Chapter 39: Hold me tight

3.5K 87 20
                                    

ELLEIGNE

Ala-una na ng umaga at heto pa din ako nanonood ng K-drama. Hindi ko talaga mapigilan, nakakailang last na ako sa sarili ko.

"Promise! Last na last na episode na talaga ito." saad ko sa sarili ko.

Parang nasabi ko na iyon kanina. 

Naagaw ang atensyon ko ng makarinig ako ng tunog ng doorbell at ang nakakainis sunod-sunod pa yung tunog. Sino namang matinong nilalang ang magdodoorbell ng ganitong oras at ng ganyan kadami?

Baka pinagtitripan lang ako?

O baka naman kidnapper?

Or what?

Naglakad ako patungo sa pinto ng hotel room ko habang bitbit-bitbit ang remote. Pampukpok ko lang kung saka-sakaling masamang tao ang makikita ko kapag binuksan ko ito.

"Sino 'yan?" tanong ko.

Walang sumagot. Sa halip nakarinig na lang ako ng pag-iyak. Iyak ng lalaki kaya kinabahan ako.

Marahan kong binuksan ang pinto ng kwarto ko at napasinghap na lang ako sa gulat ng may biglang yumakap sa akin.

"Honey..." malambing na bulong niya sa tenga ko.

Nanlaki ang mga mata ko ng mapagtanto ko kung sino ang nakayakap sa akin.

"J-jimin? Bakit ka nandito?" takang tanong ko.

Bumitaw siya sa pagkakayakap sa akin at hinarap ako.

"Huhu! Akala ko di mo na ako pag-bubuksan ng pinto eh! Syempre para makita ang honey koo~" parang batang saad niya habang nagpo-pout ang labi niya.

I can smell the alcohol through his breath. Lasing ata ang isang ito pero maayos naman ang suot niya, nakapantulog.

"Jimin, bumalik ka na nga sa kwarto mo. Lasing ka lang eh." pagtaboy ko sa kanya.

"Ayoko nga! Dito lang ako sa honey ko! Walang makakapigil sa akin huhuhu. Atsaka hindi ako lasing! May lasing bang nakakapagbilang? Tignan mo magbibilang ako. Isa, dalawa, apat, walooo wohoooooo!"

Napaawang ang labi ko sa nasisilayan ko. Si Jimin ba itong nasa harapan ko? Tila may kung anong elemento ang sumapi sa katawan ng isang ito.

"DI MO ALAM DAHIL SA IYO AKO'Y DI MAKAKA--"

Agad kong tinakpan ang bunganga niya dahil sa lakas ng pagkanta niya. Dyusko! Ano bang nangyari sa isang ito?

"Shhh!" pagsaway ko sa kanya. mukhang hihirit nanaman kasi.

"Hehe sige tatahimik na ako. Ayaw pala ng maingay ng honey ko." parang batang saad niya sabay ngiti ng maloko sa akin.

Hinapit niya ako sa bewang ko at saka ipinatong ang ulo niya sa balikat ko.

"Inaantok na ako honey ko~" mahinang saad nito bago dahan-dahang bumagsak ang katawan niya sa akin.

"Hoy! Jimin! Gising!" pilit kong panggigising sa kanya ngunit hindi tumalab.

Tinapik-tapik ko pa ang pisngi niya ngunit mahinang paghilik lang ang narinig ko mula sa kanya.

"JIMIN! HUY! ANG BIGAT MO!" sigaw ko sa kanya habang inaalis ang pagkakakapit niya sa bewang ko.

"Ayaw ko sabi eh!" antok na antok na saad niya at ngumuso.

Aish! Pakiramdam ko malalagasan ako ng buhok dahil sa isang ito.

"PUMUNTA KA NA NGA SA KWARTO MO!" sigaw ko.

Dumilat siya at tumayo.

"Okay!" saad niya at naglakad patungo sa kama ko.

Will You Notice Me? (Completed) (PJ| FAN FIC)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon