ELLEIGNE
"Bebe Elleigne ko! gising ka na please. Miss na miss ka na ni Taehyung." rinig kong boses ng lalaki habang nakapikit ako.
Alam ko na kung kaninong galing 'yun.
Kay Taehyung.
Iminulat ko ang aking mga mata at nakita ko ang napakaperpekto niyang mukha. Napakalungkot nito at malapit na ding umiyak.
"Elleigne! Sa wakas gising ka na!" sigaw niya dahilan para makarinig ako ng marami at mabibilis na yabag.
"WAAAAAAAH ELLEIGNE!" sigaw ni Suga at agad na yumakap sa akin.
"Hey! Huwag mo ngang yakapin si Bebe Elleigne ko!" saway ni Taehyung.
Pansin kong nandito nanaman ako sa kwarto ni Jimin. Ngumiti na lang ako sa kanila. Kasi hindi ko alam kung ano ang totoong nangyari.
"Naku! Anong oras na? Baka hinahanap naako ni mama!" saad ko at akmang tatayo na ngunit pinigilan nila ako.
"Alam na ng mama mo Elleigne. Bukas ka na lang daw umuwi. Gabi na rin daw kasi sa daan baka mapahamak pa tayo kung ihahatid ka namin pauwi." saad ni Jungkook at tumabi sa akin.
"Kamusta na ang pakiramdam mo?" tanong niya sa akin.
"Ayos lang naman ako." saad ko at humikab.
Ipinikit ko ang mga mata ko at niyakap ang unan na nasa tabi ko.
JIMIN
"Bakit nandito lahat kayo sa kwarto ko at may kanya kanyang dalang kumot at unan?" tanong ko ng mapansin ko ang anim na kumag na nag-aayos ng mahihigaan.
"Babantayan namin si Elleigne." saad ni Jungkook.
Agad akong tumingin kay Elleigne na kasalukuyan ng natutulog ngayon sa kama ko habang yakap yakap ang unan ko.
Lumapit na ako sa kama ko at humiga na.
Napansin ko ang tinginan ng anim sa akin kaya binigyan ko sila ng 'What's-the-problem-look?'
"Bakit diyan ka matutulog sa tabi ni Elleigne?" tanong ni Suga.
"Bakit? Kama ko ito eh." sagot ko at ipinikit na ang mata. Tch si Taehyung nga kanina pa nakahiga dito.
---
Aishh nahihirapan talaga akong matulog kapag may ibang tao sa kwarto ko.Habang ako'y nagmumuni-muni nakaramdam ako ng pagkayakap sa akin ng isang kamay.
Nilingon ko kung kanino nanggaling ang kamay na ito at nakita ko si Elleigne na mahimbing na natutulog.
Yung hininga niya ramdam na ramdam ko, dahilan kung bakit nagsitaasan ang balahibo ko at hindi ko maiwasang mapalunok sa tuwing nakikita ko ang mapupula at kay sarap halikan ng kanyang labi.
Minsan ko na itong nahalikan pero gustong gusto kong angkinin ang mga iyon.
Nagulat ako ng mas lalo siyang napalapit sa akin at ngayon ay nakayakap na talaga siya sa akin. Ewan ko pero nakita ko na lang ang sarili kong niyakap siya pabalik.
ELLEIGNE
Mabuti na lang tulog pa silang lahat ng magising ako. Takte kasi baka nakita nilang lahat na magkayakap kami ni Jimin.
Nagsimula na akong maghanda ng almusal para sa pito at inayos yung bahay nila.
"Hmm! Ang bango naman nun." saad ni Jungkook at nag-unat-unat.
Lumapit siya sa akin at hinalikan ang kamay ko.
"Good morning Elleigne." saad niya at ngumiti. Sanay na ako sa kanya kaya ngumiti na lang din ako pabalik.
"WAAAAAAAAH! BEBE ELLEIGNE! ANONG NILUTO MO?" tanong ni V na kasalukuyang tumatakbo papunta sa lugar ko.
"Dahan-dahan lang Taehyung!" saad ko sa kanya.
Ngumiti lang siya sa akin at umupo sa lamesa. Isinandal niya ang ulo niya dito at humikab ng humikab.
"Inaantok ka pa Taehyungie?" tanong ko sa kanya at umupo sa tabi niya
Tumango siya sa akin at nagulat ako ng ipatong niya ang ulo niya sa lap ko. Ipinikit niya ang mata niya at natulog ulit.
Wala na akong nagawa, mukhang antok na antok pa talaga ang isang 'to.
Nang magising na silang lahat ay pinaghandaan ko na sila ng pagkain. American break fast lang ang niluto ko sa kanila since madali lang.
Kumain na kaming lahat at tila kaing mandirigma ang ginawa nung pito. Mukhang gutom na gutom eh.
---
Pagkatapos kong maghugas ng pinggan ay naghanda na ako ng sarili ko.Pinadalhan daw ako ni mama ng damit dito. Since nalaman kong umalis pala siya kasi kailangan sa business. Mga 2 weeks lang daw siya sa Leyte.
Nakiusap siya na dito na lang daw muna ako para incase na atakihin ako ng sakit ko ay may bantay sa akin.
Lumabas na ako ng bahay ng BTS at muntik na akong ma-out of balance ng makita kong pusturang pustura sila doon sa may van.
What a nice view.
Shet. Para silang mga model ng van. Yung mga mukha nila nang-aakit.
''Elleigne! Sakay ka na. Tabi tayo.'' saad ni Jungkook at binuksan ang pinto ng van.
''No! Sa akin tatabi si bebe Elleigne.'' saad naman ni Taehyung na agad na kumapit sa braso ko.
Napatawa na lang ako dahil sa kakyutan ng isang ito. Nang makapasok na ako sa loob ng van nagpa-unahan sila kung sino ang uupo sa tabi ko.
Since kanina pa nakakapit sa braso ko si Taehyung siya yung nakatabi ko. Then si Suga na nakasandal ang ulo sa shoulder ko.
As usual natutulog nanaman ito.
Nagtaasan ang balahibo ko ng maramdaman kong may naglalaro sa buhok ko. Tinignan ko kung sino yun at nagtama ang mga mata namin.
Si Jimin.
Tinaasan niya lang ako ng kilay at inilapit ang mukha niya sa akin. Hindi naman yung sobrang lapit.
He's teasing me.
''Tumingin ka sa harap baka mahalikan kita.'' mahinang saad niya dahilan upang mapasinghap ako.
Tumingin ako sa harap at ramdam na ramdam ko ang pamumula at pag-init ng pisngi ko.
Letse kang Jimin ka!
Itutuloy...
BINABASA MO ANG
Will You Notice Me? (Completed) (PJ| FAN FIC)
Fanfiction(BTS Fanfiction) (JiminXFan) Ang hirap maging Fan Girl. Minsan hanggang tingin ka na lang sa kanya. Minsan lang ba? Hindi mo siya kayang abutin dahil hindi lang ikaw ang babaeng naghahangad sa kanya. Marami kang karibal sa puso niya. Naiisip mo na m...