JIMIN
Nakakainis. Sabing hindi nga ako nagseselos eh. Bakit ba pinagpipilitan nila?
Tch. Makatulog na nga lang ulit.
Pumunta ako doon sa may damuhan at nahiga. Mabuti na nga lang at may lilim ito galing sa anino ng mga puno.
Hindi rin naman ganong kainit mahangin pa nga eh at matahimik.
Sa pagpikit ng mga mata ko bigla ko ulit naalala yung nangyari kanina, kung paano ako manggigil sa labi ni Elleigne. Damn.
Taena kasi nung labi niya. Inaakit ako. Kasalanan niya 'yon.
ELLEIGNE
"Miss Dy." Tawag ni prof sa akin.
"Yes po?" Tanong ko.
"Pakibigay ito kay Mr.Park. Listahan 'yan ng mga lessons na dapat niyang ituro sa 'yo. Pumunta ka na sa kanya at magpaturo na."
"S-sige po." Huhuhu.
Kung minamalas na sinuswerte ka nga naman. Nakakatakot na lecture ang ginawa niya sa akin kanina.
Mukha lang siyang mabait pero jusko kapag tinignan ka niya makakalimutan mo lahat ng inaral mo.
---
Nagsimula na akong maglakad upang hanapin si Jimin at thankfully nakita ko siya agad na nakahiga doon sa may damuhan. Mukhang natutulog.Dahan dahan akong lumapit sa kinaroroonan niya at sinubukang gisingin siya.
"Psst J-jimin." nahihiyang tawag ko sa pangalan niya pero hindi pa rin siya nagising.
"Jimin! Uy..." tawag ko ulit sa kanya habang sinusundot yung pisngi niya.
Uulit pa sana ako kaso bigla niyang hinila yung kamay ko at ninakawan ako ng halik. Naidilat ko ng sobrang laki ang mga mata ko dahil sa gulat.
I tried to push him away para maka-alis ako pero sadyang malakas siya at idiniin ako sa sarili niya.
"WAAAAAAAAAAAAAAAAAAH JIMIN! ISUSUMBONG KITA KAY JIN! 'YAN NA BA ANG EPEKTO SA'YO NG PORN HUHUHUHUHU? HOW DARE YOU NA GAWIN 'YAN KAY ELLE." sa boses pa lang alam ko ng si Taehyung 'yon.
Pinakawalan na ako ni Jimin at umaktong parang walang nangyari.
Paano niya nakakayanan ang ganito?
"So anong ginagawa mo dito?" tanong nito ng makaupo na siya habang nakatungong inaayos yung buhok niya at nakapikit.
"A-ah kasi, i-ipinaabot ni miss. L-listahan daw nung mga ituturo mo sa akin."
"K." walang ganang saad nito at bumalik ulit sa pagkakahiga.
"J-ji---"
"Mamaya na kita tuturuan, doon na lang sa bahay ng BTS."
"S-sige." utal na saad ko at patakbo ng umalis sa lugar na iyon.
Napansin ko talagang dumadalas na yung pagnanakaw ng halik sa akin ni Jimin.
---
Naglalakad ako ngayon pauuwi sa bahay ng BTS nakakahiya naman kasing makisabay sa kanila atsaka inagahan ko talaga yung pag-uwi ko para makatakas sa kanila.Patuloy lang ako sa paglalakad ng makarinig ako ng iyak ng isang lalaki.
Hinanap ko kung saan nanggagaling yung iyak na 'yon at laking gulat ko ng makitang si Taehyung ito.
Agad akong lumapit sa kanya at pumunta sa tapat niya.
"T-taehyung, bakit nandito ka? Bakit ka umiiyak? May nangyari ba?" sunod-sunod na tanong ko sa kanya.
BINABASA MO ANG
Will You Notice Me? (Completed) (PJ| FAN FIC)
Fanfiction(BTS Fanfiction) (JiminXFan) Ang hirap maging Fan Girl. Minsan hanggang tingin ka na lang sa kanya. Minsan lang ba? Hindi mo siya kayang abutin dahil hindi lang ikaw ang babaeng naghahangad sa kanya. Marami kang karibal sa puso niya. Naiisip mo na m...