Chapter 28: Addicted

4.4K 112 42
                                    

ELLEIGNE

Ramdam na ramdam ko ang pamumula at pag-init ng magkabilang pisngi ko.

Sino bang hindi? Ikaw ba naman ang buhatin in bridal style ng isang Park Jimin sa harap ng libo-libong fans.

Kamusta naman 'yon?

Ipinasok ako ni Jimin sa kotse niya. Dala nanaman niya yung kotse niya. Jusko.

''Oy! Jimin anong gagawin mo?'' kabadong tanong ko.

''Shut up tch.'' inis na sagot niya.

Bakit ganoon? Inis na inis yung mukha niya pero bakit ang pogi pa rin niya?

Pinaupo niya ako ng maayos sa front seat at siya naman ay umupo sa may driver seat.

''Hoy Jimin saan tayo pupunta?'' tarantang tanong ko.

Hindi niya ako pinansin bagkus ay nagsimula na siyang magmaneho.

Kinakabahan ako ngayon at natetense. Mas natetense pa ako ngayon kesa kanina ng makita kong sumasayaw sa harap ko si Jay Park.

''I'm talking to you Elleigne.'' saad ni Jimin dahilan para makabalik ako sa ulirat ko.

''H-ha?'' wala sa sariling tanong ko.

''Tch. Kanina pa ako nagsasalita dito tapos ha lang ang sasabihin mo? ANO? INIISIP MO NANAMAN BA KUNG PAANO KA SINAYAWAN NI JAY PARK? KUNG PAANO NIYA HUBARIN YUNG DAMIT NIYA SA HAR---'' natigilan siya ng mabilis ko siyang ninakawan ng halik sa labi niya.

Nagulat at nahihiya ako sa ginawa ko. Nakakatakot kasi siya kapag sumisigaw. Di niya ata napansin na halos manginig at maihi na ako dito sa kinauupuan ko.

Saglit akong tumingin sa kanya at agad nag-iwas ng tingin dahil sa sobrang hiya.

Narinig ko ang malalim niyang paghinga at naramdaman ko ang paghinto niya sa makina kaya naipikit ko agad ang aking mga mata.

''Look at me.'' kalmado ngunit may autoridad na utos niya.

Dahil sa takot ko ay hindi ko nagawang makatingin sa kanya.

''Look at me.'' saad niya sabay hawak sa hita ko at pinisil ito kaya napasinghap ako.

''1'' bilang niya habang dahan-dahang itinataas ang kamay niya.

''2'' sunod na bilang niya habang kaunti na lang ay malapit na siya sa pagitan ng hita ko.

Napakagat ako sa ilalim ng labi ko at agad na hinarap siya bago pa siya makabilang ng tatlo.

Agad siyang napangisi ng magtama ang mga mata namin.

''Gotcha.'' saad niya sabay siniil ng halik ang labi ko.

Siniil niya ang labi ko ng sobrang lalim. Pinarusahan niya ito at ramdam na ramdam ko ang gigil niya sa bawat pagdampi ng labi niya sa labi ko.

He kissed me passionately at kahit anong tulak ko sa kanya ay wala akong magawa dahil sa lakas niya.

Mas lalo niya akong idiniin sa kanya. Hinawakan niya ang magkabilang kamay ko at isinabit ito sa leeg niya.

Mas lalo niyang nilaliman ang paghalik sa akin at halos lumuwa ang mga mata ko ng ipasok niya ang dila niya sa labi ko.

Nakita ko ang pasimpleng pagngiti niya habang patuloy sa paghalik sa labi ko.

''Response baby...'' bulong niya.

Naipikit ko ang mga mata ko ng naging marahan na ang paghalik niya. Kinagat niya ang ilalim ng labi ko bago humiwalay sa pagkakahalik sa akin.

''Your lips are always tempting me.'' saad niya habang tinitignan ako.

Will You Notice Me? (Completed) (PJ| FAN FIC)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon