Chapter 5: Danger

6.2K 214 67
                                    

JIMIN

"Deguzman" tawag ni Ms. Alargon sa apelyido ng kaklase ko.

"Present."

Oo nga pala, nagche-check ng attendance si Miss ngayon.

"Dy." tawag niya sa kung sino mang Dy iyon.

Ilang minuto ang lumipas ngunit walang sumagot.

"Where's Elleigne Dy?" pag-uulit ni Miss.

Tch. So yung babaeng 'yon pala ang nagmamay-ari ng apelyidong Dy.

"Miss nandito po yung bag niya pero wala po siya dito. Baka nasa clinic nanaman po." saad nung isa kong classmate.

"Nako, si Elleigne talaga lagi na lang suki ng clinic 'yon." bulong nung kaklase kong babae sa katabi niya.

"Oo nga eh, naawa nga ako sa kalagayan niya." saad naman nung isa niyang katabi.

Tch. Umaarte lang siya mga hangal.

Tumahimik na ang buong klase dahil nagsimula ng magturo si Miss. Habang ako naman ay kunwaring natutulog sa dulo. Ayoko ng ingay eh.

---
"Saan tayo tatambay?" tanong ni Suga kay RM.

"Sa music room na lang. Practice muna tayo ng vocals." sagot naman ni RM.

"Mauna na ako doon. Inaantok ako eh." saad ko.

"Sama ako!" saad naman ni Taehyung at umakbay sa akin.

ELLEIGNE

"Pakiusap tulungan niyo ako." saad ko at kinatok-katok yung pinto habang nasa loob ako.

Hindi ko mabuksan yung pinto. Kanina pa ako nandito. Patuloy pa rin ako sa pag-iyak dahil sa takot ko sa ginawa ni Jimin.

"Tulong! Pakiusap! May tao ba diyan?" sigaw ko dahilan para manikip ang dibdib ko.

Napasandal ako sa pader at huminga ng malalim. Naghahabol ako ng hangin ngunit nahihirapan ako.

"T-tulong." daing ko ng mas lalong sumikip ang dibdib ko

Patuloy pa rin sa pagbagsak ang luha ko at unti-unting lumalabo na ang paningin ko dahil dito.

"Tulungan niyo ako pakiusap!" muling sigaw ko at hindi sinasadyang masangi ang isang babasaging vase dahilan upang mahulog ito at mabasag.

"Tulong.." hinang hinang saad ko at tuluyan ng bumagsak.

Nakarinig ako ng pagdabog sa pinto. Pinilit kong idilat ang mga mata ko ngunit muling naipikit ko ito dahil sa pagod.

"ELLEIGNE! HUMINGA KA LANG NG MALALIM! KUMALMA KA!" sigaw ng boses ng isang lalaki.

Napangiti ako kahit hinang hina na ako...

Si Taehyung, kahit kailan talaga.

"Tulungan ni--" hindi na natapos ang sasabihin ko ng tuluyan ng nandilim ang paningin ko.

TAEHYUNG
"Naka-lock eh!" saad ni Jimin at sumandal na lang sa pinto upang hintayin si RM.

May padlock kasi sa harap. Bakit naman may padlock ito?

"Tulungan niyo ako pakiusap!" boses ng isang babae kasunod nito ang tunog ng isang nababasag na bagay.

Napatayo si Jimin at tinignan kung saan galing yung boses na 'yon.

Isinandal ko ang tenga ko sa pinto at nakarinig ako ng malalim na paghinga at tila naghahabol ng hangin.

"Tulong.." hinang hinang saad nito.

Will You Notice Me? (Completed) (PJ| FAN FIC)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon