Chapter 2: Silly

7.6K 210 30
                                    

ELLEIGNE 

"Ma! Alis na ako! Malelate na ako eh!" saad ko habang kumukuha ng isang tinapay bago lumabas ng bahay.

Tinakbo ko ang daan papunta sa University. No need na para sumakay. Walk in distance lang naman eh.

Kainis bakit kasi hindi ako sinundo ni Anne? Impaktang babaeng 'yon! Iniwan ako! Hmp! kailangan niya akong ilibre ng lunch mamaya. 

Kainis din yung alarm clock ko. Nag-alarm nga pero hindi naman ako nagising. Fishtea ka Elleigne! Tulog mantika ka talaga kahit kailan.

Ilang minuto lang nakarating na ako sa gate ng Bangtan Elite University ng hingal na hingal at pawis na pawis. 

Tatakbuhin ko na sana ang daan papunta sa room ko ngunit bumungad sa akin ang napakaraming kababaihan na nagkakagulo sa daan. Jusko malelate na ako! Paano ako makakadaan nito?

"Isip Elleigne! Mag-isip ka!''

Tinignan ko ang paligid at nakita ko ang isang puno na malapit sa hindi kataasang pader. 

Aha!

Jusko, Lord gabayan niyo nawa ako. 

Nagsimula na ako sa pag-akyat sa puno at dali-daling itinungtong ang paa ko sa taas ng pader. Nang makatungtong na ako'y nagsimula na akong maglakad ng mabilis sa taas nito ng may halong pag-iingat. 

Jusko may takot pa naman ako sa matataas.

Nang makahanap ako ng tyempo ay naghanap na ako ng paraan kung paano ako makakababa.

Talunin ko na lang kaya ang punong 'yon?

Imposible kasing tumalon ako simula dito papunta sa baba ng wala man lang nakukuhang pilay sa katawan.

Aish bahala na nga.

TAEHYUNG 

"Ano ba 'yan? Kanina pa tayo stranded dito dahil sa maiingay na mga babaeng 'yan." saad ng inis na inis na si Jimin.

Sabagay may point siya pero ayos lang naman tinatamad kasi akong pumasok ngayon hehe. Kasalukuyan kaming nandito sa loob ng van at may kanya kanyang ginagawa. 

Si Jimin ay naghahanap ng jam este kumakain.

 Si Taehyu-- ay teka! Ako 'yon ah! Hehehe. Anong ginagawa ko? Heto nagsisimulang mangchismis ng buhay ng may buhay.

Si Jin naman ay naglalaro ng Super Mario with his pink phone. Huwag kayong maingay, siya yung princess doon! 

Si J-hope naman nakikinig sa kanta habang yakap-yakap yung kabayong may palakol sa ulo. Ano bang tawag doon? Unihorse? Unicorn? Dapat Unihorn! Unicorn eh wala namang mais sa ulo 'yon. Bopols.

Si Rapmon naman ay nanood ng Porn. Mabuti na lang mabait ako kaya hindi ako nanonood nun. Tularan niyo ako! 

"Hyung Rapmon! Tignan mo ang laki nung sinusu--" agad naputol ang sasabihin ko ng tinakpan niya yung bibig ko.

Okay naiintindihan ko. Gusto niya ng privacy. 

Pero grabe talaga yung mukha nung dalawa doon sa video may pakagat kagat pa sa labi at may pahiyaw hiyaw pa yung babae. Tumaas tuloy si Junjun.

Lets go back to Suga naman. Kasalukuyan siyang natutulog sa kawalan. Ayos na rin 'yon kesa naman kumanta siya at mambasag ng trip ng may trip. 

Panghuli si Jungkook. 'yon kasalukuyan siyang nakatingin sa bintana ng van at parang may pinagmamasdan. Kulang na nga lang ay magpatugtog ako ng 'I need U' bilang theme song niya ngayon. 

"Taehyung! Tignan mo! Si Elleigne 'yon diba?" tanong ni Jungkook. 

"Huh? Saan?" tanong ko dahil hindi mahagilap mg mata ko kung nasaan si Elleigne. Para kasi kaming nasa dagat ng mga babae.

Tinuro ni Jungkook yung babaeng naglalakad sa taas nung pader at tila naghahanap ng paraan kung paano siya makakababa. 

 "Oo siya nga!" gulat na saad ko. 

Naku! Baka mapahamak siya doon. 

"WAAAAAAAAAAAAAAAAAH!" sigaw naming dalawa ni Jungkook ng may dumikit na mukha ng isa sa Army sa bintana ng van namin. 

"WTF! NAKAKAGULAT 'YON!" sigaw ko habang naghahabol ng hangin. 

Nagulat ako ng agad bumaba si Jungkook sa van. Ano kayang gagawin nito?

"WAAAAAAAAAAAAAAH!" sigawan ng mga Armys kaya napatakip agad ako ng tenga. Ang lakas ng tili nila. 

"Girls! Pwede ba akong humingi ng favor sa inyo?" mahinhin na tanong ni Jungkook. 

"Yes naman."

"Ano 'yon kookie?"

"Yes! Oppa! Pwedeng pwede!" 

"Girls, pwedeng magbigay daan muna kayo. May pupuntahan kasi kami ngayon. Male-late na kami kasi kanina pa kami stranded dito. Maaari ba girls? Please?" magalang na saad niya.

"Oo naman!" 

"Sorry Oppa!

"Thank you girls." sumakay na ulit siya sa van at nagsimula na ring umandar ito.

Hindi na rin kami sinundan ng mga babae. Nang makalayo na yung van namin ay agad na namang bumaba si Jungkook kaya sumunod din ako.

"T-teka saan kayo pup--" si Jin 'yon pero hindi na rin niya natuloy yung sasabihin niya dahil sumunod din siya sa amin.

 Agad kaming pumunta kay Elleigne na tinalon yung puno ngunit...

Fuck! Hindi niya ba nakikitang malayo pa yung puno sa kanya? 

"WAAAAAAAAAAAAAH!" tili niya ng hindi niya maabot yung sanga ng puno at tuluyan ng nahulog.

Agad kaming umalerto ni Jin at Jungkook upang saluhin siya ngunit nagulat kami ng may naunang sumalo sa kanya.

"SUGA! GISING KA NA!" sabay sabay naming sigaw na tatlo. 

"Mga loko-loko! 'yan pa talaga ang pinansin niyo!" inis na saad nito. 

Agad kaming lumapit kay Elleigne na nakapikit pa rin at takot na takot. Maya-maya lang ay dahan-dahan niyang iminulat ang kanyang mga mata. 

"B-bakit wala akong makita?" saad niya kasabay nito ang pagtulo  ng luha sa kanyang mga mata. 

Sa buong buhay ko... 

First time ko ulit sasabihin ito. 

Ang sakit pala sa puso na makakita ng babaeng umiiyak...

Itutuloy...

---

A/n: Wahihihi pagpasensiyahan na yung POV ni Taehyung may pakaloko-loko talaga. 

Will You Notice Me? (Completed) (PJ| FAN FIC)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon