Chapter 29: Can't see

4.1K 118 22
                                    

JIMIN

Dahil sa sobrang inis ko kanina ay hindi ko napigilang umakyat sa stage kung saan kumakanta si Jay Park para lang takpan ang mga mata ni Elleigne.

Tch. Wala na akong pake kung may makakita sa akin, hindi ko mapigilan ang sarili ko eh.

''Jimin saan ba talaga tayo pupunta?'' muling tanong ni Elleigne sa akin.

Hindi ko siya sinagot. Actually hindi ko din alam kung saan kami papunta. Basta nag drive lang ako.

Narinig ko ang pagtunog ng cell phone ni Elleigne kaya saglit nagawi ang tingin ko dito.

''Sino 'yan?'' tanong ko, kahit alam kong si Jin ang nasa kabilang linya.

Nakita ko kasi yung pangalan niya na naka-rehistro sa screen ng phone ni Elleigne.

''Ah si Jin.'' saad niya na akmang sasagutin na yung tawag.

''Huwag.'' pagpigil ko.

''Bakit?'' takang tanong niya.

Oo nga bakit ko ba siya pinipigilan?

''Tch. Wala.'' Inis na saad ko.

''Hello Jin? Ah ayos lang ako... Oo kasama ko si Jimin... Huh? Talaga?... Pasensiya na... Sige babye na Jin. Saranghae din haha.'' tuwang-tuwang pakikipagusap niya kay Jin kaya hindi ko mapigilang umirap.

''Kapag kay Jin nakakapagsabi ng I love you, sa akin hindi.'' bulong ko.

---
Naisipan kong dumaan ng condo unit ko para kunin yung naiwan kong bag na punong puno ng mga regalo ko para sa kapatid kong si Ji Hyun.

Hindi talaga 'to regalo para sa kanya, nagpustahan kasi kami at natalo ako ng maduga kong kapatid

''Jimin anong gagawin natin dito?'' ramdam ko ang kaba ni Elleigne ng itanong niya iyon kaya sikreto akong napangiti.

''Maliligo lang ako sandali, hintayin mo muna ako diyan.'' tusong saad ko.

''Ah s-sige.'' utal-utal na saad niya.

Upang asarin siya ay agad akong naghubad ng damit pangtaas sa harapan niya at hinagis ito sa gilid ng kama kung saan siya kasalukuyang nakaupo.

Kitang-kita ko ang pamumula ng pisngi niya at gulat sa kanyang mga mata. Nakita ko din ang pasimple niyang paglunok kaya ngumisi ako.

Dahan-dahan ko namang hinuhubad sa harap niya ang ripped jeans ko kaya lalong mas nanlaki ang mga mata niya na agad niyang tinakpan.

''Ganito mag-strip honey, ang bakla nung kay Jay Park eh.'' pang-aasar ko.

''WAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAH. MALIGO KA NA LANG KASI KUNG MALILIGO KA.'' kabadong-kabadong saad niya at tumalikod sa akin.

Pinigilan ko ang pagtawa ko kahit gusto ko ng humiga sa sahig katatawa dahil sa reaksyon niya.

''Tignan mo kasi ako honey. Dalawa lang tayo dito ohh. Feel free to harass me.''

''Waaaaaah Jimin naman eh.'' nananaway na saad niya.

''Tingin ka dito honey, sasayawan kita.'' pang-aasar ko ulit at nag body roll papunta sa harap niya.

''WAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAH!'' sigaw niya ulit ng itulak ko siya kaya napahiga siya sa kama.

Tila nakahinga siya ng maluwag ng makita niyang may suot pa akong short. Pero hindi pa din napawi ang kaba na nakaukit sa mga mata niya.

Napapakit siya ng pumatong ako sa kanya ngunit sadya kong hindi idinikit ang sarili ko sa kanya. Parang nakapush up lang ako sa kanya.

Will You Notice Me? (Completed) (PJ| FAN FIC)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon