ELLEIGNE
Napasinghap ako ng idilat ko ang mga mata ko dahil sa taong bumungad sa aking paningin.
Bakit nasa harap ko si Jimin?
Bakit magkatabi kami sa iisang higaan?
Bakit siya nandito sa kwarto ko?
Anong nangyayari?
Itutulak ko na sana siya ngunit agad ko 'yong binawi ng makita kong mahimbing ang pagkakatulog niya.
Ang sarap niyang pagmasdan. Parang hindi siya magsusungit o magmamaldito.
Uupo na sana ako upang bumaba sa kama ko ngunit bigla niya akong idiniin sa dibdib niya kasabay ng mahinang pag-ungol niya.
''Huwag mo akong iwan...'' mahinang bulong niya na siyang nagpayanig sa buong sistema ko.
Dahil sa sinabi niya ay nanatili na lang ako sa pwesto naming dalawa.
Maya-maya lang ay narinig ko ang paghilik niya.
Napatawa ako ng mahina. Mukhang pagod na pagod siya.
''Jimin...'' mahinang tawag ko sa pangalan niya.
''Hmm?'' ungol niya habang nanatili pa ring nakapikit ang mga mata niya.
''Nagugutom ka na ba?'' tanong ko sa kanya.
''Hmm, pero gusto pa kitang kayakap.'' sagot niya at hinigpitan ang pagkakayakap sa akin.
''Asus, tara na at saka bakit ka pala nandito sa kama ko? Paano ka naka—'' naputol ang sasabihin ko ng bigla niya akong pasadahan ng halik sa aking labi.
''That's a better way to shut you up sweet heart. Stop asking, I know you like it.'' pambibiro niya kaya pasimple ko siyang kinurot sa tagiliran.
''Aww, ikaw ah! Marahas ka pala ah.'' pang-aasar niya sabay tawa ng mahina.
Tila namula ata ako dahil sa sinabi niya kaya agad akong tumagilid para itago ang pamumula ng mukha ko.
''Oh are you hiding your blushing face honey? Show it to me. I like watching your face especially your burning cheeks.'' bulong niya sabay pulupot muli ng braso niya sa bewang ko.
Napakagat ako sa labi ko dahil sa sinabi niya. Si Jimin ata ang magiging dahilan ng kamatayan ko. Juskooo.
''Tara na kain na tayo.'' pag-iiba ko.
''Okay sabi ng mo. But honestly, I would like to eat you.'' saad niya kaya agad na akong tumayo at bumaba sa higaan.
Jusko ang puso ko bakit lumulundag?
Narinig ko ang malakas na pagtawa niya na may halong pang-aasar.
''WAAAAAAAAAAAAAAAH.'' sigaw ko ng hindi ko kayanin ang mga pinagsasabi niya.
Isinarado ko agad yung pinto pagkalabas ko ngunit sadyang nilakasan niya talaga yung pagtawa niya para mas asarin ako.
JIMIN
Lumabas si Elleigne ng kwarto habang di pa din napapawi ang ngiti sa labi ko.
Mahina talaga siya sa mga ganoong salita haha.
I love watching her reaction. Especially her blushing face.
Sumunod na ako sa kanya at bumaba.
''Jimin!'' tawag sa akin ng mama ni Elleigne.
''Halika na! Dito sabay na kayong kumain ng anak ko. Kumain na ako kayong dalawa na lang ang hindi.''
''Sige po.'' saad ko at ngumiti.
BINABASA MO ANG
Will You Notice Me? (Completed) (PJ| FAN FIC)
Fanfiction(BTS Fanfiction) (JiminXFan) Ang hirap maging Fan Girl. Minsan hanggang tingin ka na lang sa kanya. Minsan lang ba? Hindi mo siya kayang abutin dahil hindi lang ikaw ang babaeng naghahangad sa kanya. Marami kang karibal sa puso niya. Naiisip mo na m...