Part 29 (Kiss•Marc date💑)

372 11 0
                                    

Pag-labas buhat sa last subject ni Maymay ng hapon na yun ay ang cellphone n'ya ang una nyang hinarap at saka nag send ng message kay Kisses.

SAMAHAN MO NAMAN AKO KISSES OH..

Pina ikot-ikot ni Maymay ang cellphone n'ya sa kanyang kamay habang nag-aantay ng reply ni Kisses, Naramdaman nyang may paparating sa kanyang likuran kaya napalingon s'ya agad. Ang Edward n'ya pala!

Edward: what's up?

Maymay: Inaantay ko pa nga ang reply n'ya eh.

Edward: well, I go with Yong. Just wait her ok?

Maymay: sige! magtetext ako pag-papunta na kami.

Edward: alright, take care Maymay.

Paalala ni Edward kay Maymay at tuloyan na itong umalis.

KISSES: SURE, SAAN ANG PUNTA MO?

Binasa ni Maymay ang reply na iyon sa kanya ni kisses.

WAG NG MARAMING TANONG, ASAN KA NA?

KISSES: NANDITO PALABAS  NA NG ROOM..

At mabilis namang tinungo ni Maymay ang kinaroroonan ni Kisses, Nang matanaw n'ya sa di kalayuan si Kisses ay agad n'ya itong sinigawan at kinawayan. Mabilis din s'yang sinalubong ni Kisses.

Kisses: saan ba kasi ang punta mo?

Maymay: sa restaurant! may kikitain lang ako.

Kisses: ehmmm, si Edward ba?

Pang-aasar ni Kisses.

Maymay: Oo na!

At hinila na ni Maymay palabas ng campus si Kisses. Mabilis silang naka sakay ng jeep at maya-maya pa ay narating na nila ang isang restaurant na sinasabi ni Maymay. Pag-baba nila ng sasakyan ay agad silang sinalubong ni Edward.

Kisses: Kirii ka Ate May! kinikilig ako..

Patuloy pa ring panunukso ni Kisses habang palapit si Edward sa kanila.

Maymay: kikiligin ka talaga ng sobra Kisses.

Hindi na nakapag salita si Kisses ng makalapit na si Edward sa kanila, nag-taka naman itong si Kisses kung bakit s'ya ang nilapitan ni Edward at hindi si Maymay.

Edward: shall we!?

Tanong ni Edward kay Kisses habang naka lahad dito ang kamay n'ya. Napatingin sa gawi ni Maymay si Kisses at kitang kita n'ya ang malaking ngiti na naka rehistro sa mukha nito at saka tumango. Nagtataka man si Kisses ay iniabot n'ya ang palad ni Edward na naka lahad kanina pa at saka sabay na silang pumasok ng resto. habang nakabuntot naman sa kanila si Maymay.

Nang tumapak na ang mga paa ni Kisses sa pinto ng restaurant ay inilibot agad n'ya ang paningin at saka n'ya napansin na walang ibang tao doon at walang gaanong kagamitan pa sa loob nun at tanging mga iilang upuan at mesa lang ang nandoon kasama ang isang malaking ilaw na naka sabit sa kisame. Napansin n'ya rin sa pinaka dulong upuan na may kandilang nakatayo sa gitna nun at halatang pinaghandaan yun para sa dalawang tao.

D' Big Four •MayWard💑KissYong•Where stories live. Discover now