Chapter 43: Boys meets the evil

3.2K 77 33
                                    

ELLEIGNE

Nakakainis itong Natasha na ito. Panay ang dikit kay Jimin.

"Psst, bakit ang tahimik mo?" tanong ni Jimin.

"Hah, inaantok lang." sagot ko at kunwari humikab-hikab.

"Gusto mo na bang matulog?" malambing na tanong niya.

"Oo sana kaso nakakahiya naman kung iiwan mo yung boys dito. Kahit siguro mauna na lang ako umakyat, dito ka na lang muna." mahinang saad ko.

"No. Sasamahan kita." pagtanggi niya kaya di na ako naka-imik.

Tumayo na siya at agad na hinawakan ang kamay ko para makasunod sa kanya.

"O saan punta?" tanong ni Jungkook na nakasalubong namin.

"Akyat na kami, inaantok na itong si Elle eh. Bababa na lang ako mamaya." sagot ni Jimin.

"O sige kitakits." saad ni Jungkook bago tuluyang maglakad.

Naglakad na din kaming dalawa ni Jimin papunta sa kwarto namin. Mabilis namin iyong natungo dahil malapit lang.

Pagkapasok na pagkapasok ko pa lang sa kwarto ay agad na akong tumalon pahiga sa kama. Buti na nga lang nakapagpalit na agad ako ng damit after naming mag-swimming kanina.

Suot ko yung T-shirt ni Jimin na may nakasulat na 'Jimin's Property so back off' sa likuran.

Naramdaman ko ang paglundo sa gilid ng kama kasabay ng mainit na pagbalot ng bisig sa aking bewang.

"Hoy! Doon ka sa kabila." bulyaw ko sa kanya.

Imbes na sagutin ako ay naramdaman ko na lang ang mainit niyang labi sa batok ko.

"Now tell me what's the problem?" panimula niya.

"Problem?" pagtataka ko.

"Kanina ka pa nakabusangot." direktang sagot niya.

"Ah inaantok nga lang ako." pagsisinungaling ko.

"Hmm, Is that so? Or is it about Natasha?" may halong panunudyong tanong niya.

"Iniisip mo bang nagseselos ako?" mahinang tanong ko.

"Kung sabihin kong iniisip ko nga?"

"Edi tama ka." sagot ko at napanguso na lang.

"Sus, kahit malaki dyoga nun di ko babalikan 'yon. Sapat na sa akin medium size." pang-aasar niya kaya agad ko siyang kinurot sa tagiliran niya.

Rinig na rinig ko ang maloloko niyang tawa.

"Bumaba ka na nga doon." saad ko.

"Bababa ako kapag kasama ka." saad niya.

Humarap ako sa kanya at niyakap siya.

Damn. Ang sarap magka-boyfriend na isang Park Jimin. Ang sarap mahalin, maloko at minsan may toyo lang talaga.

"Iyan hah! Minamanyak mo nanaman ako." pang-aasar niya nanaman.

"Gustong-gusto mo naman." pagsasawalang bahala ko.

Ngumiti lang siya sa akin at kinurot ang pisngi ko.

"May tanong ako." saad niya.

"Ano 'yon?" tanong ko.

"Kung papipiliin ka ng gusto mong pakasalan sino ang pipiliin mo? Ako, si Jay Park, Park Chanyeol o Park Hyungsik? Pili na." seryosong tanong niya.

Napalunok ako dahil sa tanong niya. Kasi jusko mahal na mahal ko si Jay Park at Chanyeol.

"Pwede bang tatlo?" tanong ko ngunit sinamaan niya lang ako ng tingin.

Will You Notice Me? (Completed) (PJ| FAN FIC)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon