Chapter 8: Care

5.9K 183 65
                                    

ELLEIGNE

Tulala...

Sinong hindi matutulala?

Yakapin ka ba naman ng isang Jimin at yung hininga niya ay ramdam na ramdam mo sa leeg mo.

Hindi ako makaalis kasi talagang hinihigpitan niya yung kapit niya sa tiyan ko tapos yung paa niya nakatanday pa sa katawan ko.

Sinubukan ko ngang tanggalin yung kamay niya kanina kaso mas lalong lumala.

Nakita kong bumukas yung pinto at bakita ko ang gulat nagulat na si Taehyung at akmang sisigaw.

"Shh." saway ko sa kanya.

"Tulungan mo ako makaalis dito." mahinang saad ko.

"Huhu pinagtataksilan mo ako bebe Elleigne ah!" pagmamaktol ni Taehyung.

"Hindi ah. Hinila niya ako bigla." saad ko at dahan dahang ini-alis yung kamay ni Jimin.

"Go bebe Elleigne! Kaya mo 'yan." mahinang saad ni Taehyung.

Natanggal ko yung kamay ni Jimin na nakayakap sa akin kaya isinunod ko naman yung paa niyang nakataday.

"Ayan malapit na." saad ni Taehyung na may halong kaba.

Nangmai-alis ko na yung paa niya ay nakahinga ako ng maluwag.

Tatayo na sana ako ngunit nakaramdam nanaman ako ng mainit na kamay na humawak sa kamay ko at hinila ako.

Bumagsak ako sa kama habang yung kamay ni Jimin ay nasa leeg ko.

Ibinaon niya yung mukha ko sa dibdib niya dahilan upang maamoy ko ang manly scent niya. Nagtaasan ang balahibo ko ng ipinulupot niya yung kamay niya sa bewang ko.

"Nilalamig ako, huwag ka munang umalis." hinang hinang saad niya.

Hindi ko alam kung ano ang reaksyon ni Taehyung pero narinig ko na lang ang mabilis na pagtakbo at ang sigaw niya.

"WAAAAAAAAAAAAAAAH JIN! HUHUHU! SI JIMIN! MINAMANYAK SI BEBE ELLEIGNE KO HUHUHUHU." sigaw ni Taehyung dahilan para mapatawa ako ng mahina.

Para kasi siyang batang nagsusumbong sa nanay niya. Narinig ko ang mga yabag ng paa papunta dito.

"Jimin bitawan mo siya." rinig kong saad ni Jungkook.

"Jimin! Jusko!" saad naman ni Jin.

"Aisssh nagpapahinga ako, katahimikan please." saad ni Jimin.

"Huhuhu! Bebe Elleigne may sakit din si Taehyung mo. Masama din pakiramdam ko tignan mo." saad ni Taehyung.

Naramdaman ko na may humiga sa bandang likuran ko at niyakap din ako. Napakagat ako sa labi ko ng maramdaman ko ang hininga nito sa batok ko.

Torture 'to mga bes.

"Bebe Elleigne alagaan mo din ako. Yakapin mo ako huhuhu." ngawa ni Taehyung.

"Ehh hindi ako makagalaw dito eh." saad ko.

"Tch." rinig kong saad ni Jimin na mas lalong idiniin ang pagkakayakap niya sa akin.

"Huhuhu ang bad mo talaga Jimin!" saad ni Taehyung.

---
Naiwan na lang kaming tatlo ni Jimin sa kwarto niya.

Oo tatlo kami, may natutulog pa kasi sa gilid ko. Hindi siya si Taehyung kundi si Suga. Bodyguard ko daw siya. Baka may gawin daw na hindi kanais nais sa akin si Jimin.

Nakaramdam ako ng antok kaya ipinikit ko na ang mga mata ko.

---
Nagising ako ng wala ng tao sa buong kwarto. Ako na lang mag-isa ngunit maayos ang pagkakakumot sa akin.

Napatayo agad ako sa kama at agad na bumaba ng floor ng makita ko kung anong oras na.

Nadatnan ko ang pitong nagagwapuhang nilalang sa baba na kumakain nanaman ng sopas na ginawa ko. Naibaling ang atensyon nilang lahat sa akin.

Agad na tumayo si Taehyung at hinawakan ang kamay ko.

"Tara na Bebe Elleigne kumain ka muna susubuan kita." saad ni Taehyung at pinaupo ako sa lugar kung saan siya nakaupo kanina.

"Eh ako na. Wala naman akong sakit Taehyung eh." saad ko naman na hiyang hiya.

"Shh. Ikaw ang bebe ko eh kaya susubuan kita." saad niya at inilahad na yung kutsarang may sopas.

"Ehem." Ubo ni Jimin sabay tumaray.

---
Pagakatapos naming kumain ay tinulungan ko ang boys sa paghuhugas ng plato.

''Diyos ko! Totoo ba ito? Si Suga nagwawalis?" gulat na saad ng isang lalaki na mukhang kararating lang dito.

Manager ata nila.

"Sabihin niyo? Nanaginip bq ako? Ang linis ng bahay. Last time na iniwan ko kayo, pagbalik ko ay mukha ng basurahan ang bahay na'to." hindi makapaniwalang saad ng Manager nila.

"Tinulungan kami ni Elleigne, Manager." saad ni RM.

"Elleigne? So she's the beautiful young lady?" saad nito at tumingin sa akin.

"Yup. Nakiusap ako sa kanya na alagaan si Jimin kasi nga nilalagnat." sagot naman ni Jin.

''Ano? Nilalagnat? Kamusta na si Jimin?"

"Ayos na siya Manager Sejin! Ang bilis niya ngang gumaling. The best talagang mag-alaga si Elleigne." saad ni J-hope.

"Pati yung luto niya Manager. Kapag natikman mo! Napakasarap." saad ni Suga.

Pumunta sa akin yung Manager nila at nginitian ako.

"Thanks Elleigne. Sana, If mawala nanaman ako ng few days. Gabayan mo muna sila." saad niya.

"Ah... Uhmm sige po. Makakaasa po kayo." saad ko at ngumiti.

---
Kasalukuyan kong tinutungo ang daan pauwi sa bahay namin or should I say na hindi lang ako ang mag-isang tumutungo nito.

Kitang-kita ko na sinusundan nila ako.

"Tch. Ang bagal mo namang magtago Suga!" boses ni Jungkook.

"Tinatamad ako eh." saad naman ni Suga.

Napatingin ako sa likuran ko upang tignan sila ngunit...

*Beep*

Pagtingin ko sa harap ko'y bumungad sa akin ang isang kotse na papunta na sa akin at tila walang preno.

Tila nanigas ako sa kinatatayuan ko.

"ELLEIGNE!" rinig kong sigaw nila.

Wala na akong nagawa kundi ang ipikit ang mga mata ko at magdasal.

Ilang segundo ang lumipas ngunit wala man lang akong naramdaman na malakas na-impact sa katawan ko.

Naramdaman ko nalang na buhat-buhat na pala ako ng isang lalaking may pamilyar na amoy.

Iminulat ko ang mata ko at nakita ko si Jimin na bakas na bakas ang takot sa mga mata.

''J-jim--'' hindi natapos ang sasabihin ko ng unti-unting nanlabo at nandilim ang paningin ko.

Itutuloy...

Will You Notice Me? (Completed) (PJ| FAN FIC)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon