Part 26 (move on Yong 💔💤)

369 16 0
                                    

Makalipas ang ilang araw pagkatapos ng isang araw nilang pagliliwaliw sa Batanggas ay balik na naman sila sa normal na gawain. Sabay na nagising si Maymay at Edward dahil sila ang may pinaka maagang pasok sa lahat, sabay silang nag-aagahan ng mga oras ding yun sa kusina ng biglang dumating buhat sa boy's room si Yong.

Maymay: good morning Yong!

Yong: morning!

Edward: c'mon let's eat!

Yong: iinom lang ako ng gatas tsaka mag-t'tinapay lang ako.

Sabi ni Yong na tila inaantok pa, nagtimpla s'ya ng gatas na iinumin at saka dinala sa mesa at nakisabay na ito sa dalawa.

Maymay: diba 10am pa ang pasok mo?

Yong: oo, pero dadaan pa kasi akong flower shop eh.

Paliwanag ni Yong na parang nahihiya pang umamin habang napapakamot sa kanyang ulo.Sabay naman na nagka tinginan si Edward at si Maymay at parehas din silang napa tawa ng pigil.

Yong: e s'surprise ko kasi si Kristine, ideya 'to lahat ni Kisses eh.

Edward: so, you're going to surprised her with Flowers?

Yong: oo sana.

Maymay: Kirii ka Yong! liligawan mo na s'ya ganon?

Yong: syempre naman ate May! sana nga hindi na n'ya ako pahirapan e sagutin na n'ya ako agad.

Edward: good luck Yong!

Yong: thank you bro!

At kung ano-ano pa ang pinag-usapan nilang tatlo habang kumakain.

Nag mamadali ng lumabas ng room nila Yong si Kisses pagkatapos nilang mag-handa para sa pagdating ni Kristine, kasabwat nila ang ibang kaklase ni Yong. Maya-maya pa ay may sumigaw sa isa sa mga kaklaseng babae ni Yong na paakyat na raw si Kristine. Mabilis na tinungo ni Kisses naman ang nag-aantay na si Yong sa katabing silid lang din nila.

Kisses: Good luck Yong, lakasan mo ang loob mo ah?

Yong: salamat nga pala Kisses dito sa set up na 'to ah.

Kisses: ano kaba? parang lagi kang bago! oh ayan na s'ya. Good luck talaga sobra!

Kinikilig na sabi ni Kisses habang tinatapik nito ang balikat ni Yong.

Nagtataka si Kristine dahil pakiramdam n'ya ay parang may kakaibang nangyayari ng araw na yun. Ipinagpatuloy n'ya ang paglalakad hanggang natanaw na n'ya ang naka sarang pinto ng kanilang room, napakunot noo naman s'ya pero ipinagpatuloy pa din n'ya ang paglalakad ng mapahinto s'ya dahil may isang pirasong rosas na pula s'yang nakita sa sahig. Pinulot n'ya iyon at napansin nyang may maliit na papel na naka sulat doon.

To Kristine Hamond:
Alam mo ba na kasalanan mo nung na comatose ako ng isang oras? That was the first time I saw you, huminto bigla ang mundo ko❤

PS:lumingon ka sa bintana ng room 4

Napangiti si Kristine sa nabasang note sa bulaklak.

D' Big Four •MayWard💑KissYong•Where stories live. Discover now