Chapter 21: Punish

4.6K 123 25
                                    

ELLEIGNE

''ELLEIGNE! SINO BA KASI YANG TINATAGUAN MO?'' sigaw ni Anne na agad ko namang tinakpan ang bunganga.

"Shhh! Huwag ka ngang maingay Anne baka mahuli nila ako." tarantang-tarantang saway ko sa kanya.

''Ikaw talagang babaita ka! O siya maglibot na lang tayo foundation day ngayon kaya dapat tayong mag-enjoy.'' nakabusangot na saad ni Anne kaya pumayag na lang ako.

''WAAAAAAH GUYS KAKANTA AT SASAYAW NA ANG BTS!''

''OMOOOOOOOOO! TARA NA!''

''OMYGASH! MGA ASAWA KO!''

''OPPPPAAAAAAAA!''

Iilan lang 'yan sa mga sigawan ng mga ka schoolmate ko na narinig namin ni Anne.

"HOY ELLEIGNE TARA NA!" saad ni Anne.

"H-HUH?" takang tanong ko.

"BTS 'YON BES! LIVE 'YON!" aangal pa sana ako ngunit agad niya akong kinaladkad.

Punong-puno ng tao ang paligid ng makarating kami sa main stage. Siksikan at napaka-ingay ngunit sa tulong ng magaling kong kaibigan napunta kami sa harapan.

Ang galing sumingit.

Sinuot ko yung hoody ko at scarf para hindi nila ako mapansin.

Napasinghap ako ng may lumabas na usok sa harapan ng stage at unti unting bumubukas yung pinto ng stage napuno ng sigawan ang buong paligid ng lumabas dito ang Bangtan.

*Playing born singer of BTS*

''I'm a born singer~'' paninimula ni Jimin.

Woah! Ang cool si Jimin ang nanguna. I though si Jungkook yung magsisimula.

Halos lahat kami ay napatunganga sa ganda ng boses nila.

They sang it calmly that makes me feel relaxed. Gosh their voices are like voices of an Angel.

---
Natapos ang kanta at nakita ko ang seryosong tingin ni Jimin sa akin. Hindi ako sigurado kung sa akin nga kaya sinubukan kong tumingin sa likuran ko.

Saglit akong tumingin at agad na ibinalik ang titig sa kanya.

Nakita ko ang maliit na pag-ngisi ng kanyang labi ng magtama ang aming mga mata.

''Gotcha.'' saad niya at akmang binaril ako gamit ang kanyang kamay.

''Anne tara na! Patay ako nito!'' saad ko at hinila si Anne ngunit sadyang ayaw niya talagang umalis.

''Mamaya na Elleigne, baka may next performances pa sila.'' saad niya at nakitili sa ibang fan.

''Mamaya pa 'yon.'' S
saad ko na mukhang hindi naman niya narinig.

Dahil sa pagmamadali ko ay iniwan ko na lang si Anne doon. I-tetext ko na lang siya. Sa ngayon kailangan kong magtago.

Kung magpakulong kaya ako sa Jail Booth?

Aishh bahala na basta magtatago ako.

''Elleigne.'' tawag ng isang boses ng lalaki.

Agad akong napaharap sa kanya at agad ding tumakbo ng makita kong si Jimin 'yon.

WAAAAAAAAAAAAAAAAAAAH YUNG NGITI NIYA! HUHUHUHUH.

JIMIN

Tch. Itong babaeng 'to walang future sa pagtago.

Mabilis akong naglakad habang sinusundan siya. Ang liit kasi ng mga biyas niya kaya ang bagal tumakbo haha.

Napangiti na lang ako sa kawalan. I just find it cute. Seeing her running away from me while her cheeks are blushing.

Will You Notice Me? (Completed) (PJ| FAN FIC)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon