JIN (SPECIAL CHAPTER)

4.4K 106 10
                                    

He Cares

"EH PAKIELAM KO KUNG MALAPIT NG MAG FEB 14? *Hik* WALA NAMAN KASHING POREBER EH HAHAHAHAHA." saad ko.

Wala akong pake kung anong itsura ko ngayon. Lintek kasi yung Ex ko. Pinaasa, niloko, sinaktan at pinagpalit ako.

"Lahat ng mga lalaki manloloko huhuhuhu." dagdag ko.

Oo, halos lahat ng lalaki walang ginawa kundi ang lokohin ako. Mga bad sila! Bad! Bahala na kung anong mangyari sa akin. Basta makalimutan ko lang yung hayop na 'yon.

Muli kong nilagok yung alak na malapit na ring maubos. Nakaka ilang bote na nga ba ako? Hindi ko na mabilang eh.

"WAAAAAAAAAAAAAAAH ANG GUSTO KO LANG NAMAN AY YUNG LALAKING HINDI AKO MAGAGAWANG SAKTAN NG GANITO O KAYA IPAGPALIT SA IBA."

"YUNG LALAKING MAMAHALIN AKO AT MAMAHALIN KO."

Ewan ko kung ano na ang pinagsasabi ko basta ang alam ko wala na ako sa sarili ko. Nahihilo na din ako dala ng alak, pagod na rin dahil kaiiyak.

Dahil sa kakaisip ko doon sa bakla kong ex. hindi ko namalayang nakatulog na pala ako at nalaglag sa sahig.

*Kinabukasan*

"Good morning world." saad ko at nag-inat inat. Ang sarap talagang matulog sa malambot na kama.

Kama?

Teka, kama?

What the heck? Bakit ako napunta sa kama ko? Paano?

Tinignan ko yung sarili ko, pero iba na yung damit ko. Nakapantulog ako na pajama at pangitaas. Kagabi lang alam ko ay natulog ako sa sahig.

Tae. Sinong magpapalit sa akin? Mag-isa lang naman ako dito sa bahay eh.

Shit baka may nakapasok dito na rapist? WAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAH I'M SO DEAD!

Wait, Audrey kumalma ka. Hingang malalim. Calm.

Tumayo na ako sa higaan ko at bumaba.

Teka anong amoy 'yon? Hmmm. Bakit ang bango at mukhang masarap? Parang sa kusina ko pa nanggaling yung amoy eh.

Pumunta ako sa kusina at halos mapatalon ako dahil sa gulat.

Lord. Huhuhu tulungan niyo po ako. May lalaking nakikiluto sa kusina ko.

Pero in fairness ang sexy nung likod niya ah. Tapos ang laki nung shoulders niya. Tapos yung booty amp.

Teka ano ba itong iniisip ko?

Napasinghap ako ng humarap siya sa akin.

Pakiramdam ko lumuwag yung garter nung ano ko. GOD! TELL ME, TAO PA BA ITONG NASA HARAPAN KO? AT, AT, NAKABALANDRA PA YUNG 8 PACK ABS NIYA.

Naka-ilang lunok na ba ako?

"Gising ka na pala baby ko hehehe." saad niya at napakamot pa sa ulo at namula pa ang pisngi. What the ang kyut niya!

PERO BABY? TINAWAG NIYA AKONG BABY. WALA NAMAN AKONG BOYFRIEND EH. HINDI KO RIN NAMAN SIYA TATAY!

"WAAAAAAAAAH SINO KA?" lakas loob na tanong ko.

"Ako yung lalaking hinihiling mo kagabi." saad niya at ngumiti sa akin na mala anghel. Tila namamangha ata ako sa ganda niyang lalaki. Panagip ata 'to.

"Kumain ka na, niluto ko ito para sa iyo." saad niya at pinaghandaan ako ng pagkain.

Kukunin ko na sana yung kutsara ngunit inunahan niya ako. Nung una naiinis ako pero laking gulat ko ng akmang susubuan niya ako.

Shet pakiramdam ko nagiging kamatis ako.

"Baby, ayos ka lang? Namumula ang pisngi mo eh." inosenteng tanong niya.

"ah, oo hehehe." saad ko.

Panaginip lang ito sasakyan ko na lang.

--

Nang matapos kaming kumain, agad akong bumlik sa higaan ko at pilit na ginigising yung sarili ko. Para kasing tulog pa ako eh.

Naramdamn ko na medyo lumubog yung gilid ng kama ko. Nagpanggap ako na tulog dahil nahihiya ako. Bakit kasi putak ako ng putak kapag nalalasing eh?

Nagulat ako at tila bumilis sa pagtibok ang puso ko ng maramdaman ko ang paglupot ng isang kamay sa bewang ko.

Naamoy ko din yung pabango niya at ang mabango niyang hininga.

"Baby, ayos ka lang ba?" tanong niya dahilan para maimulat ko ang mga mata ko.

Tila may nagdidiwang sa puso ko ng magtama ang aming paningin.

"S-sino ka ba? Anong ginagawa mo dito?" malumanay na tanong ko sa kanya.

"Ako si Jin. Nandito ako para mahalin ang babaeng kaharap ko."

"Pero paanong---"

"Shhhhh.. long story." saad niya at ipinagdikit ang mga ilong namin.

"Ang ganda mo,

puso ko'y natutuliro.

Ano bang ginawa mo

at sistema ko'y nagkakaganito?

Basta ang alam ko

mahal kita at hindi iyon magbabago."

saad niya dahilan para kagatin ko ang ilalim ng labi ko dahil sa kilig.

"Simula ngayon, hindi ka na masasaktan tulad ng ginawa ng iba sa 'yo. Hindi sa nangangako ako pero gagawin ko ang lahat para hindi ka na malungkot katulad ng nakita ko. Basta ang masisigurado ko ay mapa-iiyak lang kita kapag lumuhod ako sa harap mo at sabihing maaari mo ba akong tanggapin bilang asawa mo?" saad niya dahilan para mapangiti ako.

"Salamat, Jin."

"I love you too." malokong saad niya at hinalikan ako sa noo ko.

Napangiti na lang ulit ako at na-realize na napaka swerte ko.

END

Will You Notice Me? (Completed) (PJ| FAN FIC)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon