Chapter 3: Blind

7.1K 196 41
                                    

JUNGKOOK

 "Hindi pa naman pernamente ang pagkabulag ng mga mata niya. Pag-gising niya mamaya makakakita na siya ngunit habang maaga pa kailangan ng makahanap ng matang ipampapalit sa mga mata niya." pagpapaliwanag ni Doctor Ramirez sa kalagayan ni Elleigne.

Nandito kami sa school clinic. Kasalukuyang nakahiga si Elleigne sa hospital bed at may oxygen na nakasuot sa may badang bibig at ilong niya. 

Nahirapan siyang huminga kanina dala ng stress at gulat niya dahil hindi siya makakita.

"Huwag na muna tayong umalis dito ayoko munang pumasok." saad ng tamad na tamad na si Taehyung. 

"Oo nga." pagsang-ayon naman ni Rapmon.

Potek na Suga ito. Natutulog nanaman at nakahiga pa sa tabi ni Elleigne. 

Akala mo kwarto niya eh.

Malaki yung kama kung saan nakahiga si Elleigne kaya kasya ang dalawa o kahit tatlong katao doon.

Pinaalis ko nga kanina si Suga kasi ang dami namang higaan ang may space ngunit mas pinili niyang matulog sa tabi ni Elleigne kasi malakas daw ang Aircon.

"Tch. Kahit kailan pabigat 'yang babaeng 'yan." ini-stan na saad ni Jimin.

"Shut up." saway naman ni Jin.

Ano bang problema nitong si Jimin Kay Elleigne?

ELLEIGNE

Nagising ako dahil sa sa lamigin ng paligid. Nanlaki ang mga mata ko sa gulat ng si Jungkook ang bumungad sa paningin ko.

"Gising na siya guys! Mabuhay! WOOOOOOH!" sigaw ni Taehyung at pumalakpak.

Gising?

Teka bakit naka oxygen ako? Anong ginagawa ko rito?

Pansin ko mas lalong lumabo ang paningin ko..

Tumagilid ako sa pagkakahiga at nanlaki ulit ang mga mata ko ng makita kong kakaunti na lang ang distansiya ng mukha ko sa mukha ng natutulog na si Suga.

WTH? Bakit nasa tabi ko si Suga? 

Biglang bumukas ang mga mata niya at nginitian ako. Dahil sa hiya ko ay agad akong tumagilid ng pagkakahiga this time nagulat din ako ng makita kong nakasandal ang ulo ni Jin sa kama habang nakaupo siya sa upuan.

"Hi, Elleigne." bati ni Jin sa akin.

"H-hi din." mahina at nahihiyang sagot ko. Agad akong napatayo ng maalala kong late na ako.

Tinanggal ko ang oxygen na nakakabit sa akin ng mapansin ko kung anong oras na. 

"Jusmiyooo late na ako!!!" sigaw ko at akmang bababa ng higaan ngunit pinigilan nila ako. 

"Hindi ka pa pwedeng lumabas ng clinic habang hindi pa sinasabi ni Doc. Ramirez. Don't worry alam na ng adviser mo." saad ni Jungkook. 

"Oo nga pala. Ano bang ginagawa mo sa taas ng pader na 'yon Elleigne?" tanong ni Suga habang nakahiga pa rin sa tabi ko. 

"Uh kasi.." jusko nahihiya akong sabihin yung dahilan ko. 

"Kasi gusto niyang magpapansin." walang ganang saad ni Jimin. 

"JIMIN!" bulyaw ng anim sa kanya.  

"Kung gusto kong magpapansin edi sana wala na akong ginawa kundi ang sumunod ng sumunod sa inyo. Isa pa, bilang fan, hindi kami nageexist sa mga mata ng Idols namin. Dahil sila mataas kami mababa lang." saad ko na dahilan kung bakit nabalot ng katahimikan ang paligid.

"Ay! Naku! Sorry." saad ko at kinagat ang ilalim ng labi ko. Nakakahiya ka Elleigne! 

