TAEHYUNG
Nagising ako ng makarinig ako ng mga kaluskos sa kusina. Langhap na langhap ko yung amoy nung niluluto ng kung sinoman.
Hindi lang din pala ako ang nagising, pati na rin si Jin na agad-agad dumiretso sa kusina. Hay nako, lalamon nanaman siya doon.
Tumayo na ako at naglakad patungo sa banyo.
Naghilamos ako at pinagmasdan ang sarili kong repleksyon sa salamin. Ngumiti ako ng mapait kasabay ang paglandas ng luha sa aking mga mata.
Naalala ko nanaman yung nangyari kagabi, kung paano halikan ni Jimin si Elleigne.
Nasaktan ako, inaamin ko.
Gusto ko ako lang yung lalaking makakahalik ng ganoon kay Elleigne.
Hanggang kailan ba ako magpapangap na isip bata upang mapalapit lang sa kanya?
Hanggang kailan ko ba itatago yung totoong ako sa kanya?Alam ko namang mahal ni Elleigne si Jimin sa simula palang at alam ko ding ganoon na din ang nararamdaman ni Jimin para sa kanya. Mahal nila ang isa't isa.
Tangina, bakit kahit alam ko na 'yon, kahit anong kumbinsi ko sa sarili ko na 'yon ang totoo ay hindi ko pa ring magawang tumigil at itigil ang nararamdaman ko sa kanya?
Mahal na mahal ko si Elleigne.
Kung gusto niya pwede akong umaktong si Jimin mula sa kilos, pananalita, hobbies, personalities etc. basta magustuhan niya lang ako.
Handa akong itaya ang lahat para lang mahalin niya din ako. Katulad ng pagmamahal na mayroon siya para kay Jimin.
Pero hindi ko kayang itaya yung pagkakaibigan namin ni Jimin.
Syempre parang kapatid ko na 'yon at mahal ko din 'yon.Napatigil ako sa pag-iisip ng biglang may kumatok sa pinto ng banyo.
''Tey? Ayos ka lang?'' tanong ni Elleigne.
''Ah oo, ayos lang ako haha. Najejebs lang kasi ako.'' saad ko at tumawa ng peke.
''S-sige. Pagkatapos mo diyan ah lumabas ka na. Nagluto na ako ng almusal para sa ating lahat.'' saad niya at tumawa.
Napangiti ako ng marinig ko ang tawa niya na siyang nagpatalon sa puso ko. Simpleng pagtawa niya lang ay napangingiti na ako.
Lumabas na ako ng banyo at dumiretso sa kusina.
''Oh Tey anong nangyari sa iyo? Bakit namamaga ang mga mata mo?'' tanong ni Elleigne.
Parang bumagal ang mundo ko dahil sa lapit ng mukha namin sa isa't isa.
Parang sa kanya walang malisya ito pero sa akin, pakiramdam ko nagparating ito sa akin ng matinding kuryente sa sistema ko.
''Ahh wala,wala, ganito lang talaga ang mga mata ko kapag kagigising ko lang bebe Elleigne hehe.'' saad ko sabay ngiti sa kanya.
''Ganoon ba? Sige upo ka na Tey. Kumain ka na. Saba-sabay na tayong lahat.'' saad niya at tinulak ako papunta doon sa hapag-kainan.
Nagsimula na kaming magsikain at halos lahat kami ay ganadong-ganadong kumain dahil sa sarap ng mga putaheng niluto ni Elleigne.
Such a wife material.
''Ehem, baka matunaw si Elleigne niyan Taehyung.'' bulong ni J-hope sa akin.
Saglit akong nakipag sukatan ng tingin sa kanya. Oo nga pala, isa din pala ito sa mga kaagaw ko kay Elleigne.
''Kalma ka lang walang sipaan.'' bulong ko sa kanya at tumawa.
![](https://img.wattpad.com/cover/72862019-288-k233103.jpg)
BINABASA MO ANG
Will You Notice Me? (Completed) (PJ| FAN FIC)
Fanfiction(BTS Fanfiction) (JiminXFan) Ang hirap maging Fan Girl. Minsan hanggang tingin ka na lang sa kanya. Minsan lang ba? Hindi mo siya kayang abutin dahil hindi lang ikaw ang babaeng naghahangad sa kanya. Marami kang karibal sa puso niya. Naiisip mo na m...