ELLEIGNE
Ilang oras pa ba ang natitira bago ako makalabas dito?
Gusto ko ng umuwi at magpahinga.
"Zzz..." paghihilik ni Jimin.
Oo, matapos niya lang naman akong lunurin sa halik niyang nakakalunod, ayon nakatulog ang lolo niyo.
Nakapatong yung ulo niya sa may lap ko habang yung isang kamay niya ay nakapulupot sa bewang ko.
Binukan ko yung phone ko na may dim light upang pagmasdan yung itsura niya kapag natutulog.
Napatawa ako ng mahina ng makita kong nakanganga siya pero umaapaw pa rin ang kagwapuhan niya.
Ang cute niyang matulog. Para siyang maamong tupa kapag tulog ngunit napaka aggressive kapag gising.
Ibang-iba siya sa pag-uugali ng ibang members.
Actually halos lahat naman sila.
Si Taehyung ay nuknukan ng kulit, medyo isip bata, malambing pero minsan napakamisteryoso. Minsan kasi nakakakaba kapag nagseseryoso siya.
Si Suga naman kahit saang lugar ko makita ay laging inaantok o natutulog. Minsan wala pang suot na pangitaas, pinaka savage, tahimik pero malambing din siya nahihiya lang siyang ipakita yung sweet side niya.
Si Jungkook ang pinakabata sa kanilang pito. Pero siya yung tipo ng lalaking kayang gawin yung lahat. Complete package kumbaga. Caring siya, mapagkumbaba at mabait pero minsan bully din siya haha.
Si RM naman ang pinaka matured sa kanila, matalino, disiplinado at higit sa lahat ang lakas ng appeal.
Si Jin naman ay parang nanay ng bangtan. Mahilig siyang kumain habang nanonood ng K-drama, maalaga siya pero pinakamaharot sa Bangtan.
While si J-hope naman ay masayahin, palangiti, palaging positive minded may sense of humor at pinaka sweet sa kanila pero ang lubos na nakaka-amaze sa kanya ay mapagbigay siya.
Agad akong natigil sa pag-iisip ng biglang may nagsalita.
"Prisons pwede na kayong lumabas." saad ng isang taga-Jail booth.
Agad kong ginising si Jimin ngunit walang epekto sa kanya ang ginawa ko.
"Hoy Jimin gising na." muling paggising ko sa kanya habang pinipisil yung cheeks niya.
Hindi pa rin siya natinag.
Inis niyang hinawakan yung kamay ko sabay dinikit sa abs niya.
HARUMAAAAAAAN
JUSKOO!
ANG LALAKING ITOOOO.
Pakiramdam ko nag-init ang pisngi ko dahil sa ginawa niya.
Umubo ako saglit at nagsimula na namang magsalita.
"Ayos lang ba kung iwan kita dito? Dito ka na lang muna matulog. Kailangan ko ng umuwi, gusto ko ng magpahinga eh." mahinang saad ko sa kanya.
Naramdaman ko ang dahan-dahan niyang pagtayo.
"Tara na ihahatid na kita." antok na antok niyang saad.
Lumabas na kami ng jail booth at napasinghap ako ng hawakan ni Jimin ang kamay ko.
Magrereklamo pa sana ako ngunit agad akong napipi ng nakawan niya ako ng mabalis na halik sa labi.
"No more buts. Naka-disguise naman ako." saad niya.
Nagulat ako ng pasakayin niya ako sa isang magara at mamahaling kotse.
BINABASA MO ANG
Will You Notice Me? (Completed) (PJ| FAN FIC)
Fanfiction(BTS Fanfiction) (JiminXFan) Ang hirap maging Fan Girl. Minsan hanggang tingin ka na lang sa kanya. Minsan lang ba? Hindi mo siya kayang abutin dahil hindi lang ikaw ang babaeng naghahangad sa kanya. Marami kang karibal sa puso niya. Naiisip mo na m...