"Ano kasi, hindi ako makadaan kanina kasi kumpulan ng mga babae ang daraanan ko kaso tila may pinagkakaguluhan sila. Male-late na ako kaya nag-isip ako ng paraan kung paano ako makakadaan."

"Kaya naisipan mong doon dumaan sa pader na 'yon?" tanong ni J-hope. 

"Oo. Pasensiya na kung naabala ko ulit kayo." saad ko at yumuko.

JIMIN

Ugh naiinis ako sa babaeng ito. Masyadong papansin eh. Ang galing pa umarte. 

Tch. Isang pakulo niya lang ito upang mapalapit siya sa amin. 

But this words.. 

 "Isa pa, bilang fan, hindi kami nage-exist sa mga mata ng Idols namin. Dahil sila mataas kami mababa lang." paulit-ulit sa isip ko. Ganoon ba talaga?

Sa aking pag-iisip nakarinig ako ng isang maganda at mala-angel na boses. Napatingin ako kung kanino galing ito at nakita ko ang mukha ni Elleigne na tumatawa.

"Hahahaha napanood ko nga yung episode ng nawawala yung bag ni Taehyung. Grabe ang galing niyang umarte na galit." saad niya. 

Tila nakaramdam ako ng malakas na pagkabog mula sa dibdib ko ng marinig ko ang tawa niya. 

 What the fuck is this? 

"Ah Jungkook pwede ba akong humingi ng favor sa'yo?" tanong niya kay Jungkook. 

Tch. 'yan na.  Sabi na nga ba may kailangan lang ito sa amin.

"Sige ano 'yon?" tanong ni Jungkook.

"Pwede bang kantahin mo yung chorus ng move habang nirerecord ko? Bias ka kasi ng mama ko. Nakatatawa mang isipin pero fan na fan siya ng grupo niyo." 

Tch. Habang tatagal mas lalong aabusuhin niya ang kabaitan ng ibang  members.

Ang dapat kong gawin ay to push her away habang maaga pa. We shouldn't trust a toxic like her.

ELLEIGNE

"Ayan kumanta na ako. Ngayon kantahan mo naman kami." saad ni Jungkook. 

"Kantahan mo kami Elleigne!" saad naman ni Taehyung. 

"Oo nga!"dagdag ni J-hope.

"Ah.. eh.. hehe." nahihiya talaga ako. 

"Sige na please!" pagmamakaawa ni Jin.

"Oh sige na nga." 

"Maybe I, I can never fly

Fly like those flower petals there; spread my wings in the air

No, I can't, yeah

Maybe I, I can't touch the sky

Even so I reach out my hand, run like I just began, a bit more~"

Natapos ang kanta at lahat sila'y nakatunganga at gulat na gulat sa akin. 

"Pasensiya na pangit ata ng boses ko." saad ko. 

"Hindi kaya! Grabe hindi ko alam na ganyan pala kaganda ang boses mo! Muntik na nga akong makatulog eh." saad ni Suga.

"Oo nga kita mo dumadaldal si Suga dahil sa iyo." saad naman ni Rapmon dahilan kung bakit kami nagsitawanan.

Si Jimin? Ayon nadoon lang siya sa gilid at tila walang pakielam.

"Nagugutom na ako. Bibilhan ko muna kayo ng pagkain ah." saad ni Jin.

"Sige Jin, damihan mo yung kay Elleigne ah para mabilis gumaling." saad ni Suga.

"Nakoo huwag na! Nakakahiya naman at saka busog pa ako." 

"Sus. Huwag ng mahiya Elleigne. gayaan mo na kami." saad ni Rapmon at nginitian ako.

"T-thank you." saad ko.

"Ang kyut mo talaga Elleigne kapag namumula ang pisngi mo." pang-aasar ni Taehyung at kinurot ang pisngi ko.

Jusko pakiramdam ko nasa langit na ako. 

Itutuloy...

Will You Notice Me? (Completed) (PJ| FAN FIC)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon