Chapter 36: Payment?

3.4K 87 15
                                    

ELLEIGNE

Napakagat ako sa ilalim ng labi ko dahil sa sinabi niya. Diyos ko! Kahit kailan talaga ang lalaking iyon.

Mabilis akong pumunta ng banyo at naligo. Nagsuot lang ako ng baby blue na pajama at polo na pantulog bago tumalon sa higaan ko.

"Ano ba ang ibabayad ko sa kanya?" inis na inis na tanong ko sa sarili ko at pinagsasapak yung unan.

Magkanong halaga ba?

Ano ba ito nababaliw na ako! Kung harapin ko na lang siya at tanungin? Tutal dito, malapit na din naman ako sa kanya atsaka para at least wala na akong connection sa tusong lalaking iyon.

Agad akong tumayo sa higaan ko. I even don't bother to fix myself. Ayos lang kahit sikat na tao yung haharapin ko.

Lumabas ako ng room at dumiretso sa pinto ng kwarto niya. Kumatok ako ngunit walang nag-reresponse.

I tried to push the door at napaawang nanaman ang labi ko nang bumukas ito. Isa din pala siyang di marunong maglock ng pinto ng kwarto niya.

"Jimin?" tawag ko sa pangalan niya at napalunok.

Walang sumagot kaya nilibot ko na lang yung buong suit niya para hanapin siya.

"What are you doing here?" napatalon ako sa gulat ng marinig ko ang boses niya.

Humarap ako sa kanya at nanlaki ang mga mata ng makitang tapis lang ng tuwalya sa ibaba niya ang suot niya.

"A-aah s-sige l-labas na ako hehe." saad ko habang nakapikit na ang mga mata ko.

Hahakbang na sana ako ngunit agad niyang hinarangan ang daraanan ko. Tinaasan niya ako ng kilay at tinignan ng mariin.

"Answer me. Anong ginagawa mo dito?" may diin na tanong niya kaya napalunok ako.

"Itatanong ko lang sana kung paano ko mababayaran ang utang ko sa iyo? Magkanong halaga ba?" tanong ko sa kanya habang punong-puno ng kaba ang dibdib ko.

"Is that so? How come na gustong-gusto mo akong bayaran?" tanong niya at humakbang palapit sa akin dahilan para mapaurong ako.

"K-kasi.."

"Kasi ano?" tanong niya ulit.

"Gusto ko ng putulin ang koneksyon sa iyo." I answered honestly.

Nakita ko ang pagdilim at pagtalim ng titig niya sa akin. Napalunok ako ng makitang nag-igting ang panga niya sa galit.

"Why do you want to cut our connection?" tanong niya ng may halong galit.

"Tell me." muling tanong niya sabay hapit sa bewang ko at idiniin ako sa sarili niya.

Para akong babagsak dahil sa panghihina ng mga tuhod ko at mabilis na pagtibok ng puso ko. Hindi ako makasagot. Ni hindi ko siya matignan ng maayos.

"Kasi gusto na kitang kalim--" bago ko pa matapos ang sasabihin ko'y agad niyang siniil ng malalim na halik ang mga labi ko.

Pilit ko siyang itinutulak palayo sa akin ngunit nanghihina ako sa bawat paghaplos ng labi niya sa labi ko. I could feel my hot tears falling down. Nandito pa din yung sakit. 

Napasinghap ako ng buhatin niya ako at ipinulupot ang mga binti ko sa thighs niya. Ramdam na ramdam ko ang init ng mga palad niya dahil sa kalikutan nito. Para akong nawawala sa sarili dahil sa ginawa niyang paghalik sa akin.

"Kalimutan mo ako, kung kaya mo." he said between our kisses.

Para niya akong binabaliw sa pamamagitan ng paghalik niya.

Will You Notice Me? (Completed) (PJ| FAN FIC)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon