ELLEIGNE
Kasalukuyan akong naglalakad papunta sa University. Kalalabas ko lang ng bahay. Sana naman hindi na maulit yung nangyari kahapon. Inagahan ko ang pasok ngayon para kakaunti palang ang tao sa University.
Napasigaw ako ng malakas ng may pumalo sa likuran ko.
"Aray!" daing ko.
Tinignan ko kung sino ang salarin at nakita ko ang pinsan kong si Anne na nakangiting wagi.
"Namiss kita beshy!" saad niya at niyakap ako ng mahigpit. Sinamaan ko lang siya ng tingin at kinurot sa tagiliran.
"Impakta ka talaga!" singhal ko sa kanya.
Natigil kami sa paghaharutan ng may humintong van sa gilid namin.
Bumukas yung pinto nito at bumungad sa aming dalawa ni Anne ang mukha ng pitong umaapaw sa kagwapuhan na nilalang.
"Sabay na kayo sa amin Elleigne at Anne!" pag-aaya ni Jungkook sa amin.
"Ahh... Hindi na! Malapit lang naman eh. Saka maaaga pa. Excercise kaya 'to." saad ko at nag-unat unat pa ng katawan para ma-convince siya.
"Ikaw talaga pakipot ka! Sayang naman!" bulong sa akin ni Anne.
"Ah ganoon ba?" tanong ni Jungkook at ngumiti sa akin.
"Yup." saad ko at ngumiti din pabalik. Nagulat ako ng bumaba si Jungkook sa van kasunod ni Taehyung.
"Bes!" sigaw ni Taehyung na uma-acting na beki at agad na niyakap ako.
"Loko ka talaga Taehyungieee!" saad ko at tumawa.
Sunod na bumaba si Jin. Bigla akong nanliit ng pumunta siya sa harap ko at pinisil yung ilong ko. Ang tangkad niya.
"Good Morning Elleigne at Anne!" bati niya sa amin kaya ngumiti na lang kaming dalawa ni Anne.
"Hyung Suga! Gumising ka na." pangungulit ni Taehyung kay Suga na kasalukuyang natutulog.
"Ano ba! Gising kaya ako." saad ni Suga habang nakapikit.
"WAAAAAAAAAAH SUNOG! SUNOG!" sigaw naman ni J-hope. Dahilan para tumakbo palabas ang kaninang tulog na tulog na si Suga.
"Inamong J-horse ka!" inis na saad ni Suga at itininaas yung mid finger niya.
Bumaba na din si RM habang hila-hila sa damit si Jimin.
"ANO BA AYOKO NGA EH!" pagmamaktol nito.
"Sus. Tara na! Huwag ka ng magpabebe Jimin. Lakarin na lang natin malapit na eh. Goodmorning sa inyong dalawa mga binibini." bati ni RM at ipinakita sa amin ang malalim niyang dimples.
"Tch." saad ng masungit na si Jimin at sinamaan ako ng tingin kaya napalunok na lang ako.
--
Nakarating kami sa University ng maaga kaya wala pang masyadong tao dito."Salamat nga pala sa pagsabay niyo sa amin." saad ko sa kanila at nagbow.
"Always welcome. Thank you din Elleigne." saad ni Rapmon.
Nagsimula na kaming pumasok sa kanya-kanya naming room. Magkaiba kami ng room ni Anne eh.
Pagkapasok ko sa room ay wala pa ang mga kaklase ko kaya iniwan ko na lang ang bag ko sa loob at lumabas muna ako sandali para magpalipas ng oras.
Umakyat ako sa Rooftop dahil doon ang pinakatahimik na lugar na alam ko.
Umupo ako sa isang upuan doon na wala namang sandalan kaya isinandal ko na lang ang likod ko sa pader. Nagsimula na akong buklatin ang librong pinakapaborito ko sa lahat.
Ang 'Hunger games'. Mangha-mangha kasi ako sa katapangan ni Katniss Everdeen.
"Anong ginagawa mo dito?" saad ng boses ng isang lalaki dahilan para mapatalon ako sa gulat at bumagsak.
Agad kong hinarap ang taong nagmamay-ari ng boses na 'yon at napasinghap ako ng siya ang makita ko. Tumayo agad ako at yumuko sa kanya.
"J-jimin.." saad ko.
Nakakatakot ang mga titig niya at tila inis na inis ng makita ako.
Nagsimula siyang humakbang palapit sa akin dahilan para umurong ako palayo.
"Scared?" tanong niya habang may nakaukit na mapaglarong ngiti sa kanyang labi.
Humakbang muli siya palapit sa akin habang ang dalawang kamay niya ay nakatago sa kanyang bulsa.
Sa kuurong ko'y hindi ko napansin na wala na pala akong uurungan.
"Gotcha." saad niya at hinawakan ang baba ko.
Hindi ako makaimik at tila nagkakarera ang puso ko.
Isinandal niya ako sa pader at hinarang ang dalawa niyang kamay sa magkabilang gilid ko.
"Stop fooling us around." saad niya at hinawakan ng mahigpit ang kamay ko.
"A-anong sinasabi mo?" saad ko.
Mas lalo niyang idiniin ang pagkakahawak sa kamay ko.
"Pwede ba? Layuan mo na kami! Alam ko namang may kailangan ka lang sa amin." galit na galit na saad niya.
"Hindi! Hindi ako ganoong tao!" saad ko at kinagat ang ilalim ng labi ko upang pigilan ang pagtulo ng mga luha ko.
"Tch. Huwag mo kaming lokohin! Heto ba ang gusto mo?" galit na saad niya at hinalikan ako.
"Sige pagbibigayan kita!" dagdag pa niya.
Hinalikan niya muli ako ng sobrang lalim at naramdaman ko ang paglalakbay ng kamay niya sa katawan ko.
Pilit ko siyang itinutulak ngunit sadya siyang malakas.
Tuluyan nang tumulo ang mga luha ko ng maramdaman kong ipinapasok niya ang kamay niya sa loob ng damit ko.
Naramdaman ko ang pagtigil niya kaya sinamantala ko na ang pagkakataon para tumakbo palayo sa kanya.
Agad akong nagtago sa music room at doon na lang umiyak ng umiyak.
Ano bang ginawa ko sa iyo Jimin?
Itutuloy...
BINABASA MO ANG
Will You Notice Me? (Completed) (PJ| FAN FIC)
Fanfiction(BTS Fanfiction) (JiminXFan) Ang hirap maging Fan Girl. Minsan hanggang tingin ka na lang sa kanya. Minsan lang ba? Hindi mo siya kayang abutin dahil hindi lang ikaw ang babaeng naghahangad sa kanya. Marami kang karibal sa puso niya. Naiisip mo na m...