ELLEIGNE
"Kuya! Kailan ka pa nakabalik dito? Bakit hindi ko alam na dumating ka na pala dito?" maluha-luha kong tanong kay kuya Erron.
"Shhh! Heto talagang baby sis ko! Masyado mo namang namiss si kuya. Nung malaman ko kasing isinugod ka sa hospital dali-dali agad akong bumalik sa Pilipinas to check you but months has been passed wala ka pa ring malay. Then I really need to go back to LA because of fashion week of Puma that will be held there. Kahapon lang ulit ako nakauwi dito." saad ni Kuya.
"Pero paanong naging President ka ng Puma?" takang-taka kong tanong.
"Hay nako matagal na pero hindi mo pa din alam." saad niya.
Hindi ko na siya kinulit sa pagtatanong kung paano siya naging President ng Puma. President lang siya syempre iba din yung C.E.O ng Puma.
Maya maya lang ay nag-paalam na sa akin si kuya dahil may business meeting pa daw siya. Tch, napakabusy niya talagang tao.
Since naiwan na akong mag-isa dito sa tent lumabas na ako at nagpasyang libutin yung lugar.
Ang ganda talaga ng mga sceneries dito. Una kong pinuntahan yung park na maraming couples ang naglalambingan.
Dahil na-umay ako, pumunta na lang ako sa sea side. Halos lumuha ang mga mata ko sa pagkamangha. Ang ganda pa nung lupa, puting-puti.
Agad kong hinubad yung sapatos ko at naglaro sa tubigan.
"Ate! Bago ka lang ba dito?" tanong sa akin ng isang batang lalaki.
"Ah ako? Oo ganoon na nga." sagot ko sa kanya at ngumiti.
"Ay, pero ate pwede mo ba kaming tulungan ng mga kaibigan ko sa pag-gawa ng sand castle?" tanong nito habang nagmamaka-aawa yung mga mata niya.
"Awww ang cute mo naman. Sure baby boy!" dahil sa sobrang tuwa nung batang lalaki hinila niya ako papunta doon sa mga kaibigan niya.
"HI ATEEEEE!" sabay-sabay nilang bati sa akin dahilan para mapangiti ako.
"Hi kids! I'm ate Elleigne!" pagpapakilala ko sa kanila.
Nagsimula na akong tumulong sa kanila sa pag-gawa nung sand castle.
Maya-maya lang ay nagulat ako ng may biglang nagwisik sa amin ng tubig.
"James ang daya mo! Lumalaban ka ng patalikod." saad nung batang babae doon sa batang lalaki na kausap ko kanina.
"Ganyanan pala!" saad naman nung isa niyang kaibigan.
"Di kami papatalo!"
"Babawi kami."
Napangiti ako ng makita ko kung paano sila maglaro at kung gaano sila kasaya. Patuloy pa rin sila pagbabasaan ng tubig galing sa dagat.
"Uy baka magkasakit kayo niyan ah!" pag-aala ko sa kanila.
"Sus hindi po! Malakas kaya ako." saad ni James at binasa ako ng tubig.
Ngumiti na lang ako at nakipagbasaan sa kanila.
"Mga bata basain si James!" sigaw ko at hinabol namin si James.

BINABASA MO ANG
Will You Notice Me? (Completed) (PJ| FAN FIC)
Fanfiction(BTS Fanfiction) (JiminXFan) Ang hirap maging Fan Girl. Minsan hanggang tingin ka na lang sa kanya. Minsan lang ba? Hindi mo siya kayang abutin dahil hindi lang ikaw ang babaeng naghahangad sa kanya. Marami kang karibal sa puso niya. Naiisip mo na m...