Chapter 6: Butterfly

6.3K 194 16
                                    

*After 6 months* 

ELLEIGNE 

Puting kinsame ang bumungad sa aking paningin ng idilat ko ang mga mata ko.

Tahimik at malamig na paligid. Nakabibingi...

Nanghihina pa din ako...

Iginala ko ang paningin ko sa paligid at mabilis na naagaw ng atensyon ko ang pitong paru-parong nakapulupot sa kamay ko. Its a bracelet na bawat isa ay may ibat ibang kulay. 

Ngumiti ako ng maalala ko si Taehyung pati na ang buong BTS at ang mga taong malapit sa buhay ko. Di ko maiwasan ang paglandas ng luha sa mga mata ko. Buhay pa ako. 

I survived.

Napatingin ako sa pinto ng marinig ko ang pagbukas nito at ang boses ng isang babae.

Hindi ko siya mamukhaan sa malayo sapagkat malabo ang paningin ko. 

Hindi rin ako makapagsalita sapagkat wala akong lakas na gawin 'yon. Ni huminga nga nahihihirapan pa ako at hindi ko man lang matanggal itong oxygen na nakasuot sa ilong at bibig ko.

"Doc gising na siya!" sigaw nito. Umupo siya sa tabi ko at hinawakan ang kamay ko.

''Hi beshi, ang tagal mo na diyang nakahiga sa wakas nagising ka na." si Anne. 

Halatang paiyak na siya dahil sa boses niya. 

Gusto ko siyang kausapin pero hindi ko magawa bagkus naramdaman ko na lang ang pagtulo ng mainit na likido sa mga mata ko.

"Shh huwag ka ng umiyak Elleigne. Miss na miss ka na din nila. Lalo na ang Mama mo." 

Dahil sa nanghihina pa rin ako'y mas minabuti ko na lang ipikit ang mata ko.

JIMIN   

"6 months na siyang nandoon sa hospital at wala pa ring malay." malungkot na saad ni Jungkook.

 "Oo nga eh. Nakaka-miss." pagsang-ayon ni J-hope.

Aishh. Kasalanan ko 'to. Napakatanga ko! Hindi ko dapat ginawa 'yon. Dapat hindi ko siya hinusgahan.

"Pangalawang beses na nakita kong ganoong katakot si Taehyung." saad naman ni RM.

"Unang beses na nakita ko siyang umiyak ng ganoon." dagdag naman ni Suga.

Oo, kung gaano umiyak si Taehyung nung nawala yung kapatid niya, ganoon na ganoon din niya iniyakan si Elleigne. 

"Oy! Huwag niyo nga ako i-chismis!" saway ni Taehyung.

"Ikaw kaya itong mahilig mang-chismis ng buhay ng may buhay." pang-aasar ni Jin.

"Tse! Tapos may nalaman ako diyan! Sino sa inyo nagkalat na napakagwapo ko daw?" tanong ni Taehyung.

Gagong mokong 'to. Mamaya makakatikim ng flying tsinelas sa akin ito. Masyadong mahangin.

"Inamo Alien!" pambabasag ni Suga. 

"Boo." saad naman ni J-hope. Binato naman ni Rapmon si Taehyung ng unan.

Natigil kaming lahat sa mga ginagawa namin ng biglang may tumunog,  

''Oy kaninong phone yung tumutunog?" tanong ni Jungkook.

"Ay sa akin pala." pambawi niya at napakamot sa ulo. 

"Hello? Talaga? Gising na siya? S-sige sige salamat." saad ni Jungkook sa kabilang linya dahilan para mapunta ang atensyon namin sa kanya.

"Ano daw?" 

Will You Notice Me? (Completed) (PJ| FAN FIC)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon