Chapter 18: Future Boyfriend

5.1K 126 46
                                    

ELLEIGNE

"Suotin mo ito. Mamaya na kita ihahatid sa inyo." saad ni Jimin at binigay sa akin yung T-shirt niya at short niya.

Hindi na lang ako sumagot kasi na-iilang ako. Dali-dali akong naligo at nagpalit ng damit.

Nandito ako ngayon sa condo ni Jimin tutal malapit lang naman ito sa park. Yayamanin na talaga siya. May bahay na may condo pa.

"Achuuuu" bahing ko.

"Tch. Iyan kasi di nagdala ng payong." saad ni Jimin habang nakasandal sa pintuan.

"Achuuu" muling bahing ko.

"Kita mo na, ang kulit mo kasi." panenermon niya habang lumalakad papunta sa akin.

"Hoy! Huwag ka ngang lumapit sa akin." saad ko dahilan para maningkit ang mga singkit niyang mga mata. Uh-oh.

"At bakit huh?" inis na tanong nito.

"Kasi singer ka diba? Baka mahawa ka sa akin." saad ko.

Nawala na yung inis sa mukha niya na napalitan naman ng mapaglarong ngiti sa kanyang labi.

"Don't worry malakas ang resistensya ko. Kaya dapat ikaw nagpapalakas ka din." saad niya at pinisil ang pisngi ko.

"Hindi ka ba natatakot na baka mahawaan kita?" tanong ko.

Imbes na sumagot siya ay niyakap niya ako ng mahigpit.

"Sa tingin mo anong sagot ko?" tila hindi na ako nakaimik dahil sa ginawa niya.

"Tomorrow, let's have a date." saad niya.

"Huh? P-pero nangako kasi ako kay Taehyung na lalabas kami bukas."

"Tch. Taehyung nanaman." saad niya at bumitaw siya sa pakakayakap sa akin.

Napaka-moody naman ng lalaking ito T^T

"Huy, Jimin galit ka na niyan?" tanong ko.

"Hindi." malamig na saad niya.

"Kasi baka magtatampo sa akin si Taehyung kapag hindi ko siya sinipot bukas."

"Then sasama ako."

"ANOOOO?!" gulat na tanong ko.

"Bakit? Ayaw mo?" inis na tanong nanaman niya.

"Baka hindi pumayag si Taehyung niyan." mahinang saad ko.

Napasimangot naman siya sa sinabi ko. Nagulat ako ng yakapin nanaman niya ako. 

"Hindi kita bibitawan at pauuwiin kapag hindi ka pumayag." pagbabanta nito. 

"Jimin naman eh!" 

"Why?" maang-maangan na tanong niya.

"Baka magalit sa akin si Taehyung. Alam mo naman kakaiba magtampo 'yon."

"Edi sasabihin ko sa kanya na sasama ako."

 "Ikaw bahala." pagsuko ko.

Hindi talaga siya titigil kapag hindi niya nakukuha yung gusto niya.

---
Maya-maya lang ay inahatid na ako ni Jimin pauwi sa bahay.

"Ma nandito na ako." saad ko pagbukas ko ng pinto ng bahay. 

"Oh baby mabuti naman at ligtas kang nakauwi. May kasama ka palang napaka-gwapong nilalang." saad ni mama habang nakatingin sa lalaking na sa likuran ko.

Nakita ko ang pag-ngisi ng labi ni Jimin. Lumalaki nanaman ulo nitong lalaking ito.

"Jimin, pasok ka muna iho. Dito ka na kumain. Sayang hindi mo kasama yung ibang boys." saad ni mama.

Will You Notice Me? (Completed) (PJ| FAN FIC)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon