Chapter 23: Mad

4.2K 115 21
                                    

ELLEIGNE

"Tey saan ba tayo pupunta?" hingal na hingal kong tanong kay Taehyung.

"Pagod ka na ba bebe Elleigne ko?" alalang-alalang tanong niya.

Tumango ako sandali at naghabol ng hangin. Nagulat ako ng bigla siyang umupo at tinapik yung likod niya.

"Pasan ka bebe Elleigne." saad niya.

"Naku Tey huwag na, kaya ko naman eh." pagtanggi ko.

"Ayaw mo ba sa akin? " maiyak-iyak na tanong niya na siya namang ikinagulat ko.

"Naku, naku! Hindi naman sa ganoon Tey baka mapagod ka. Maglakad na lang tayo." sagot ko.

"Concern ka sa akin?" tanong niya ng may nagniningning na mga mata.

 "Oo naman hehe. Ano Tey gusto mo bang kumain?" tanong ko sa kanya habang umakbay sa balikat niya.

Akbay na pang tropa lang. Medyo nahirapan pa akong abutin yung balikat niya kasi ang tangkad niya.

"Hahahahaha ang liit mo Bebe Elleigne ako na lang aakbay sa iyo." saad niya sabay akbay sa akin.

"Tara kain tayo sa Mang Inasal." saad niya na ikinataas ng kilay ko.  

"Sigurado ka ba?" di makapaniwalang tanong ko.

"Bakit?" tanong niya.

"Diba favorite mo si Jollibee tapos kakain ka ng Mang Inasal?"

"Eh extra rice kasi doon bebe Elleigne."  

"Huh diet ka diba Taehyung.?"

"Ano ka ba bebe Elleigne walang kaso 'yon sa akin. Ibu-burn ko din naman agad eh." sagot niya

"Bahala ka." pagsuko ko.

Nagsimula na siyang hilahin ako habang may ngiting nakaukit sa kanyang mga mata.

---
Nakarating kami sa may malapit na Mang Inasal.

Kita ang exitement sa mukha ni Taehyung.

"Tey ako na lang o-order." saad ko matapos naming makahanap ng mauupuan.

"Sige." pagsang-ayon niya sabay ngiti sa akin.

Nagpunta na ako sa may counter at nagsimula ng umorder. Bumalik na agad ako doon sa table namin at hinintay ang pagdating nung order namin.

Napatingin ako kay Taehyung na siya namang nakatingin sa akin.

"Bakit Tey may problema ba?" taka kong tanong.

"Wala naman. Gusto ko lang pagmasdan yung babaeng gusto ko." seryosong saad niya dahilan para mapalunok ako.

Oh shoot.

Juskooo! Hulalaaaaaaaay.

Paano niya nakayang maging kalmado e halos magkandahulog-hulog na ako sa upuan dahil sa sinabi niya?

"Bakit ka namumula bebe Elleigne? May nararamdaman ka ba? Ano?" tanong niya sabay hawak sa noo ko.

"Ano ka ba Tey? Haha ayos lang ako." saad ko at kunwari hindi pinansin yung sinabi niya.

"Ma'am, Sir heto na po yung order niyo." saad ng lalaking waiter at inayos na yung order namin.

"Thanks.'' saad ko ng matapos niyang ihain yung pagkain sa table.

JIMIN

"Oh bakit parehas nakabusangot mga mukha niyo?" tanong ni RM sa amin ni Jungkook.

Will You Notice Me? (Completed) (PJ| FAN FIC)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon