Chapter 26: Sleepy heads

4K 103 18
                                    

ELLEIGNE

''Ayos ka lang ba Jungkook?'' tanong ko sa tahimik na tahimik na si Jungkook.

''Yes, I'm alright sadyang napagod lang ako.'' sagot niya bago huminga ng malalim.

''Okay, sige kumain ka na lang muna Kookie. Tatawagin ko na lang yung mga Hyung mo para sila na magsundo sa iyo.'' saad ko at kinuha ang phone sa bulsa ko.

I dialed Jin's number. Kapag si Taehyung kasi ang tinawagan ko, dadaldalin lang ako nun at baka magtampo kapag ibinaba ko na ang tawag.

Kung si Suga naman, nako napakatamad  nun sumagot sa mga tawag. Laging naka-silent yung phone.

Si Rapmon, alam ko busy siya sa pag-aayos ng schedules.

Si J-hope gaya ni Taehyung, hindi na matatapos ang convo namin kapag siya ang tinawagan ko.

Si Jimin naman, kakaalis lang nun. So si Jin talaga ang magandang tawagan ngayon.

''Hello, Elleigne? What's the problem?'' tanong niya.

Halatang kumakain siya dahil rinig na rinig ko ang pag-nguya niya.

''Uhmm, Jin. Nandito kasi si Jungkook sa bahay namin. Napagpyestahan kasi siya ng fans ng nahuli siya mula sa pagdidisguise. Pwedeng pakisundo siya?'' sagot ko.

''H-ha? O sige papunta na kami diyan. Thank you Elle. Medyo matatagalan kasi wala pa kami sa village.''

''No problem.'' sagot ko sabay pinatay yung tawag.

Pinagmasdan ko si Jungkook na kasalukuyang kumakain.

Maybe medyo matured na siyang kumilos at mas matured pa kung ituturing sa mga hyungs niya pero we can't change the fact na siya pa rin ang baby ng BTS.

Saglit siyang tumingin sa akin na may halong pagtatanong.

''Sige kain ka lang, papunta na yung mga hyungs mo.''

Tumango na lang siya at saka kumain ulit.

---
Pagkatapos kong maghugas ng plato ay nakita kong nakatulog na pala si Jungkook sa may sofa.

Lumapit ako sa kanya at inayos yung pagkakahiga niya. Hindi ko siya pwedeng buhatin papunta ng guest room ano. Bigat-bigat niya kahit fit yung katawan niya.

Pero in fairness ang ganda ng muscle niya, batak na batak haha.

Nakarinig ako ng pag ding-dong kaya agad akong lumabas upang buksan yung gate.

Pagkabukas na pagkabukas ko ay mukha agad ng gwapong si Taehyung ang bumungad sa akin.

''BEBE ELLEIGNE!'' sigaw niya sabay yakap sa akin ng mahigpit.

''IKAW NAMAN TEY NAKAKAGULAT KA.'' sigaw ko dahil sa pagkabigla.

Pinapasok ko silang anim sa loob ng bahay. Oo anim sila, kasama nila si Jimin na pinukulan ako ng masamang titig ng makita niya akong niyakap ni Taehyung.

''Bakit kasi hinayaan niyo si Jungkook bumili mag-isa? Takot na takot siya ng makita namin siya ni Anne kanina.'' tanong ko sa kanila.

Pagsisisi ang gumuhit sa kanilang mga mukha.

''Sorry na baby Kookieeee.'' saad ni Taehyung sabay yakap kay Jungkook.

Hindi naman siya nagmukhang bading, parang nakakatandang kuya lang. Ang sweet naman nitong si Taehyung.

''VKook~'' saad ko pero syempre sa isip ko lang nyahaha.

Nagising si Jungkook at kinusot-kusot ang mga mata niya. Ang ingay kasi ni J-hope at ni Taehyung. Tuwang tuwa sila sa pagkain.

Will You Notice Me? (Completed) (PJ| FAN FIC)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon