Chapter 10: Run

6.1K 170 17
                                    

ELLEIGNE

"Woooooh sa wakas nakatakas din ako sa pitong 'yon." saad ko ng makapunta na ako sa library.

Ang dami kong hahabulin na lessons. Bale 4 months ba naman akong hindi pumasok.

Excuse naman ako kasi nasa hospital ako. Sadly, it's either uulit ako next year or hahabulin ko yung lessons.

Nagsimula na akong umupo doon sa may bakanteng upuan sa library at nilabas ang mga gamit ko. I guess kailangan ko talagang mag self-study.

JIMIN

Aishhh. Nakakaantok naman dito sa loob ng room. Mabuti pa'y matulog na lang ako.

Kasusubsob ko pa lang ng mukha ko sa upuan ay bigla ko na agad narinig yung boses ni prof.

"Mr.Park! Bakit ka natutulog sa klase ko?!" pagalit na tono na tanong nito.

Nagkibit-balikat na lang ako at sinagot yung tanong niya.

"Ang boring mo kasing magturo, inaantok tuloy ako." walang ganang sagot ko.

"AT SINASAGOT-SAGOT MO NA AKO!?" Beast mode na saad nito.

"You are asking me." I answered lazily.

"JUSKOO! ANO BANG GAGAWIN KO SA IYO JIMIN? LUMABAS KA NG KLASENG ITO! PUMUNTA KA SA LIBRARY AT TURUAN SI ELLEIGNE TUNGKOL SA MGA PAST LESSONS NIYO." galit na galit na saad nito dahilan para mapataas ang kilay ko.

"Why me?" tanong ko.

"Jimin! Ayaw mo ba? Ako na lang." tuwang-tuwang tanong ni Taehyung.

Tch. Asa siya!

"No, ako na lang missss!" saad naman ni Jungkook.

Tch. Asa ka pa.

''Ako na lang dapat miss, kanina pa ako natutulog sa klase niyo." saad naman ni Suga.

"Damn! Wala naman akong sinabi na ayaw ko ah." saad ko at agad na tumayo.

"Bro sama mo naman ako." saad ni Taehyung with matching paawa face.

"No." saad ko at nagsimula ng lumabas ng room.

---
Pumunta na ako sa library at agad na hinanap ng mga mata ko si Elleigne.

Nakita ko siya doon sa may gilid at tila hirap na hirap intindihin yung inaaral niya.

Sa sobrang focus niya hindi niya napansin na nakaupo na ako sa may harapan niya.

Pinagmasdan ko lang siya at hinintay na mapansin niya ako. Hindi ko sinasadyang mapatingin sa labi niya. Inaakit ako nito. Tila gusto ko nanamang matikman ang mga ito.

Nang hindi niya pa rin ako napansin tumikhim ako at sa wakas nakuha ko ang atensyon niya.

"Jimin! A-nong ginagawa mo d-dito?" gulat at pautal-utal na tanong niya.

"Tuturuan kita." sagot ko.

"H-huh?"

"Tch. Just zip your mouth at huwag ka ng magtanong." pagsusungit ko sa kanya.

---
Pagkalipas ng dalawang oras nagpasya akong itigil muna yung pagtuturo ko sa kanya. Mukha kasing pagod na siya.

"A-ah Jimin! S-salamat pala ah." saad niya.

Imbes na sagutin siya ay pinagmasdan ko ang mukha niya.

"B-bakit?" takhang tanong niya.

"Nagugutom ka na ba?" dagdag niya.

Will You Notice Me? (Completed) (PJ| FAN FIC)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon