Part VIII (OTW to Pampangga)

394 21 0
                                    

Sakay sila ng old model Van ni Tita Darling, pasado alas dos ng hapon ng umalis na sila ng Manila papuntang Pampangga. Marami silang dalang mga checheria para may kukotkotin sila habang nasa byahe dahil baka abutan sila ng takip silim sa daan. May sigurado naman silang tutuloyan pag dating doon dahil kinontak naman agad ni Tita Darling ang kumare para mapaghandaan din sila. Excited ang lahat lalo na at pansamantala silang mag liliwaliw para naman ma refresh din ang utak nila dahil netong mga nakaraang linggo ay masyado silang busy sa school. Pinipilit ng bawat isa na maging magkalapit sila kaya feeling close kaagad ang lahat sa bawat isa. Masaya silang nagkakantahan habang nasa byahe dahil dala ni Aizan ang kanyang guitara at kinonek pa nila eto sa maliit na bus na naka kabit sa Van kaya masyado silang nag enjoy. Si Marco ang nagmamaneho, kababalik lang nya kaninang madaling araw dito sa Pinas galing Italy ay di na naisipang mag pahinga ng malaman nyang nagkaayaan na pupuntang Pampangga, katabi nya sa front seat si Tita Darling na syang pinaka magulang nila. Sumunod na row ng upuan ay pinagitnaan naman ni Kisses at Edward si Maymay. Matutulog daw sa byahe si Kisses kaya pinili nyang maupo sa gilid para maiangat nya ang kanyang mga binti.
So, kailangan talaga katabi ko si Edward!?
No choice na makatabi ni Maymay si Edward kahit palagi silang nag aasaran at di magkasundo dahil si Edward ang papalit kay Marco kung sakaling mapagod eto sa pagmamaneho. At sa likod naman pumwesto si Vivoree, Yong at Aizan na nangunguna sa kantahan.

Oh! ang isang katulad mo, ay di na dapat pang pakawalan, alam mo bang pag naging tayo'y hinding hindi na kita bibitawan, aalagaan ka't di pababayaan pagka't ikaw sa akin ay..prinsesa!

Napaangat mula pagkakahiga sa mga binti ni Maymay si Kisses ng marinig ang chorus ng kinakanta ni Yong. Kinilig sa mga lyrics na yun si Kisses kaya nakailang beses nya pinaulit ulit na pakantahin si Yong.

Yong: grabe bai! Bago mo lang ba narinig yun Kisses?

Kisses: oo bago lang! As in nakaka kilig talaga yung lyrics.

Aizan: yung lyrics lang ba? Yung kumakanta ano nalang?

Kisses: tumigil ka nga Aizan, ano ka ba? Little brother ko yan si Yong!

Vivoree: Ouch! Little brother only..

Edward: you know Vivoree, that is a very achy breaky feelings ever! Your love one's love you too but in terms of being friend, sister's/brother's only.

Vivoree: yes agree!

Kisses: shut up guys! Tigilan nyo ako ah..

Aizan: biruan lang yun Kisses, baka mapikon ka.

Di na umimik si Kisses, hindi nya kayang makisakay sa ganong mga biruan.kaya mas pinili nalang nyang manahimik.. Bumalik na sa kaninang pwesto si Kisses at naglaro nalang ng games sa Phone nya. Tuloy parin ang kantahan nila sa likod kaya di nila napansin na nanahimik na si Kisses. Habang busy naman sa pagbabasa ng makapal na libro si Edward ay nagulat sya ng biglang syang hinampas ni Maymay sa may binti kaya natigilan sya sa binabasa at hinarap si Maymay.

D' Big Four •MayWard💑KissYong•Where stories live. Discover now