Chapter 1: Cold treatment

10.5K 237 77
                                    

ANNE

"Elleigne!" tawag ko sa bestfriend ko ng makita ko siya. Finally, Kanina ko pa hinahanap 'to eh. 

Lumapit agad ako sa kanya ng may mapansin akong kakaiba sa kanya. Saktong paglapit ko ay siya namang pagbagsak niya sa sahig. 

"Elleigne!" naipasigaw ako dahil sa gulat.  

Kinabahan ako at halos mangiyak-ngiyak ng makita kong namumutla nanaman ang labi niya at bumibigat din ang paghinga. 

Nakahawak siya sa may bandang dibdib niya tila may iniindang sakit. 

"Tulong! Tulong!" sigaw ko.

Nagulat ako ng agad na may bumuhat sa kanya ngunit mas lalo akong nagulat ng makita kong nasa tapat na namin ang BTS at lalong mas ikinagulat ko ng makitang buhat buhat na ni Jungkook ang kaibigan ko. 

Totoo ba ito?
---

Mabilis kaming nakarating sa hospital at pansamantalang nasa Emergency Room pa din ang kaibigan ko. 

Nakakapag-taka bakit nandito pa rin yung buong BTS? 

"Tch. I guess, umaarte lang siya." saad ng masungit na Jimin.

"Chim! " saway sa kanya ni Jin.

"Heto na ba ang bagong technic ng mga fans?" dagdag pa ni Jimin sabay ngumiwi.

Nag-init yung ulo ko dahil sa sinabi ni Jimin. Hindi porket gwapo siya at sikat gaganyan-ganyanin niya na lang yung bestfriend ko.

"Hindi siya uma-acting! Bestfriend ko na siya simula pagkabata pa. Kung alam mo lang kung gaano kami katakot na maiwan niya. Bata pa lang siya mahina ang puso niya!" sigaw ko sa kanya. 

"Pake ko." malamig niyang tugon. 

"Jimin!" galit na bulyaw ni Taehyung kay Jimin.

"Tch." tikhim niya bago umalis ng nakapamulsa.

Nakakaasar itong Jimin na ito. Bakit siya pa ang nagustuhan ng bestfriend ko?

Pangit pala ng ugali ng lalaking ito.

3RD PERSON

"Hindi mo dapat sinabi iyon Jimin!" pangangaral ni Jin kay Jimin.

"WHAT!? Ano bang problema niyo? Ni hindi niyo nga kilala yung babaeng iyon eh."

"Kahit na! You still need to respect her." usad naman ni Taehyung. 

"We understand na ayaw mo talaga sa babaeng fan na maingay, hindi ka binibigyan ng private life at etc. Pero ni isa doon wala naman siyang ginawa kanina ah. Iba siya." saad naman ng tahimik na si Suga na labis na ikinagulat ng lima bukod lang kay Jimin. 

"Tch. I don't care." pagmamatigas ni Jimin. 

"Bahala ka nga." saad ni J-hope habang iniiling-iling ang kanyang ulo. 

"Ang gulo mo bro." inis na saad naman ni Rapmon. 

"Yung Doctor na mismo ang nagsabi na mahina na talaga ang puso niya, na hindi siya pwedeng naii-stress at nape-pressure. Habang tumatagal mas lalong lumalabo din ang mata niya kaya naghahanap sila ng bagong mga mata pampalit sa mga mata niya. " mahabang litanya ni Jungkook at dahil dito nabalot din ng katahimikan ang buong paligid.  

ELLEIGNE   

Naimulat ko ang mga mata ko ng makaramdam ako ng paghaplos ng malamig na kamay sa noo ko.

"Elle! Thank you Lord! Nagising ka na! Kamusta na ang pakiramdam mo?" bungad sa akin ni Anne. 

"Okay lang? Ano bang nangyari?" walang alam kong tanong sa kanya. 

Will You Notice Me? (Completed) (PJ| FAN FIC)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon