Part 28 (Boys on M•U situation)

366 13 0
                                    

Pagkatapos lahat ng mga nangyari ay ramdam ng mga kalalakihan ang gap sa kanila. Iniiwasan ni Yong si Edward bagay na hindi naman alam ni Edward kung bakit kaya iniisip na lang ni Edward na baka mayroon lamang problema itong si Yong. Si Marco naman ay hindi rin kinikibo si Yong, hindi na bago sa kanya yun dahil nabanggit sa kanya ni Kisses na napag-awayan nila yun. Tamang nag-uusap na lamang sila kapag importanteng bagay at hindi na gaya ng dati na sila ang laging nag-uumpisa ng ingay sa bahay. Hindi pa napapansin iyon ng mga kababaihan dahil hindi rin nagpapahalata ang mga boy's para hindi na sila ma apektuhan sa kanilang M.U.(misunderstanding at hindi mutual understanding).

Tanging si Kisses lang ang nakaka alam na hindi ok ang mga boy's, ngunit hindi naman n'ya ito binabanggit kahit kanino paman sa mga kasamang babae dahil ayaw nyang pangunahan ang mga lalaki.

Habang tahimik na nag-huhugas ng pinagkainan nila ng gabing iyon si Kisses ay bigla s'yang nilapitan ni Aizan na isa sa nakakapansin sa mga kasama nyang kalalakihan.

Aizan: Kisses, alam mo ba kung bakit nagkaka ganon yung tatlo?

Mahinang tanong ni Aizan kay kisses at baka marinig s'ya ni Cora at Maymay na busy naman sa pag-gawa ng mga cupcakes sa mesa. Umiling si Kisses at ipinagpatuloy ang ginagawa, hindi nakumbinsi si Aizan sa iling na yun ni Kisses kaya naisipan nyang tulongan sa pagbanlaw ng mga pinggan si Kisses para kulitin ito, at hindi naman nabigo si Aizan kaya nag-kwento na itong si Kisses.

Aizan: ano ba yan, nakaka awkward nga naman.

Kisses: yun na nga. Gustong gusto ko ng sabihin kila ate May pero naisip ko kasi na hindi naman tama na boys problem e pang hihimasukan naming mga babae.

Aizan: sige ganito na lang, ako ng bahala sa kanila mamaya at least may idea na ako kung anong pinag-mulan ng di nila pagkikibuan.

Kisses: sige Aizan, sana makausap mo sila ng maganda at mag-ka ayos na sila. Kahit hindi muna kami magka ayos ni Marco at least OK na sila ni Yong.

Nang matapos na nila ang pag-huhugas ng pinggan ay pumasok na agad si Aizan sa boy's room. Naabutan nyang nagliligpit ng mga gamit si Yong habang ito namang si Edward ay naka higa na at nagbabasa ng libro. Sumilip s'ya sa sala at nakita n'ya doon na magkasamang nanonood ng TV sina Marco at Vivoree, kasalukuyan ding nandun si Tita Darling at may ginagawa. Tinawag n'ya si Marco at sinenyasan n'yang pumasok sa kwarto, agad namang pumasok si Marco, ng nasa loob na ito ay naupo ito sa gilid ng kama at mabilis namang ini-lock ni Aizan ang silid.

Aizan: look guys! Wala ba kayong napapansin?

Hindi sumagot ang tatlo at binigyan lamang s'ya ng mga nagtatanong na tingin.

Aizan: C'mon guys! palagay n'yo ba e magkaka ayos kayo ng ganyan pag nag papakiramdaman lang kayong lahat?

Edward: Honestly I don't know what's going trough Yong's mind and didn't talk to me, he's trying to avoid me all the time and I don't why!

Paliwanag ni Edward ng ibinaba n'ya ang binabasang libro. Natigilan si Yong sa ginagawa at naupo ito sa gilid ng kama patalikod kay Edward.

Yong: N-nasaktan lang ako ng malaman kong ikaw pala ang dahilan kung bakit nakipag lapit sa akin si Kristine.

Edward: I've been tried to talk her when we're on Batanggas. I told here to stop those motive that she obviously shown me because I know that you're getting mad at me.

Yong: Kung alam mong hindi ako magagalit, papatulan mo s'ya hindi ba?

Edward: it's actually a big NO! look Yong, she's not a type of girl I'm looking for.

Hindi na nag-salita si Yong, lumapit naman itong si Edward kay Yong at inakbayan ito.

Edward: I'm so sorry for that bro! at least I know why you're acting like that on me.

Ginulo ni Yong ang buhok ni Edward saka ito nagsalita.

Yong: wala ka namang dapat ihingi ng pasensya, ako nga itong dapat dahil pinagselosan kita ng wala sa ayos. Pasensya na bro! nadala lang talaga ako sa nararamdaman ko.

Tinapik naman sa balikat ni Edward si Yong.

Edward: it's alright!

Hindi naman naka tiis si Marco at lumapit naman s'ya sa dalawa.

Marco: Yong sorry din at kahit ikaw ay napag-selosan ko kay Kisses.

Tumayo naman si Yong tinapik din sa balikat itong si Marco.

Yong: Wala yun! naiintindihan kita, pero may isa lang sana akong pabor sayo.

Marco: what is it?

Yong: makipag-ayos kana rin kay Kisses, kung alam mo lang kung gaano ka kahalaga sa kanya, kung alam mo lang kung pano mo s'ya nasasaktan sa tuwing hindi kayo nagkaka intindihan at nauuwi yun lagi sa away.

Napayuko si Marco at tila napahiya sa sinabing 'yun ni Yong.

Marco: oh my God! I don't know that Yong. I haven't no idea about that promise!

Edward: a girl is always a girl, they are so sensitive.

Natigil pansamantala ang pag-uusap nila ng muling pumasok si Aizan galing sa kusina at may dala na itong apat na can ng beer.

Aizan: oh s'ya, let's celebrate na! ok na ulit tayo!

Sabay sabay na nag cheer up ang apat.

Yong: Marco, ipangako mo sa amin na Hindi mo sasaktan si Kisses.

Seryosong sabi ni Yong pagkatapos s'yang lumagok ng isang beses.

Marco: I swear!

At itinaas pa nito ang dalawang kamay tanda ng pagtupad n'ya sa isang pangako sa harap ng mga kasama.

Yong: usapang lalaki yan ah? ako ang Una mong makaka bangga pag-ginawa mo sa kanya yun!

Edward: mee to, Marco!

Marco: oo na po! pangako yan.

Malalim na ang gabi ng matulog silang apat dahil sa walang sawa nilang kwentohan na para bang bago lang sila ulit nag-kita kita. Nadagdagan pa ang kaninang tag-isa lang na iniinom nila, not once but tree times hanggang sa naramdaman na nila ang iniinom at kanya kanya ng tulog.

💤💤💤





D' Big Four •MayWard💑KissYong•Where stories live. Discover now