Chapter 31: Find

3.6K 101 18
                                    

TAEHYUNG

''Guys!'' sigaw ng humahangos na si Jin.

''Oh? Jin, anong meron?'' bungad na tanong ni RM.

''S-si Elleigne...'' hindi matuloy-tuloy na saad ni Jin dahilan para gumuhit ang kaba sa mga mata namin.

''B-bakit anong nangyari kay Elleigne?" kabadong tanong ni Jimin.

''W-wala na—''

''TANGINA BIRO LANG 'YAN DIBA?'' nagulat kaming lahat ng hindi patapusin ni Jimin si Jin sa pagsasalita at agad niyang hinila ang damit nito.

Ramdam na ramdam ko ang kalabog sa dibdib ko. Nanghihina ako dahil sa mga salitang binitawan ni Jin.

Matagal-tagal ang lumipas bago bitawan ni Jimin yung pagkakahila niya sa damit ni Jin. Nakita namin ang paglandas ng mga luha sa mga mata niya.

Takot, 'yan ang nakikita ko sa mga mata niya.

Agad siyang tumakbo patungo sa kwarto ni Elleigne na agad naman naming sinundan.

''NASAAN SI ELLEIGNE?'' halos pumiyok siya ng isigaw niya ang mga salitang iyon.

Wala si Elleigne sa loob ng kwarto niya.

Napaiyak ako at napaluhod dahil sa pangalawang beses, pakiramdam ko, naiwan nanaman ako. Una ang kapatid ko ngayon si Elleigne.

Kitang-kita ko ang pagpipigil ni Suga sa mga luha niya ngunit di kalauna'y tuloy tuloy na din itong bumagsak.

''ANO BANG DRAMA 'YAN? MGA GAGUE!'' matawa-tawang saad ni Jin kaya napatingin kami sa kanya.

''Tangina kasi nitong si pandak, hindi ako pinatapos.'' dagdag pa nito sabay umiling-iling.

''YUNG ITSURA MO KASI KANINA NAKAKAKABA!'' sigaw ni Jungkook na pinupunasan ang mga luhang patuloy na bumabagsak sa mga mata niya.

''KASI HINDI NAMAN YUN ANG GUSTO KONG SABIHIN SA INYO. SASABIHIN KO SANA SA INYO NA NAWAWALA SI ELLEIGNE.''

''ANOOOO?'' sabay-sabay na tanong namin.

''Kanina kasi habang nasa labas tayo, bumili lang daw saglit yung mama ni Elleigne sa labas ng makakain tapos pagbalik niya wala na si Elleigne doon. Tinanong niya yung nurse kung nilipat ba ng kwarto si Elleigne pero hindi daw. Chineck yung CCTV at may nakita daw itong babae na dumudugo ang kanang kamay tanda na tinanggal niya yung dextrose na nasa kamay niya.''

''Ano? Nasaan na si Elleigne?'' tanong ni Jimin.

''Hindi ko alam. Hinahanap pa siya, lumabas daw ng hospital eh.'' saad ni Jin.

''H-hanapin na natin siya.'' may halong kabang saad ko.

Natatakot ako sa bagay na pwedeng mangyari kay Elleigne. I'm glad na gising na siya pero at the same time nakakabahala dahil lumabas siya ng hospital ng mag-isa. Kagigising niya lang at baka mabinat ang katawan niya.

Nagsimula na akong maglakad para humanap ng paraan kung paano makikita si Elleigne na siyang ginawa din ng mga kasama ko.

ELLEIGNE
Gusto kong lumayo sa lahat. Gusto kong maging malaya, malaya sa sakit na ito. Gusto ko maging normal din ako. Yung tipong kaya ko ding gawin yung ginagawa ng iba.

Ayokong maging pabigat sa lahat. Ayos lang sa akin kahit mag-isa ako, kahit huwag na nila akong intindihin.

Ewan ko kung saan na ako papatunta basta lakad lang ako ng lakad.

''Hay nako Elleigne umiiyak ka nanaman. Napakaiyakin mo talaga.'' saad ko sa sarili ko. 

Pinunasan ko na ang dugo na kanina'y umaagos sa kamay ko. Hatakin ko ba naman yung dextrose na nakakaabit sa kamay ko.

Will You Notice Me? (Completed) (PJ| FAN FIC)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon