, I can't speak tagalog but I can understand it.
Ela: Kuya tuturuan ka namin mag-tagalog!
Sabat naman ng isa pang madaldal na pinsan ni Maymay na nasa siyam na taong gulang na.
YOU ARE READING
D' Big Four •MayWard💑KissYong•
Fanfic"If you're a real MayWard💑KissYong supporters, I dare you guys to read this outside PBBhouse version". Hope y'all like this😉 It's me 👸MissAmayna the Author Kindly tap d' ★ for voting. 😘😘😘