ELLEIGNE
Kasama ko si Taehyung ngayon. Galing kami sa Mcdo at bumili ng fries.
Ewan ko nga kung bakit hindi siya pinagkakaguluhan eh pero maraming nakatingin sa amin. Yung iba nagpipigil ng tili, yung iba naman nag-chichismisan.
Naglalakad na kami pauwi sa village. Hindi ko kasama si Anne dahil busy. Ang totoo itinakas lang ako ni Taehyung. Bigla niya akong kinaladkad.
Nagulat ako ng hindi ko na pala siya kasabay sa paglalakad kaya tinignan ko ang paligid upang hanapin siya.
Nakita ko siyang nakaupo pero hindi naman nakasayad yung pwetan niya sa sahig. Lumapit ako para tignan kung ano ang ginagawa niya.
"Taehyung, anong meron? Tara na uuwi na tayo." saad ko.
"No huhuhu hindi ako uuwi. Tignan mo nahulog yung isa kong fries WAAAAAAAAH." ngawa niya.
Halos malaglag ang panga ko dahil sa sinabi niya. What the heck! Isang fries lang iyon!
"Hala! Isang piraso lang naman 'yan. Hayaan mo na. Tara na umuwi na tayo." saad ko at inilahad sa kanya yung kamay ko.
"Hindi huhuhuhu. Yung fries ko! My precious fries!" parang batang ngawa niya.
"Aishh! Tara na bibili na lang ulit tayo." saad ko na nakalahad pa rin yung kamay sa kanya.
"Talaga?" tanong niya at tila nagniningning ang mga mata.
"Yup." sagot ko at ngumiti.
"Yehey! Thank you bebe Elleigne." saad niya at tinanggap na ang kamay ko.
Napaka-isip bata rin pala ni Taehyung.
After naming bumalik sa Mcdo upang bumili ng Fries ay tinungo na namin ang daan pauwi.
---
Nauna kaming nakarating sa mansion ng BTS medyo lalakad pa ako ng kaunti bago ako makarating sa bahay namin."Elleigne!" tawag ni Jin sa pangalan ko ng maabutan niya kaming dalawa ni Taehyung.
"Mabuti na lang nandito ka!"
"Huh? Bakit?" tanong ko.
"Eh kasi... Pwede bang alagaan mo si Jimin ngayon? Nilalagnat eh. Hindi namin alam ang gagawin. Wala si Manager." saad niya.
"Ahh... Ehh... Ang ang init kasi ng dugo nun sa akin." nagdadalawang isip na saad ko.
Papayag ba ako?
"Sige na please?" pagmamakaawa niya.
"Sige na nga." saad ko.
Pumasok na kami sa loob ng mansion nila at tila hindi ko mapigilang mamangha sa sobrang ganda sa loob nito.
"Ang bait mo talaga bebe Elleigne." saad ni Taehyung habang kumakain pa rin ng fries.
"Taehyung ubusin mo muna yang pagkain sa bunganga mo." saad ko na ikinalungkot ng mukha niya.
"Ayaw mo ata akong kausap eh." pagmamaktol niya.
"No, hindi ah. Baka kasi mabulunan ka." saad ko at ngumiti sa kanya. ngumiti din siya sa akin at kinurot yung pisngi ko.
Pagkadating namin sa sala ng mansion ay nakita ko ang napakagulong paligid.
Nagbabatuhan ng unan na si RM at J-hope, natutulog na si Suga sa sahig at kumakain na Jungkook habang nanonood ng TV.
"Boys may bisita tayo." saad ni Jin na ikinaagaw ng atensyon ng lahat at tumingin sa akin.
"WAAAAAAH ELLEIGNE!" sigaw nila at dali-daling lumapit sa akin at binigyan ako ng power hug.
BINABASA MO ANG
Will You Notice Me? (Completed) (PJ| FAN FIC)
Fanfiction(BTS Fanfiction) (JiminXFan) Ang hirap maging Fan Girl. Minsan hanggang tingin ka na lang sa kanya. Minsan lang ba? Hindi mo siya kayang abutin dahil hindi lang ikaw ang babaeng naghahangad sa kanya. Marami kang karibal sa puso niya. Naiisip mo na m...