Part III (First day of Being College)

514 18 0
                                    

1st day of school, Medyo nakasanayan narin kahit papano ni Maymay ang Manila dahil after ng pagkikitang yun nila ni Kisses e nasundan pa yun ng bonding nila, mahilig mag shopping si Kisses and sad to say wala syang kasama pag umaalis dahil pareho namang busy ang mga magulang nya sa business nila kaya naisipang ayain one time ni Kisses si Maymay at hanggang sa nasundan pa ulit ang bonding nila hanggang sa pareho na silang nagkagaanan at naging komportable na sa isa't-isa..

Kaya kahit alam na ni Maymay kung paano mag commute papuntang University nila ay hirap na hirap parin sya dahil sa traffic, actually maaga naman syang nagising pero talagang minamalas sya sa unang araw ng pasokan nya kaya na late parin sya sa unang subject nya. Dahil dun, binigyan sya ng punishment ng kanyang professor na e kwento ang kanyang autobiography gamit ang wikang english in front of her classmates..

Maymay: Patay na bai! Di ako marunong mag english sir ng ganitong impromptu ba, pasaway ka man sir uii!

Prof: Ay day, Bisaya ka man gali!? Diin ang banua mo day?

Tawanan sa buong klase, ganong usapan lang e tuwang tuwa ang mga kaklase ni Maymay lalo na yung mga taga City talaga, funny pero ganon talaga, pag taga probinsya ka at nahalo ka sa mga taga syudad e kahit gaano kapa ka seryuso sa pinagsasabi mo e hindi maiwasang di sila matatawa pag nakarinig sila ng gamit na dialect ng pinanggalingang probinsya lalo na at kung may accent pa eto.

Maymay: Cagayan po Sir! Ikaw sir, Ilonggo ka no?

Prof: Yess! Purely Ilonggo ni..by the way wag mong ibahin ang usapan, ok start na!

Humugot muna ng isang malalim na hininga si Maymay at nag sign of cross pa mismo sa harap ng klase kaya tawanan nanaman ulit ang buong klase, aliw na aliw ang lahat sa kakulitan ni Maymay maging ang professor nila kaya ginaganahan etong paglaruan si Maymay.

Maymay: Good morning to all of you, I'm Mary Dale Entrata from Cagayan de Oro going to 20 year's old, of course Im just 19 years old right now. I have only a single parent and that is my mother, she's working on Japan as a DH and my father, I don't know where he is. It's not a big deal actually that I don't have a father, unless I always thinking of him every minute just to remind my self that I need to study hard because if I finished my studies I will slap my diploma on his face, chaarr!! I have a lot of relatives that love & care me so much, thats why I don't care if he's not on my side..

At di na natapos pa ni Maymay ang sasabihin dahil naging madrama na sya, di na sya nag salita pa dahil kaiyakin na talaga sya. Biglang nanahimik ang klase na kanina lang ay magkanda sakit na ang tyan sa katatawa habang nakikinig sa english speech ni Maymay. Agad namang pinaupo na ng professor si Maymay dahil baka maiyak padaw eto. Naupo sa bandang likod si Maymay dahil punoan na sa harapan banda kaya napilitan syang tumabi sa kaklase nyang lalaki na sa tingin naman nya ay hindi purong Pilipino, inabutan sya ng tissue ng kaklase kaya napatitig sya ng matagal dito bago pa sya nakapag salita.

Maymay: Para saan yan? Hindi naman ako na c'cr!?

Edward: Oh, C'mon! It's for your nose..

Ay abaw English Speaking pala etong katabi ko, magkaintindihan kaya kami?

Maymay: What's the problem with my nose?

Edward: It's bleeding!!

At kasunod ng nakakaasar na tawa ng binata na syang ikinapikon naman ni Maymay, nilamukot nya ang tissue sa kanyang palad at agad na ibinato sa mukha ni Edward na tumama naman sa noo ng binata, natigilan si Edward sa ginawang yun sa kanya ni Maymay kaya nanahimik bigla ang binata.

Pagkatapos ng una nilang klase ay nagtungo na ang iba sa susunod nilang klase, si Maymay naman ay vacant sa pangalawang klase kaya naisipan nyang tumambay muna sa may cafeteria at bumili ng makakain. Bigla nyang naalala ang kaibigang si Kisses para etxt eto at ayain na sabay silang manananghalian, pero nauna na palang magtxt si Kisses sa kanya at bago nya lang nabasa ang text message neto para kay Maymay, napangiti sya dahil di sya nakalimutan ng bagong kaibigan.

Edward: wow! Let me guess, boyfriend send you a sweet message that's why you smile like that uh?

Napataas kilay si Maymay sa biglang pagsulpot ng kaklase nya sa kanyang tabi.

Aba ang kapal din neto e kanina lang ang lakas mang asar tas andito nanaman sya, pwes! Akala mo di kita papatulan, tignan natin ngayon kung sinong unang mapipikon satin..

Magsasalita palang sana si Maymay ngunit agad na hinarang ng binata ang hintuturo sa labi ni Maymay..

Edward: Sshh! Look I'm here just to say sorry for what happened. Pardon me please, Im just joking I thought your not get mad for my joke but then I was so shocked when you throw those tissue on my forehead.

Natigian si Maymay dahil di nya ini expect na lumapit lang sya para humingi ng pasensya sa ngyari kanina. Maliit na bagay lang yun, pero naiinis lang si Maymay dahil una, di sila close para magbiro sa kanya ng ganon at di nya kilala ang binata. Pero nakita naman nyang sincere sa paghingi ng sorry tong isa e nakipagkasundo naman agad sya.

Edward: by the way I'm Edward, and you are M'mary..

Maymay: Maymay nalang.

Edward: ah,ok! Maymay Nalang is your nickname right? But it's too long for a nickname.

Maymay: Ay ta, I mean Maymay only.. Buang!

Edward: what's Buang?

Maymay: You! You are the definition of buang, hindi kaba marunong magtagalog? Nahihirapan akong kausapin ka..

Edward: kunti lang, just the common/basic Tagalog. But I understand tagalog.

Maymay: Salamat naman, oh sya sige! Maiwan na kita Edward, nagtxt na sa akin ang kaibigan ko kasi. See you again!

At iniwan na nga mag isa ni Maymay si Edward sa cafeteria. Napapailing nalang si Edward kay Maymay habang paalis.

So Weird kinda girl..



D' Big Four •MayWard💑KissYong•Where stories live. Discover now