Chapter 37: Party

3.5K 83 16
                                    

TAEHYUNG

Akala ko wala na akong nararamdaman sa kanya. Damn it. Nang makita ko lang yung ngiti niya, talo agad ako. Alam kong meron pa.

I can't help but to look at her. Napaganda niya pa rin, mas lalong gumanda.

"Uy may nagnanakaw ng tingin~" saad ni Jungkook sabay tusok sa tagiliran ko.

"Ako lang ba ha?" saad ko naman sa kanya. Tumawa na lang siya at umiling-iling.

"Elle! Sama ka sa amin doon tayo sa medyo malalim!" pang-aaya ni Suga na halatang-halatang excited.

"H-ha! Dito na lang ako. Hindi ako marunong lumangoy eh hehe." saad niya.

"PAREHAS KAYO NI J-HOPE HAHAHAHHAHAHA!" malakas na usad ni Jin sabay tawa ng malakas.

"HOY! ANONG HINDI MARUNONG? MABABAW LANG SA AKIN YON!" mayabang na saad niya.

"Hahaha ilang beses na kaya yang nalunod." saad ni RM.

"Sabay ka na lang sa akin Elle." pag-aaya ko sa kanya.

"N-nako hindi na! Hindi ka makakapag-enjoy kung may sagabal pa sa paglangoy mo." pagtanggi niya.

"Sus hindi 'yan. Ako bahala hahaha. Hindi dapat inaayawan ang isang katulad ko." saad ko at matawa-tawa sa reaksyon niya.

Hinila ko agad siya kaya hindi na siya nakatanggi. Nang medyo lumalim na yung tubig huminto na kami. Wala na akong maapakan na buhangin kaya ayos na 'yon.

Humigpit ang pagkakapit niya sa magkabilang balikat ko habang nakapikit.

"Relax, Elle. Di ka malulunod nandito lang kami haha." saad ko sa kanya.

"Ehem." tikhim ni Jimin habang nakabusangot yung mukha.

Tinuruan namin siyang lumangoy habang ako ay naka-alalay parin sa kanya. Panay naman kami pang-aasar kay J-hope na tila umurong ata ang dila nang mapunta kami sa malalim. Todo ang kapit niya kay RM eh haha.

Maya-maya lang ay napagpasyahan naming umahon na at kumain.

Hindi na namin kasabay si Elleigne kasi sabi niya may pagkain daw siya doon sa room niya, sayang naman daw kung di niya kakainin.

"Guys malapit na birthday nI Jungkook at ni RM anong balak natin?" bungad ni Jin habang kumakain kaming pito.

"Oo nga no? Naks Jungkook di ka na baby hahaha." saad ni J-hope.

"Wala bang pa-walwal si mayor diyan? Wohooooo!" saad naman ni Suga.

"Hoy Suga nakabase kay manager kung makaka-inom tayo o hindi haha." saad ko.

"Ako bahala diyan." saad naman ni RM na ikinatuwa namin.

"YOOOOOOOON!" sigawan naming anim.

Pinag-usapan namin kung ano yung gagawin namin sa birthday nung dalawa. Same month kasi. Marami kaming idea pero at last napagpasyahan naming i-celebrate ang birthday nung dalawa sa bahay nila Jungkook at RM. Pool party ang theme. Tapos yung second celebration namin ay kasama ang mga armys. Free concert kumbaga.

Hindi ko na masyadong naintindihan yung mga plano nila masyado kasi akong natakam sa french fries na kinakain ko.

ELLEIGNE

Hindi na ako sumabay sa boys na kumain kasi nakakahiya. Sa room na lang ako kumain habang abalang-abala sa pagbabasa ng paborito kong story ni Maxinejiji. Season 2 palang ako kasi ang haba niya talaga pero ang ganda basahin.

Pagkatapos kong kumain ay hinugasan ko na ito agad at humiga sa malambot na kama. Itinigil ko na muna ang pagbabasa kasi masakit na ang ulo ko.

Nagising ako nang may paulit-ulit na nag-doorbell sa room ko. Kahit tamad na tamad akong kumilos I still managed na pagbuksan ng pinto ang kung sino mang istorbong 'yon.

Will You Notice Me? (Completed) (PJ| FAN FIC)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon