Chapter 19: Hero

5.1K 135 29
                                    

ELLEIGNE

WAAAAAAAAAH AISH BUSET NA ALARM CLOCK NA 'YON HINDI NAG-ALARM.

Aligaga tuloy ako ngayon sa pag-aayos ng sarIli ko. 

Madali akong nagbihis at kumain at agad ng tumakbo palabas ng bahay papunta sa school.

Sa sobrang pagmamadali ko ay may nabangga akong lalaki at tumilapon kaming dalawa. Uh-oh.

"Awww" mahinang daing ko ng maramdaman ko yung kirot sa paanan ko.

Aishh kahit kailan talaga Elleigne napaka-clumsy mo.

"Miss tanga-tanga ka ba? Hindi ka man lang tumitingin sa daan." saad nung lalaking nabangga ko.

WAAAAAAAAAAAH MUKHA SIYANG MEMBER NG GANG. HUHUHUHU NAKAKATAKOT YUNG FACEU NIYA.

Napasinghap ako ng madiin nitong hinawakan ang braso ko at hinila pataas.

"Aray." daing ko dahil sa malakas niyang pagkakahatak.

"Hmm... Mukhang maganda ka naman miss, mapagkikitaan kita."

"H-huh, k-kuya huwag po! Hindi ko po sinasadya, patawarin niyo po ako." takot na takot na pagmamakaawa ko.

Nanginig ang mga tuhod ko ng maramdaman kong idinikit niya yung maliit na kutsilyo sa tagiliran ko.

"Huwag ka ng pumalag miss. Bayad mo na din sa pagkakabangga mo sa akin." pagbabanta nito.

Dahil sa takot ko ay kusang tumulo ang mga luha ko.

"Oh bakit umiiyak ka princess? Huwag kang excited. Mamaya maglalaro tayo." saad nito sabay pinunasan ang luha sa pisngi ko.

Kakaladkarin na sana ako nung lalaki ngunit laking gulat ko ng may biglang sumapak dito kaya bumagsak yung lalaking nanghihila sa akin.

"DAMN YOU! HOW DARE YOU TO TOUCH YOUR FUCKING DIRTY HANDS ON MY GIRL." galit na galit na saad ni Jimin.

"SINO KA BA AH!?" galit na tanong nung lalaki kay Jimin na agad namang tumayo at akmang susuntukin si Jimin.

"THAT'S NONE OF YOUR BUSINESS ASSHOLE. I SWEAR YOU WILL PAY BACK FOR TOUCHING MY TERRITORY." saad ni Jimin at agad na iniwasan yung pagsugod ng lalaki.

Napasinghap ako ulit ng ilabas nung lalaki yung kutsilyo niya.

"TAMA NA!" sigaw ko pero hindi pa rin nagpapatigil yung lalaki.

Agad akong tumawag ng pulis, kahit nanginginig ang mga kamay ko. 

"JIMIN TARA NA UMALIS NA TAYO DITO." takot na takot kong saad dahil hindi na biro ito.

Paano kung masaksak siya? Bakit kasi ang hina hina ko? Kasalanan ko ito eh.

"NO ELLEIGNE DIYAN KA LANG." saad niya.

Tuloy pa rin siya sa pakikipag-away doon sa lalaki. Tila wala man lang nakukuhang galos si Jimin habang yung lalaki ay bugbog na.

"JIMIN" sigaw ko ng may halong pag-aalala ng makita kong nadaplisan siya ng kutsilyo sa likod niya.

Hindi ko na napigilan ang sarili ko sa pag-iyak. Hindi ko na rin makita ng mayos ang paligid ko dahil sa mga luhang nagbabadya sa mga mata ko.

Sa aking pag-iyak naramdaman ko na lang ang pagyakap sa akin. Sa amoy palang alam ko ng si Jimin ito.

"J-jimin." rawag ko sa pangalan niya habang patuloy pa rin sa pag-iyak.

Niyakap ko siya ng sobrang higpit.

Will You Notice Me? (Completed) (PJ| FAN FIC)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon