Part 12 (D' Offer)

404 17 0
                                    

Maagang nagising si Kisses dahil launching ngayon ng isang bagong Fashion Designer at isa sya sa mga modelong napili sa fashion shows na gaganapin, naupo sya sa gilid ng kama at hindi muna agad na lumabas ng girls room dahil may bigla syang naalala. Sa ganong ayos si Kisses ng magising naman si Maymay. Kahit inaantok pa ay pilit parin nilapitan ang kaibigan ng  mapansin nyang malungkot.

Maymay: anong problema Kisses?

Kisses: (agad na niyakap si Maymay) Namimis ko sila Mommy at Daddy! Alam mo kasi, pag ganitong may mga show ako sila ang kasama ko, andyan sila para suportahan ako..(di na napigilang maiyak)

Maymay: shhh, tama na! Kasama mo naman si Tita Darling diba? Isapa, alam mo namang busy ang mommy mo sa NewYork, ang Daddy mo naman pareho lang sila ng Uncle Barney ko na masyado ring busy dahil kasalukuyang nag b'boom ang negosyo nyo. Intindihin mo nalang sila pareho, ginagawa nila lahat yun para sayo. Tandaan mo, nadadagdagan na ang edad mo at hindi lahat ng oras kasama mo ang mga magulang mo sa mga haharapin mong pagsubok ok? Sanayin mo ng sarili mo na di sila kasama..

Kisses: salamat ate May, alam ko naman yun! Nasanay lang talaga ako na ganon eh, it is the 1st time na hindi ko sila makakasama.. (Pilit ngumiti)

Maymay: normal yan, lakasan mo na lang ang loob mo. Alam mo nextime pag nalampasan mo yan, kaya mo ng harapin kahit ano pang dumating sayong pagsubok na ikaw lang. Maniwala ka sa akin.

Kisses: bilib talaga ako sayo ate May! Ang lakas ng loob mo, pakiss nga! (Hinalikan sa pisngi si Maymay)

Maymay: (pinahid ang pisngi) Laway mo uii!

Kisses: (hinampas sa balikat si Maymay) nakakainis ka talaga ate May!

Maymay: pinapatawa lang kita!Ganito nalang, total wala naman akong pasok ngayon, sasama rin ako sayo doon!

Kisses: talaga ate May! I love you talaga..

Maymay: tumayo ka na dyan! Maghanda na tayo..

Lumabas na ng girl's room ang dalawa at agad na dumiretso sa kusina. Naghahanda na ng almusal si Tita Darling habang si Marco naman ay nagkakape na at tila pawis na pawis pa.

Kisses: good morning! Ang aga mong nagising ngayon Marco ah?

Tita Darling: ay naku, kakauwi nya lang galing sa labas! Nag jogging kuno..

Maymay: ang daya mo, di ka nang aya!

Marco: sorry! Di ko naman alam na willing kayo eh.. De bale aaraw araw ko narin naman 'to eh.

Kisses: ako rin Marco, sasama ako sayo!

Marco: no problem! Make sure nyong dalawa na gigising kayo ng maaga..

Tita Darling: hmm, goodluck nalang sa inyong tatlo! Kisses, yung mga dadalhin mo mamaya naihanda mo na ba agad? Aalis pala tayo ng mas maaga kasi hindi ako ang mag aayos sayo, kumuha daw sila ng sariling make up artist para pare-parehas ang make nyong lahat.

D' Big Four •MayWard💑KissYong•Where stories live. Discover now